Now playing: Emosyong dinaan sa Awit
Deanna POV
Noong makaalis na si Jema at ang kasama nito ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi magpakalunod sa alak.
Rae.
Natatandaan ko naman siya at alam kong isa siyang sikat na celebrity. Pero ang hindi ko akalain eh ganoon pala sila ka close ni Jema. Lalo pa akong nainis noong hawakan nito si Jema sa kanyang balakang at sa harapan ko pa talaga.
Tangina dude! Wala akong magawa. Wala akong masabi. Nagseselos ako, gusto kong sumabog sa galit kasi ang tanga-tanga lang na wala akong magawa. Dahil unang-una, ako ang nakipaghiwalay kay Jema. Pangalawa, ito ang gusto ko diba? Ito 'yong gusto kong mangyari pero bakit ang sikip lang sa dibdib na makitang masaya siya sa iba?
What the fuck?!
Harap-harapan, itatanong sayo kung okay lang ba na hiramin ang KAPATID mo? Alam kong may ibig siyang sabihin doon, na may laman ang mga sinasabi niya, pero para akong ewan na hindi makasagot! Sa totoo lang, gusto ko siyang suntukin, dahil wala siyang karapatan na hawakan ang babaeng minamahal ko. Pero ayoko namang mag eskandalo.
Isa pa, hindi na kami.
Napatawa ako ng mapakla sa aking sarili habang nilalagok ang huling laman ng bote na hawak.
Tinignan ako ni Ponggay na para bang na werwerduhan sa akin dahilan upang mapatigil ako sa pagtawa.
"Ang hirap pala magselos pag di na sayo."
Nakatulalang komento ko rito. As in literal na naramdaman ko ang gumuhit na kirot sa aking dibdib nang sabihin ko ang mga katagang iyon.
"Iyong kahit gusto mong manapak, magalit at sumigaw, hindi mo magawa. So in the end, tatahimik ka na lang. 'Yon bang, titiisin mo ang sakit kahit harap-harapan ka ng nasasaktan." Dagdag ko pa habang unti-unti ng tumutulo ang luha sa mga pisnge.
Natawa lamang si Ponggay sa pinagsasabi ko habang iiling-iling na nakatingin sa akin.
"Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng nagseselos at nasasaktan?" Tanong nito sa akin. Napa singhot ako at kunot noong napa titig sa kanyang mukha.
"Don't worry, I've been there." Wika nito. "I've been there, trust me. You'll be alright. Ganyan na ganyan din ako noong nalaman ko na kayo na ni Jema." Dagdag pa niya.
"Iyong kahit anong pilit kong i-win back ka at ibalik ang dating tayo hindi ko na magawa dahil..." Napahinto ito atsaka sandaling napa sulyap sa mga labi ko.
"Dahil unang-una, hindi ka naman naging akin. Remember, ni-reject kita. At pangalawa...may Jemalyn na." Atsaka ito muling napa inom sa bote na hawak.
"Kaya ikaw!" Turo nito sa akin.
"Hangga't alam mong may pag-asa pa, hangga't alam mong may feelings pa para sayo, gawin mo na ang lahat para maibalik siya. At least you did your part, right? Kasi mas masakit 'yong magsisi ka ng walang ginawa. Wala kang nagawa."
May punto rin naman si Ponggay. At iyon naman talaga ang dapat ko na gawin ngayon. Ayaw kong makita na tuluyan na siyang maging hawak ng iba.
Pero, isang bagay lang gumugulo sa aking isipan ngayon. Paano na ang mga magulang namin?
"Ang tanga-tanga mo lang sa part na...ayaw mo ituloy 'yong kung anong meron kayo dahil lang sa magiging magkapatid na kayo." Humahagikhik pa na sabi nito sa akin. Halatang lasing na siya. At ganoon din ako.
"Tanga! Hindi naman kayo blood related." Hindi ko na nadinig pa ang huling sinabi nito dahil medyo pabulong na.
Itinaas ko nalang ang bote na aking hawak at ganoon din siya.
"Cheers!" Sabay namin na sabi.
"Cheers to the one that we lost." Pabirong dagdag pa ni Ponggay bago napa bottoms-up ng alak mula sa bote na iniinom.
----------
Dahil sa kalasingan, hindi ko na namalayan pa kung paano pa ako naka uwi kagabi. Basta ang alam ko at pag mulat ng mga mata ko, hindi na ito 'yong kuwarto ko. Kung hindi...kuwarto ni Jemalyn.
Oh shit!
Mabilis akong napa balikwas sa pagbangon atsaka napa tingin sa aking katawan. May damit pa naman ako at 'yon parin naman ang suot ko kagabi.
Pero...papaano ako napunta sa kanilang mansyon?
Napa hawak ako ng disoras sa aking ulo atsaka pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Simula noong makita ko si Jemalyn at umiksena si Rae Lewis. Noong sandali na hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa paglalasing kasama si Ponggay hanggang sa...wala na akong matandaan.
"Hays! Naman oh!" Naiinis na maktol ko bago tuluyan ng bumaba ng kama at inayos ang sarili.
Dito kaya siya umuwi kagabi? Magkatabi kaya kaming natulog? Kung ganon man, kailangan ko ng makalis ngayon din, dahil baka maabutan pa ako at tiyak na hinahanap na ako ni nanay.
Nang papalabas na ako ng kanyang kuwarto ay sandali akong napahinto dahil sa mayroon na lamang na kusang bumalik na alaala sa aking isipan.
Flashback:
Kadarating ko lamang noon at matutulog pa lamang nang may marinig ako na mga yabag ng paa papalapit sa kuwarto, kaya't mabilis ang mga kilos na sumampa ako sa kama at nagkunwaring tulog.
Pagpasok nito sa kuwarto ay sandaling hinanap muna nito ang switch atsaka binuksan ang ilaw, dahil madilim sa buong silid.
Kasabay noon ang kanyang pagsinghap, siguro dahil nagulat ito nang makita ako na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama.
Hindi ako nagkakamali. Si Jemalyn ang babaeng naka tayo sa harapan ko ngayon. Hindi iyon nagtagal nang muli naman nitong patayin ang ilaw at tuluyan na ring sumampa sa kama, sa tabi ko.
Naramdaman ko ang mainit at nakakakiliting hininga nito nang isiniksik nito ang kanyang sarili sa akin lalo na ang kanyang mukha sa aking leeg. Napa hinga rin ito ng malalim, hindi nagtagal ay may narinig na lamang akong mga pagsinghot.
Umiiyak na naman ba siya? Malungkot na tanong ko sa aking sarili. Hindi ko na rin kasi maimulat pa ang mga mata ko dahil mas lalo lamang akong makakaramdam ng pagkahilo.
"I miss the kisses on the forehead that you always gave me before Deanns." Panimula nito habang ibinubulong ang mga iyon sa akin.
"The simple things you always do, like carrying my books and bag while holding my hand tight. I miss the sweetness we had before, Deanna. Kung sana...kaya ko lang ibalik ang lahat. Kung sana...." Napa singhot itong muli atsaka napa hikbi bago nagpatuloy.
"Kung sana panaginip lang ang lahat ng ito." Nanatili akong gising at pilit na nilalabanan ang sarili na huwag na munang maka tulog. Gusto ko pang marinig ang mga susunod na sasabihin nito. Gusto kong marinig ng mas matagal ang boses niya, kahit na napaka hina nito dahil sa kanyang pagbulong.
"I miss the late night talks, the time when you are holding my other hand while driving my car. I miss the moments where I get mad you will immediately says something sweet to me to ease my emotions and----hug me tight while kissing my forehead. I-I miss..the food you always prepared to me every morning, everyday." Napatawa ito ng mahina. "I miss lying on your arm just so I can sleep peacefully."
"I always miss the moments where you always waits for me outside the classroom while holding a piece of gumamela that you just picked form the garden of our school. And last but not the least, I miss your whole presence. 'Yong buong ikaw, Deanna."
Dahil doon ay hindi ko na naman mapigilan ang sarili na gustuhing bawiin lahat ng sinabi ko at piliing ipagpatuloy nalang ang sa amin.
"It's killing me now, sa tuwing titignan kita mula sa malayo, sa tuwing makikita kong naka ngiti ka ng hindi na ako ang nasa tabi mo, sa tuwing magtatama ang ating mga mata and you immediately look away. After all, I don't understand why I still love you, Deanna."
End of flashback:
Lasing man ako o naka inom ng alak. But still, alam ko na mahal na mahal ko parin si Jema. Ang babaeng magiging kapatid ko na. Pero tama si Ponggay. Tanga ako kung hahayaan kong mapunta siya sa iba. Tanga ako kung hahayaan ko na nahihirapan lamang kaming dalawa.
Nakapag desisyon na ako. Ilalaban ko kung ano ang meron sa amin ni Jema. Ilalaban ko at hindi na ako matatakot pa. Ngayong araw din, sasabihin ko kay nanay ang lahat lahat tungkol sa amin.
Pababa pa lamang ako ng hagdanan galing sa kuwarto ni Jema nang may marinig ako na pamilyar na boses.
"For you."
"Awwww. Thanks! You're so sweet." Masayang pasasalamat naman ni Jema rito.
Dahil sa curiosity kaya naisipan kong sumilip sandali at para kumpirmahin kung siya nga ang taong nasa isipan ko.
Mula dito sa second floor ng bahay nina Jema, kitang kita ko ang malawak na ngiti nito bago naupo sa sofa. Habang si Jema naman ay buhat ang isang bouquet ng sunflower na halatang bigay ni Rae.
Anong ginagawa niya rito? Isa pa, masyado pang maaga ha.
Sandali ko pa silang pinag masdan hanggang sa mapansin ko ang isang passport na nakalapag sa ibabaw ng lamesa kung saan sila naka upo.
Napa tingin si Rae sa kanyang suot sa relo bago muling nagsalita.
"Don't you want to bathe first? It's almost time. We will still be traveling to the airport." Wika nito.
Airport?
Awtomatikong napakabog ang aking dibdib ng marinig ang mga katagang iyon.
"Oo nga pala. Sige, just give me one hour and I'm done." Napatayo si Jema atsaka muling nag jogging papaakyat ng hagdanan.
Ako naman, mabilis ang mga hakbang na bumalik patungo sa kanyang kuwarto. Gusto kong malaman kung saan siya pupunta, at bakit biglaan naman yata.
Nauna ako sa kanya sa loob ng kuwarto, pagpasok ko pa lamang. Bumungad kaagad sa akin ang isang may medyo kalakihan na maleta na naka lagay malapit sa kanyang closet.
Bakit hindi ko kaagad napansin 'yon kanina?
Ilang segundo pa ang itinagal nang tuluyan na ring muling makapasok si Jema.
"Oh, gising kana pala." Komento nito. Ngunit hindi naman makatingin sa mga mata ko.
Hinihintay ko na tignan ako nito sa aking mga mata pero wala talaga, kaya nagsalita na ako.
"M-may gusto sana akong itanong sayo." Sabay kagat ko sa dulo ng aking dila dahil sa pagkaka utal. Shit naman oh!
Napa hinto ito sa kanyang ginagawa. At sa wakas, napa tingin na rin ito sa akin.
"What is it?" Seryoso ang mukha na tanong nito sa akin. "Oh ghad! Pwede ba mamaya nalang yan? Nagmamadali na kasi ako eh."
"Sandali lang naman gusto ko lang malaman kung bakit mayroong pass---
Pero hindi ko na naituloy pa ang aking sinasabi nang makapasok na ito sa loob ng banyo.
Napasabunot ako sa aking buhok. Wala akong choice kung hindi hintayin itong matapos sa kanyang pagligo.
Pagkatapos ng halos fourty minutes ay lumabas na rin ito. Lumabas ito mula sa loob ng kanyang walk-in closet na konektado sa kanyang banyo, baka dumiretso na ito sa pagbihis kaya ganon.
Mabilis ang mga hakbang na sinalubong ko siya. Natigilan pa ako sandali nang makita ko na nakaayos na ito at napa bango na ring muli. Hindi ko maitatanggi na sobrang namimiss ko na ang amoy niya.
"Aalis ka?" Diretsahang tanong ko rito ngunit nilampasan lamang ako.
"Jema, wala naman sa usapan natin na aalis ka ng bansa---
"So narinig mo?" Ganting tanong nito sa akin. Naguguluhan na napatingin ako sa kanya.
"Ha?"
"Narinig mo na aalis ako at kasama si Rae? Kung oo, well that's true." Matigas ang tono ng boses nito bago muling tumalikod sa akin bago hinawakan na ang kanyang maleta.
Nanginginig ang tuhod na pinigilan ko siya sa kanyang braso at pilit na hinaharap sa akin.
"Jema, please...nabibigla ako. Aalis ka ng bansa? Bakit hindi mo man lang muna pinaaalam sa akin?" Ngunit sa halip na lumambot ang mukha nito ay napa tawa lamang ito ng mapakla.
"Bakit ka naman mabibigla?" Natatawa na tanong nito.
"Hello? First of all dapat wala na tayong pakialamanan pa. Pangalawa, aalis ako dahil gusto ko. At pangatlo, ano ba kita para pag paalamanan ko?" Napayuko ako.
Hindi ako makasagot. Hindi ako makapag salita. Nakatikom lamang ang mga bibig ko kahit na gustong-gusto kong sumagot pero bakit wala akong lakas ng loob?!
Napa hinga ako ng malalim. Iyong malalim na malalim upang pigilan ang sarili na huwag maiyak sa harap niya.
"M-mag papasko na." Pinagmumura ko ang aking sarili ngayon dahil iyon lamang ang tanging nasabi ko. Wala ng iba.
Tinignan ako nito sa aking mga mata. Iyong titig na titig.
"Why? Is there any other reason for me to stay here to celebrate Christmas?"
Hindi na naman ako nakasagot. Napa ngisi siya.
"Wala diba? So please...get out of my way because I don't want to miss my flight."
Pagkatapos noon ay walang nagawa na binitiwan ko na siya mula sa kanyang braso. Kahit pa na ayaw ko. Kahit pa masakit sa akin na hindi ito makita o makasama sa unang pasko, simula ng makilala ko siya. Humakbang na ito papalapit sa pintuan nang muli at lakas loob akong nagsalita.
"Papakasalan kita Jema." Sabay lingon na sabi ko sa kanya. Kusa itong natigilan ngunit naka talikod naman mula sa akin kaya hindi ko makita ang reaksyon ng kanyang mukha.
"P-paki-ulit yong sinabi mo?" Utal na tanong nito sa akin.
"Papakasalan kita." Pag ulit ko naman sa aking sinabi.
Dahan-dahan itong napa lingon pabalik sa akin atsaka napa ngiti ng malungkot habang na iiling.
"Gusto mo akong pakasalan. Pero hindi mo ako kayang ipaglaban." Napa lunok ito bago napa iwas ng tingin.
"That's so bullshit Deanna. You want us to be sisters, remember? So we will be sisters."
Bago tuluyan na nga nitong binuksan ang pintuan at walang lingon likod na lumabas na ng kuwarto.
Habang ako naman ay nanlalambot ang tuhod na napa upo sa sahig habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha.
Huli na pala. Nahuli na ako. Huli na ang lahat para mapalambot ko pa ang nasaktan kong puso niya.