Lumipas ang isang linggo at nasasanay narin si Cali sa ugali ni Jacob, strikto at masungit pa din ito sa kanya. Sa dumaang linggo ay mas madalas siyang makaramdam ng pagkahilo at pagsakit ng ulo, pinabayaan na lamang niya dahil kaya niya namang tiisin iyon.
Ngayon ang araw kung saan a-attend sila ng party kasama si Jacob, mahigpit na bilin nito sa kanya na wag siyang mawawala, andun kasi ang mga ibang business partners ni Jacob at meron itong trabahong pag uusapan kayat kailangan niya doon ng assistant.
Alas syete pa ang party at bilin sa kanya ni Jacob ay hintayin siya sa opisina at may mahalaga lang itong pinuntahan.
Sa ilang sandali paghihintay ni Cali ay dumating na si Jacob. Nakabihis na ito ng formal at gwapong gwapo sa kanyang suot na tuxedo, napatulala naman si Cali sa gwapong binata na nsa kanyang harapan. Naalala naman ni Cali na katulad nito ang damit na suot ni Jacob nang mga gabing may nangyari sa kanila ng anniversary party ng companya.
Tandang tanda niya iyon dahil siya pa mismo ang naghubad nito, tila ba bumalik sa kanyang isipan ang mga nagyari noong gabing yon at hindi niya na namalayan na nakatulala na pala siya kay Jacob at kanina pa siya neto kinakausap.
"Ms. Fernandez? Okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Jacob ng hindi nito sagutin ang mga tanong niya kanina pa.
Doon naman ay bumalik sa realidad si Cali-
"Ano ho ulit yun sir?" Tanong ni Job.
"Sabi ko isuot mo'to, sabay abot ni jacob ng isang paper bag kay Cali, magbihis kana, formal party ang pupunthan natin at gusto kong presentable ka." Wika pa ulit ni Jacob.
Nagpaalam naman ito na sa baba nalang siya hintayin.
"Okay, I'll give you 20 mins to prepare! Dapat nasa baba kana nun, I hate waiting." Wika pa nito at tuluyan na nga siyang iniwan, noon din ay nagmadaling nagbihis si Cali.
Wala siyang dalang pang ayos tanging lipstick at pulbos lamang ang meron siya, kaya't yun lamang ang kanyang ginamit. Inilugay nalang niya ang kanyang mahabang buhok, kaya't lalong lumitaw ang kagandahan ni Cali, bagamat hindi ito naka ayos ng sobra ay sadyang napakaganda nito.
Kitang kita rin ang kanyang kaputian, kinis ng balat at hubog ng katawan sa suot nitong black fitted dress. Para itong model ngayon kung titignan. Bumaba na siya ng building at doon nga sa labas ay nag hihintay ang kotse ng kanyang boss, nasa loob si jacob ng sasakyan ngunit nakabukas ang bintana nito, palinga linga ito at kitang kita ang pagkainip nito dahil tingin ng tingin sa kanyang relo ngunit laking gulat niya ng makita si Cali na papunta sa kanyang direction.
Tila ba namangha ang lalaki sa babaeng nasa kanyang harapan at tila ba siya ay nakakita ng isang anghel, ngayon lamang niya ito nakitang maglugay ng buhok dahil sa opisina ay lagi itong nakapusod dahilan upang mapatulala ito ng ilang segundo, kaya't di niya namalayang kinakausap na siya ni Cali,
"Sir, Dito po ba ako mauupo sa tabi niyo?" Muling wika ni Cali.
"No! Dun ka sa kalapit ng driver" muling pagsusungit ni Jacob ng ma-realize niya na napatulala pala siya. Umiwas nalang din siya ng tingin kay Cali, hindi maikakailang namangha siya sa kagandahan ng kanyang assistant.
Pagdating nila sa Venue ay maraming kilalang businessman at ibang kilalang artista. Birthday Party iyon ng CEO ng isa ring kompanya na matalik na kaibigan ni Jacob na kilalanin natin sa pangalang Ace, mula pagkabata ay matalik na kaibigan na ito ni Jacob.
Magkaibagan at business partner din ang kanilang mga magulang, ngunit magkaibang magkaiba ang dalawa dahil si Ace ay mabait, mapagbiro at kwelang kasama ngunit ito lamang ay chickboy at mahilig sa magaganda at sexying babae.
Nakaupo sila ngayon sa isang bilog na mesa at kasama nila dun ang Birthday Celebrant na si Ace, napukol ang tingin nito kay Cali na namangha sa kagandahan nito.
"Care to introduce this beautiful lady beside you, Jacob?" Malanding wika ni Ace, habang umiinom ng wine.
"She's my new assistant, Cali Fernandez" malamig na wika ni Jacob kay Ace.
"Nice to meet you Cali" wika ni Ace at nilahad nito ang kanyang kamay at inabot naman iyon ni Cali.
"Nice to meet you Sir" sagot naman niya at sinuklian ito ng isang maganda ngiti.
"If this hot headed guy fires you" sabay tingin nito kay Jacob, "Go to my office immediately and I will hire you, beautiful Cali!" Wika pa ni Ace sabay kindat sa dalaga. Napatawa naman si Cali sa sinabing yon ni Ace, dahil pagtingin niya sa kanyang boss ay nakakunot ang noo neto, kahit wala itong imik.
Nagkwentuhan lamang sila about sa business at hindi naman makarelate itong si Cali dahil wala siyang alam sa mga pinag uusapan ng mga ito. Tahimik lang siyang nakaupo sa isang gilid at nag hihintay ng utos ng kanyang Boss.
Maya maya pa ay may tumugtog na malamunay at malambing na kanta, nagulat na lamang si Cali ng ilang sandali ay nakatayo na nya sa gilid si Ace at nakalahad ang kamay nito.
"May I dance you, Miss Gorgeous?" Wika pa ni Ace sabay ngiti nito sa dalaga na tila ba humihingi ng permiso.
Di pa man nakakasagot si Cali ay biglang nagsalita si Jacob, narinig pala nito ang sinabi ni Ace
"Stop it, Ace! Kailangan ko siya dito marami akong iuutos, wala siya dito para magsaya" malamig na boses ni Jacob
Masungit nitong tinignan si Cali na parang nagsasabi na pag pumayag siya ay tiyak na mawawalan siya sa trabaho. Kayat wala siyang nagawa kundi tanggihan si Ace, hindi rin naman siya marunong sumayaw, kaya't pabor yon sa kanya. Ngunit nagulat na lamang siya sa ginawa ni Ace.
"I don't care Jacob," mapang asar na wika ni Ace.
Wala ano-ano ay biglang hinawakan nito ang kamay ni Cali at hinala ito sa gitna kung saan may mga nauna ng sumasayaw. Wala naman ng nagawa si Jacob kaya't lalong uminit ang ulo nito, uminom na lamang ito ng wine habang masamang pinagmamasdan ang dalawa na sumasayaw.
Si Cali at Ace naman ay masayang sumasayaw at nagtatawanan pa ang mga ito na tila ba matagal na silang magkakilala. Mabait at malambing si Ace lalo na sa mga dalaga, na kabaliktaran naman nito si Jacob.
Maya maya naman ay may lumapit na isang babae kay Jacob. Nagulat na lamang siya ng makita nya ito. Walang iba kundi si Sandra ang girlfriend ni Jacob.
"Let us dance!" Aya nito kay Jacob
"Sorry, I'm late, may dinadaan pa kasi ako" dagdag pa nito
"It's okay babe, I've been waiting for you" wika naman ni Jacob sa kanya at saglit na hinalikan ito sa labi.
Si Casandra Lopez, 24 years old, isang supermodel hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa Hollywood, na kaibigan ni Ace at girlfriend ni Jacob.
Hindi naman maitatanggi ang kagandahan nito ngunit may pagkamaldita. Siya rin ang dahilan ng paglalasing ni Jacob noong gabi ng Anniversary Party. Dahil nakikipaghiwalay ito sa kanya sa kagustuhan nitong unahin ang career niya, may offer din kasi itong bagong project sa hollywood, bilang model ng isang sikat na brand, yun naman ang mahigpit na tinutulan ni Jacob.
Ilang sandali pa ay sumayaw na din ang dalawa, nasa tabi nila si Cali at Ace na sumasayaw din.
Hindi namalayan ni Cali ang pagbabago ng tugtog kaya nagulat na lamang si Cali ng inikot siya ni Ace at ibinigay sa ibang kapareha, at pagharap niya ay si Jacob na ang may hawak sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso ng hawakan siya niyo sa bewang at deretsong tinignan siya nito sa mga mata.
Magkalapit na magkalapit ang dalawa at pakiramdam ni Cali ay hindi siya makahinga sa sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi na rin siya makatingin ng deretso kay Jacob.
Habang sila ay sumasayaw ay napansin ni Jacob ang kwintas na suot ni Cali, tila ba iniisip niya kung saan niya ito nakita dahil pamilyar sa kanya ang kwintas na iyon, kayat hindi niya maiwasan magtanong ni Jacabo kay Cali.
"Where did you get that necklace?" Bulong nito sa kanya.
Para namang tumindig ang balahibo ni Cali ng maramdaman ang mainit na hininga ni Jacob na tumatama sa kanyang leeg. Hindi na niya nasagot ang tanong na 'yon dahil lumipat na muli siya ng kapareha.
Pasado alas onse na din ng gabi noon at natapos na din ang event, ang lahat ay naghahanda ng umuwi ng biglang lumapit si Ace kay Cali at sinabing "Do you mind if I drive you home" hindi pa man nakakasagot si Cali ay agad na sumabat si Jacob. Narinig nito ang sinabi ni Ace kaya't agad itong napalingon at lumapit sa dalawa.
Hinila nito papalayo si Cali at sabay sabing "ihahatid sya ng driver ko, Ace" tsaka tumingin ito ng seryoso sa binata. Wala namang nagawa pa si Ace at pinanuod nalang nya ang dalaga papalayo. Nagpaalam na lamang sya kay Cali ng tuluyan na itong umalis sakay ng kotse.
Habang si Jacob naman ay ipag da-drive ang girlfriend nitong si Sandra papunta sa condo dahil medyo nakainom ito.
Habang nasa byahe ay iniisip padin ni Jacob ang kwintas ni Cali, ilang sandali pa ay may sumagi sa kanyang isipan at doon ay bigla niyang naalala kung saan niya yun nakita.
'Ano kaya ang dahilam bakit pamilyar ang kwintas ni Cali kay Jacob? Dito na nga ba magsisimula ang maganda nilang pagsasamhan? Alamin natin sa susunod na kabanata. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay, only here at Tales of Siren.'
Itutuloy...