webnovel

Ch. 5 dare

Kinabukasan, nang iabot niya ang pera kay nathan ay natawa ito, "Sahod mo yan talaga, ang trabaho mo lang dapat ay server pero palagi kitang kinukuha dito sa loob." Paliwanag nito. Ibinulsa na lang ni Caleb ang pera ng marinig iyon, halos wala na nga siyang makain tapos papairalin pa nya ang pride na, di na ah.

Ngumiti si nathan nang makita ang ginawa ni caleb, halata talagang kapos sa pera ang binata, nalaman din nya sa cashier nila na wala na daw palang kamag-anak ito kaya mag-isa nitong itinataguyod ang sarili, kaya kahit sa kunting paraan naman ay gusto din niyang tumulong.

"Samahan mo ako mamaya sa lunch break." Sabi nya dito bago pumunta sa mixer bitbit ang isang sakong harina. Gusto niyang kumain sa restaurant pero wala syang kasama, naconvince nya kasi na mag-world tour ang magulang, so next year pa ang dating nila. Ayaw niyang nandito sila sa pinas at baka maisipan nilang pumunta sa batangas, next month kasi mangaganap ang aksidente sana.

"Paano mo to nalaman kuya?" Tanong ni Caleb habang kumakain, ang sarap kasi ng pagkain nila dito tapos hindi masyadong mahal ang pagkain nila.

"Sina mama ang nagturo sa akin dito, Dito daw sila nag-da-date palagi ni papa noong estudyante palang sila." Paliwanag ni Nathan na sarap na sarap din sa pagkain.

"Ah." Nakita na ni caleb ang mama ng boss nya, pumunta ito minsan sa shop at ikweninto pa sa kanya na sya daw ang pumili sa kanilang dalawa, lagi din nitong pinipisil ang pisngi nya pero okay lang kasi pag dumadating ito, laging may bitbit na pagkain.

Dumating si Caleb sa shop bitbit ang isang overnight bag niya, halos lahat sila may kanya-kanyang bitbit na bag. Ayaw ng birthday boy ang regalo kasi para lang daw ito sa mga bata kaya napagkasyahan na lang nilang mag-contribute para sa pagkain at saka alak. Lahat naman nasa legal age na kaya pumayag ang boss nila.

Sa isang resort sila namalagi, malapit lang din sa pinagmulan nila pero tahimik, meron ding malapit na seafoods restaurant kung saan sila kumain. Bago napagkasyahang bumili ng mga junk foods at beer saka mag bonfire sa beach, okay naman daw sabi ng caretaker basta wag lang daw silang magbasag at mangulo.

"Ano Alfred, Awitan ka na ba namin." Tudyo ni Josh, isa ding baker.

"Oo nga fred, Anong gusto mo Amazing grace?" Lakas talaga ang topak ni Diana, lahat sila natawa ng marinig iyon.

"Pag kakanta kayo, talagang magwawalwal ako dito,." Banta ni alfred sa kasamahan. Ayaw nga nya ang gifts tapos aawitan sya ng happy birthday.

"Laro na lang tayo ng Truth and dare." Suhestiyon naman ni violet bago kumuha ng bote ng beer na pinag-inuman nila. Lahat naman sumang-ayon, kanya kanyang pwesto saka nag-iisip nang maitanung.

"Pag ang ulo ng bote ang maitatapat, ikaw ang tatanungin tapos ang magtatanong ay kung saan nakaturo ang puwet ng bote. Walang palitan nang sagot, pag-truth truth na talaga, pag dare dare na rin. Ang hindi mag-co-complied sa dare mapaparusahan." Pagbibigay ni violet sa rule. Agad silang umuoo sa sinabi ni violet.

"Sige, si birthday boy ang magsimula" saka ibinigay kay alfred para paikutin ito, si sarah agad ang naituro, si Jana ang magtatanong, kasama din nilang server, full time lang.

"Truth or dare!"

"Truth" agad namang sagot ni Sarah.

"Sino sa tinggin mo ang pinaka-gwapo sa shop?" pilya nitong tanong saka tiningnan ang mga lalaking naka-upo.

"Si Sir syempre." Kantyiawan ang namayani ng marinig ang sagot nito. Sabi pa ng iba, bias lang daw ito kasi si nathan ang nagpapasweldo sa kanila na syang ikinatawa nilang lahat. Si sarah naman ang nag-ikot, sina alfred at Violet, nag truth si violet at sinagot agad ang tanong ni alfred.

"Diana I dare you to walk like a pregnant woman." Agad naman itong tumalima, kumuha pa ng dalawang malalaking bag ng chips at inilagay sa damit.

"Sino ang nagpa-iyak sa yo." Si josh naman, tumahimik ito bago sa paanas na boses ay sinabing Gf daw niya sa first year, two timer daw.

Ilang truth at dare na ang nangyari, minsan nakakatawa, nakakainis at ang iba naman plain na nakakadiri pero sina Caleb at Nathan, ni minsan hindi pa natatanong.

"Pag maituro ang isa sa inyo, meron akong the best na tanong." Sabi ni diana habang pinapaikot ang bote, magkatabi kasi silang dalawa at tumatawa lang sa mga kalukuhan nang mga kasamahan nila, medyo nadin silang tipsy kaya kahit hindi nakakatawa tumatawa padin sila.

"Ako naman, Isang the best na Dare." Pagmamalaki naman ni Violet. Saka matamang tiningnan ang bote, tumigil ito sa pagitan nilang dalawa, hindi na naman sila nakuha.

"One fair, Ilang ulit na tayong nakukuha ah, I say silang dalawa na lang ang tatanungin natin, In favor of me say aye!" lahat sila nag aye.

"Truth or dare?" tanong ni violet habang kinikiskis ang dalawang palad.

"I say, Dapat dare lamg sila, In favor of me say Aye!" sabi ulit ni Diana, Tulad ng dati, nag Aye din lahat sila. Ang dalawa naman dahil sa alak pati sila naki-Aye din, hindi nila alam na dahil doon mababago ang buhay nila.

"Dahil dare, I dare you to a pretend to be a gay couple for as long as you can, the First to chicken out, Bakla!." Lahat sila nagulat sa sinabi ni violet pero kalaunan sumang-ayon na din ang mga ito, inerecord pa nila sa cellphone nila ang tanong tapos ang sagot ng dalawa.

"Deal!" sabi nila, sino ba namang straight na lalaki ang gusto na matawag na bakla sya.

Si sarah naman galit na galit habang nakatingin sa dalawa, dahil sa dare, nasa kandungan ni nathan ang mas batang lalaki. Nagsusubuan pa sila ng pagkain, ang mga kasamahan naman nila, panay ang picture, souvenir.

Mag-a-alas dos ng umaga nang mapagpasyahan nilang bumalik sa bahay na inupahan nila, two is to one room ang ginawa, syempre ang nag-pa-play pretend sa iisang room sila na siya na namang nakasirahan ng plano ni sarah, gusto sana niyang pumasok sa kwarto ng boss nya, kailangang kailangan kasi nya ang pera para sa tuition nya tapos wala syang malapitan man lang.