webnovel

ONE NIGHT WITH MY BOSS

Isang babae ang nabuntis ng kanyang Boss dahil sa kalasingan nito, ngunit pag gising kinabukasan ay hindi na sya maalala nito. At ang makamunduhang one night na ito pala ay magbubunga ng isang sanggol.

Tales_Of_Siren · 现代言情
分數不夠
5 Chs

CHAPTER 3

"Have we met before?" Tanong ni Jacob kay Cali bago ito makalabas ng opisina.

Hindi alam ni Cali ang isasagot kay Jacob, kung sasabihin niya ba ang totoo dito na nagkita na sila nung gabi ng party na lasing na lasing ito at may nangyari pa sa kanila. Huminga siya ng malalim at magsasalita na sana siya pero naunang nagsalita si Jacob.

"It's you!! The girl yesterday right? Sa elevator, yung paharang harang sa daraanan ko!" mayabang na wika ni Jacob.

Napalunok naman si Cali bago sumagot "Ako nga po, sorry sir" sabay yumuko ito.

"Apology accepted, don't ever stand in my way again!" masungit na wika ni Jacob at tuluyan ng nagpaalam si Cali at lumabas ng kanyang opisina.

Pagkalabas na pagkalabas ni Cali ng opisina ay noon lang siya nakahinga ng maluwag, pakiramdam niya ay hindi nya makakayanang matagalan ang kanilang CEO na ubod ng sunget at yabang. Buong akala niya ay maalala na nito nong gabi ng party na may mangyari sa kanila ngunit parang wala talaga itong ideya tungkol sa kanya.

Nag-iintay na sa kanya si Madam Lyn at napansin niya ang mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang table.

"Come here, Cali maupo ka," wika ni Madam Lyn.

"Andyan na ang uniform, cellphone, credit card at Laptop na gagamitin mo sa trabaho, wala pa tayong kontrata sa ngayon dahil hindi ka pa naman permanante dito, pero pag nagustuhan ka ni Jacob bilang assistant ay mas marami ka pang matatanggap," nakangiting wika ni Madam Lyn sa kanya.

With regards to your salary, it's 100k monthly pero wala pa yung mga benefits iha, kaya pagbutihin mo para maging permanent ka.

Napanganga naman si Cali nang marining ang 100k pesos, lumiwanag ang kanyang mukha na parang biglang nawala ang mga problema niya sa buhay dahil sa laki ng kanyang magiging sahod. Sa isip isip niya ay titiisin na lamang niya ang kasungitan at kasamaan ng ugali ng kanyang boss kapalit ng 100k pesos, dahil kailangan niyang maging praktikal sa buhay dahil marami siyang responsibilidad sa kanyang pamilya at kailangan talaga niya ng pera.

Kaya't kahit anong hirap ay titiisin niya, kahit pa ang makasama ang lalaking kinaiinisan niya.

KINABUKASAN ay maagap siyang pumasok sa opisina, ang bilin kasi ni Madam Lyn sa kanya ay dapat palagi siyang mas maagap pumapasok kay Jacob, lalo na tuwing umaga ito ay nagpapatimpla ng kape. Halos trenta minutos din siyang nag hintay bago dumating si Jacob.

"Goodmorning Sir" Bati ni Cali ng dumating ito

"Goodmorning, gusto ko ng kape" seryosong wika naman ni Jacob, na dere-deretsong pumasok sa kanyang opisina.

Palagi itong seryoso sa buhay at bihira lamang itong ngumiti. Agad namang nagmadali si Cali at nagtungo sa pantry upang ipagtimpla ito ng kape. Ilang sandali lang ay kumatok siya sa pinto nito bago pumasok, na dala dala ang kape. Nakita niyang nakaupo lang ito at tila may binabasa mula sa Ipad nya at nag angat ito ng tingin ng mapansin ang pagpasok niya.

"Next time Ms. Fernandez, wag ka ng kumatok. Naabala kasi ako! Pumasok ka nalang ng tahimik" Muling pagsusungit ni Jacob na muli ng binalik ang tingin sa Ipad.

"Noted sir, here's your cofee" agad na nilapag naman ni Cali ang kape nito sa table at tumalikod na din siya upang umalis, ngunit narinig niya ang mahinang sinabi nito.

"You look good jan sa uniform" mahinang wika ni Jacob ngunit sapat na upang marinig ni Cali yon. Saglit lang siyang napatigil ng marinig yon ay muli siyang humarap dito at nagpasalamat.

Ngayon ay suot suot ni Cali ang uniform na binigay ni Madam Lyn, binigyan siya nito ng 20 pairs ng suit at iba't ibang ang kulay nito. Tila naman kinilig si Cali sa papuring narinig kay Jacob, sa isip niya ay kahit pala ito ay napakasungit eh marunong naman pala itong maka appreciate.

LUNCH BREAK NA NOON, at naghahanda ng bumaba si Cali, nang biglang may pumasok na babae at hinahanap nito si Jacob.

"Excuse me? Where is Jacob?" mataray na tanong nito sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Nasa office po niya mam, sino po sila? Magalang na tanong niya dito kahit halos ka edad lang naman niya ito.

Imbis na sagutin siya nito, ay tinaasan lang siya nito ng kilay at umirap, at deretso ng pumasok sa loob ng opisina ni Jacob. Pipigilan pa niya sana ito ngunit mabilis nitong nabuksan ang pinto, hinayaan niya nalang ito at bumaba na siya upang kumain.

Habang kumakain si Cali kasama ang mga kaibigan ay walang humpay ang tanong mg mga ito tungkol sa first day niya bilang assistant ni Sir Jacob. Tila ba naririndi na si Cali sa kung ano anong mga tanong ng mga ito kaya't siya naman ang nagtanong.

"Matanong ko lang ha, may Girlfriend ba si Sir Jacob?" Tanong ni Cali sa mga kaibigan dahil nais niyang malaman kung ang babae kanima ay gf nito.

"Oo! Teh! Engage na yan si sir Jacob! Di mo pa ba nakikita yung gf niya? Minsan pumupunta yun dito e." sagot ng isa niyang kaibigan at doon ay kumbinsido na nga si Cali na ang babae kanina ay gf ni Jacob, ngunit hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nalungkot na malamang ikakasal na ito.

Lalo tuloy siyang nagsisi sa nangyari sa kanilang dalawa na dapat ay hindi niya hinayaan ibigay ang kanyang sarili. Pabalik na si Cali sa opisina ng makaramdam siya ng pagkahilo, mga ilang segundo din iyon ngunit nakabawi rin naman.

Dumeretso si Cali sa opisina ni Jacob upang iabot ang isang imbitasyon na iniabot sa kanya kanina ni Madam Lyn. Saglit itong dumaan sa kompanya upang iabot lamang iyon at nagbilin din ito na simula ngayon ay siya na ang makakatanggap ng mails and invitations para kay Jacob dahil siya na ang bagong assistant nito.

Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang babae kanina na kahalikan ang kanyang Boss at nakaupo pa ang babae sa hita nito, laking gulat niya kaya't nanlaki ang kanyang mga mata. Aalis na sana siya at isasarang muli ang pinto ngunit huli na.

"Ms. Fernandez, don't u know how to knock?" galit na wika ni Jacob kay Cali, napatigil na ang dalawa sa ginagawa at umayos na ng upo ang babae.

"So- sorry sir, sabi niyo po kasi kanina diba wag na akong kumatok kasi naabala kayo" mautal utal na paliwanag naman ni Cali dahil alam niyang lagot siya.

"Nevermind" Sagot naman ni Jacob, habang nag aayos ito ng necktie. Nag paalam na din ang babae sa kanya at hinalikan siya nito sa pisngi. Bago makalabas ang babae ay mataray naman niyang tinignan si Cali.

"Storbo" wika pa nito sa kanya at tuluyan ng umalis. Wala namang nagawa si Cali kaya't yumuko na lamang siya.

"What do you need Ms. Fernandez?" Masungit na tanong ni Jacob.

"Uhm. Iaabot ko lang po sa inyo itong invitation sir" wika ni Cali habang inaabot iyon kay jacob.

Tinignan naman iyon ni Jacob at binasa "Okay, It's next week! I need you there Ms. Fernandez, don't miss out! Understood? You may leave!"

Walang araw yata na hindi sinungitan si cali ng kanyang boss, maging magaan pa kaya ang loob nito sa kanya? Alamin natin sa susunod ang iba pang kaganapan sa buhay ni Cali, at ano kaya ang dahilan kung bakit siya nahilo? Buntis na nga kaya ito? Paano na lamang siya kung ikakasal na sa iba Si Jacob? Paano rin niya aamin ang nagyari sa kanilang dalwa. Sadyang napaka komplikado ng sitwasyon niya. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Cali? Ano kaya ang magandang desisyon? Maraming salamat sa inyong sumusubaybay tiyak na mas marami pa kayong mga eksenang kaiinisan at kakikiligan. Kaya wag na wag mawawala sa susunod na tagpo.

Itutuloy...