webnovel

Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

Jennex · LGBT+
分數不夠
38 Chs

Chapter 20: Confession

Deanna POV

Excited na naglalakad ako habang papunta sa paboritong lugar ni Jema. Hindi mabura bura sa aking mga labi ang malawak na mga ngiti. Habang may pa ilan-ilan ako na nakakasalubong na nahahawa na rin sa aking pag ngiti. Simula kasi noong maging girlfriend ko ito ay wala na yatang humpay ang saya na aking nararamdaman.

Ang excitement at saya na nararamdaman ko simula noong maging official na kami ay palagi kong ipinagpapasalamat sa bawat pagsapit ng umaga. Ang magising sa kanyang tabi habang mahimbing itong natutulog at naka-unan pa sa aking mga braso. Ang natural na bango at init ng katawan nito na siyang mas lalong nagpapahimbing ng bawat pagtulog ko, at sa tuwing umaga ay wala akong ibang gawin kung hindi ang titigan ang napaka ganda at maamo nitong mukha na siyang dahilan para makompleto kaagad ang araw ko.

Ang sarap-sarap lang pala talagang ma-in love sa taong alam mong mahal ka rin. Iyong alam mong hindi masasayang pareho ang naramdaman ninyo.

Ako na yata ang pinaka maswerte na tao sa mundo dahil natagpuan ko ang kataulad niya. Hindi, natagpuan niya ang katulad kong matagal na napag-isa.

At heto nga, hindi na ako makapaghihintay pa sa sandali na muli itong makita at mayakap kahit sa sandaling minuto lamang. Medyo naging mas abala kasi kami pareho nitong mga nakaraang araw dahil sa paghahanda sa Tournament. Miyerkules na ngayon at sa araw na ng Sabado magsisimula ang nasabing event.

Hindi kasi kami nagkasabay sa pagpasok kaninang umaga sa dahilan na kinailangan kong ihatid sandali ang Inay sa Mall at suportahan sa kanyang date. Oo, tama kayo ng dinig. Makikipag date ang nanay, hindi pa naman huli ang lahat para sa kanya hindi ba? Isa pa, kagaya ko, gusto kong mahanap din nito ang tamang lalaki na para talaga sa kanya. Tulad ko, gusto kong maransan nitong muli ang umibig, pero sana..sa tamang tao na. Sa lalaki na kung saan magiging panatag ako na ipagkatiwala ang buhay at puso ng aking ina.

At kung maitatanong man ninyo, hindi pa alam ng nanay ang tungkol sa amin ni Jema. Parehas din kasi namin na napag desisyonan na saka lamang namin sasabihin iyon, pagkatapos ng Tournament. Ayaw din naman kasi namin pareho na mabigla ito sa aming ibabalita. Hehe.

Nang makarating ako sa lugar kung nasaan ang girlfriend ko, ay sandali na kinalma ko na muna ang sarili at napatingin sa screen ng aking cellphone upang tignan kung maayos parin ba ang mukha ko.

Bitbit ang isang tangkay ng white rose na binili ko pa talaga mula sa nadaanan na flower Shop kanina ay nakita ko na nakatayo roon si Jema. Napakagat ako sa aking labi bago unti-unting humakbang papalapit sa kanya. Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay may nagsalita na boses.

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo?" Malungkot na tanong nito kay Jema, na tila ba umiiyak pa. At iyon ay walang iba kung hindi si..Celine?

Kusang napakunot ang aking noo. Ano ang ibig nitong sabihin? Pero teka nga...bakit ba gusto ko pang malaman? Eh hindi naman ako nakausap nito. Nagdadalawang isip tuloy ako kung magsasalita ba ako para malaman ng mga ito na nandito ako. Kaya lang kasi..mukhang importante ang pinag-uusapan nilang dalawa. Pero kahit na ganon, mas pinili ko parin ang manatili roon kahit na sandali.

"Celine, I already told you." Sagot ni Jema. "I can't like you back the way you want me to. I have a girlfriend, and you know that. Everyone knows about me and Deanna and I love her!" Dagdag pa nito. "Bakit hindi ka nalang maging masaya para sa akin, para sa amin?"

Mas lalo lamang tuloy akong naguluhan sa mga sinasabi ni Jema ngayon. Ano bang nangyayari?

"Alam mo bang...I have the biggest crush on you for the longest time? That's why, mas pinili ko at pinagsikapan ko na makapasok dito sa Galanza University because of you, Jema."

A-ano? M-may gusto si Celine kay Jemalyn? At matagal na? Kaya pala...kaya pala palagi itong wala sa mga lakad namin sa tuwing kasama sina Alyssa. Dahil..nasasaktan itong makita kami na magkasama ni Jema?

"Why can't it be me Jema, huh? Of all people in this earth, why you had to fall in love with that girl?" Dagdag pa ni Celine.

Hindi ko alam pero...bigla na lamang akong napalunok habang naririnig ang kanilang pag-uusap ngayon. Hindi ko na rin alam kung tama pa bang nandito ako o aalis na lamang ako para bigyan sila ng panahon upang makapag usap. I mean, may tiwala naman kasi ako sa girlfriend ko, kay Jema. Kaya kung kinakailangan hahayaan ko silang magka-usap, gagawin ko.

Pero, hindi niyo parin maaalis sa akin ang hindi mag-alala at ang mangamba. Naging magkaibigan sila sa loob ng mahabang panahon. Ayokong mag-isip ng kung ano kaya naman mas pinili ko na lamang ang hindi maging paranoid.

"Hindi ko naman masasabi kung para kanino lang dapat tumibok ang puso ko Celine. You have to understand that, na hindi ko rin pweding diktahan ang sarili ko kung sino ang dapat kong mahalin at sino ang hindi dapat. That's just the way it works. I fell in love with her at hindi na 'yon magbabago pa."

Lumapit si Celine kay Jema at hinawakan ang mga kamay nito. "Jema, please! Leave her for me. I can make you happy too." Muling paki-usap nito.

Napailing si Jema atsaka binawi ang kamay na hawak ni Celine bago ito lumayo ng konti sa kaibigan. Kitang kita ko kung paano napayuko ng malungkot si Celine habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"I can't... I'm in love with her. I'm in love with Deanna. I'm sorry. I can love you too, pero hindi sa paraan na gusto mo. Because the part of me will always be hers."

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi dahil sa sinabi na iyon ni Jema. Dahil doon, mas lalo ko lamang napatunayan kung gaano ako nito ka mahal. Mula sa mga salitang narinig, mas nagkaroon ako ng rason para iwanan sila ng tuluyan ni Celine upang mas makapag usap pa ng maayos. Kaya naman, dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa papalayo.

Alam kong hindi ako bibiguin ni Jema. At hindi rin nito hahayaan na mawala ang pagkakaibigan nilang dalawa. Minsan kasi, hindi naman talaga natin kailangan mawalan ng isang importante sa buhay, dahil sa pinili natin ang isa. Pwede natin silang piliin pareho, ng hindi kailangan mawala ang isa.

-------

Habang naglalakad papalabas sa gate ng University ay tinititigan ko ang hawak na bulaklak na ibibigay sana para kay Jema. Napahinga ako ng malalim atsaka napatingin muli sa dinadaanan.

Bigla na lamang akong nagulat noong may bumusina sa akin. Kaagad akong napatingin sa puting kotse na nasa aking unahan, kumaway sa akin ang sakay nito na si Ponggay.

Walang nagawa na napakaway din ako rito pabalik atsaka tumakbo papalapit sa sasakyan bago binuksan ang pintuan at sumakay roon.

"What's with the face?" Tanong nito sa akin bago muling nagmaneho papalayo sa University. "And pwede sakin nalang 'to?" Sabay hablot nito sa bulaklak na nasa kamay ko.

Sandali niya iyong inamoy bago ibinalik ang mga mata sa kalsada. Ako naman, naka ngiti habang iiling iling na napatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam, pero inaamin ko, nakakamiss din pala na kasama si Ponggay. Hindi bilang Ex-Crush ko kung hindi dahil bilang kaibigan. Nakakamiss iyong mga samahan at bonding namin na walang hangganan noon.

Kaya habang mayroong masinsinan na pag-uusap si Jema at Celine, hahayaan ko na muna sila at sasama nalang muna ako kay Ponggay. Isa pa, alam kong may dahilan ito kung bakit napadpad sa University.

"Aminin mo nga, may kailangan ka sa akin 'no?" Pabirong sabi ko rito bago napatingin sa kanyang mukha.

Nagkibit balikat lamang ito bago napa ngisi sa akin. "Pwede? Pero depende." Sabay tawa na sabi nito. Natawa na rin ako ng tuluyan dahil sa kanyang sagot sa akin.

"Baliw!" Ganting biro ko naman.

"Sayo?" Muling sagot nito sa akin habang tatawa tawa parin. Medyo natigilan ako ng konti kaya muli itong nagsalita. "Chaaar!" Wika nito sabay hampas sa aking braso. "Ito naman, hindi ka na mabiro." Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko...

"Wag ka ngang assuming masyado. I've moved on." Proud na sabi nito bago inihinto ang sasakyan sa isang Coffee Shop.

Napatingin ako sa paligid. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko bago tinanggal ang seat belt sa aking katawan atsaka bumaba na rin ng sasakyan. Ganoon din ito.

"Wag ka na ngang maraming tanong." Pamimilosopong sagot nito bago nauna na sa paglakad na kaagad ko naman na sinundan. May dala-dala itong bag na naka sukmit naman sa kanyang kanang balikat.

Naupo kami sa pinaka gilid at pinaka tago na bahagi ng Shop. Medyo may hindi ako nararamdaman na maganda ngunit pilit ko iyong binabalewala.

"So...anong meron at bakit pati yata rito sa loob eh nasa liblib na sulok tayo?" Pabirong sabi ko rito bago natawa.

Ngunit sa halip na sabayan ako sa pagtawa ay nakatitig lamang ito ng malalim sa aking mukha bago nagbawi ng tingin pagkatapos ng ilang segundo.

"Nandito tayo dahil may dapat kang malaman, Deanna." Napa kunot ang aking noo dahil sa biglang pag seryoso ng tono ng boses nito.

"Napaka seryoso mo naman. Ano ba yang dapat kong malaman at ganyan din ka seryoso pati mukha mo." Atsaka ako muling natawa ng mahina at marahan itong hinampas sa braso.

May inabot ito sa akin na isang envelope mula sa loob ng kanyang bag. Medyo makapal at marami ang laman nito kaya napalunok ako at nagtataka itong binuksan.

"P-para saan naman ang mga ito?" Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako rito, pagkatapos ay muling ibinalik ang paningin sa laman ng envelope.

Tumambad sa akin ang napaka raming litrato. Lahat ng iyon ay mayroong mukha ni Jema, habang nakikipag kamay sa mga Councilor ng mga University na balak ko sanang paglipatan noon bago pa man ako mapunta rito sa Galanza University. At lahat ng University na iyon ay ang mga nang-reject sa akin at tumanggi na tanggapin ako bilang Estudyante.

Hindi ko maintindihan kung bakit at para saan ang lahat ng iyon. At kung bakit mayroong mga litrato si Ponggay na ganito. Kung bakit niya ito ngayon pinapakita sa akin.

"Ponggay---

"Kung talagang mahal ka niya, she will be honest to you, Deanns. At hindi niya kailangang maglihim mula sayo." Wika nito bago ako tinignan ng diretso sa mga mata.

"Kung gusto niyang tumagal kayo, sasabihin niya sayo ang dahilan ng bawat litrato na iyan. You can ask her. Or maybe...you'll figure it out by your own." Dagdag pa nito. "To be honest, I am not against to your relationship with her Deanns, I am really happy for you. Ang sa akin lang, sana alam niya kung paano magpakatotoo sayo, maliit man yan o malaking bagay. Dahil girlfriend ka niya at mag partner na kayo."

Bagsak ang mga balikat na napa upo ako ng maayos bago napatingin sa malayo. Doon, unti-unting nabuo sa aking isipan ang lahat ng nangyari. At wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi ang masaktan.