webnovel

Ch. 6 Oplan; make him give up

Umaga, nagising si Nathan na masakit ang ulo, babangon sana sya ng mapansing may nakadagan sa dib-dib niya. Si Caleb na hanggang ngayon ang sarap pa din ng tulog, nakapulopot pa ang kamay at paa nito sa katawan ng binta na parang octopus.

Biglang naalala ni nathan ang dare nila sa kanila, hindi nya alam kung maiiyak sya o matatawa, magpapanggap sila bilang couple tapos ang unang mag-give up, Tatawagin itong bakla.. Kung ibang tao siguro iyon, mag-gi-give up na sya kahit na matawag pa ayang bakla pero iba si nathan, namana nya sa tatay ang pag ka-stubborn. Ayaw niyang mag-give-up, dapat si caleb ang mauna. Gagawin nya ang lahat para ito na ang kusang mag give up.

Nagising si caleb ng may nakadagan sa kanya, pagtingin, si Nathan pala, nakapulupot ang braso nito sa katawan nya. Gusto sana nyang alisin ang kamay nito ng parang tubig na bumuhos sa kanya ang nagyari kagabi, lalo na sa dare. Ha! Hindi sya bakla, wala pa mandin syang naging gf pero alam niya sa sarili na hindi siya bakla. Gagawin nya ang lahat para ang unang sumuko ay si nathan, kahit nga halikan pa nya ito. Sino ba namang lalaki ang gustong matawag siyang bakla.

Pasimple niyang inalis ang kamay ng lalaki para hindi ito magising, gusto na nyang gumamit ng CR. And hindi nya alam ay pagtalikod nya sa kama, ang akala niyang taong mahimbing pa ang tulog, dumilat ang isang mata saka ngumiti.

Sabay silang bumaba sa kitchen kung saan gising na sina alfred at Violet at nagluluto ng brunch nila, nasa labas naman at nagpapahangin ang iba. Tumingin ang mga ito sa dalawa bago nagtanong "May nag- give up na?"

"Wala, And it would never be me!" sagot ni Nathan bago umupo sa breakfast nook.

"Pati din ako ah, Sino ba ang may gustong matawag na bakla?" sabi naman ni Caleb bago pumunta sa stove at tiningnan ang niluluto ni Violet, Pancake, longganisa saka bacon. Kumuha sya ng pancake batter at nagluto ng heart na pancake, pati yung sunny side up nya, heart shape din, kumuha sya ng longganisa at apat na strips ng bacon na niluto ni violet bago ibinigay ang plato ka nathan. Meron syang plano, "Operation; how to make nathan give up".

Natawa ang lalaki nang makita ang ginawa nito, kumuha ng kutsara at tinidyor saka kumain "Thank you babe" sabi pa nito saka sya hinalikan sa noo. Mas makapal pala ang mukha nito kesa sa akala niya, di bale, kasisimula pa lang niya.

Nagulat sina alfred at violet sa nakita, ano yon? Bakit ang sweet nila, ang dare lang naman na iyon ay katuwaan lang ah, bat nila siniseryoso. Nagkatingin silang dalawa bago sabay na ngumiwi.

Sina nathan at caleb naman, busy sa pag-aasikaso sa bawat isa, pasweet sila ng pasweet para sana pikunin ang isat-isa. They are too stubborn to admit defeat.

Ang harutan nilang dalawa ang siyang unang bumungad kay sarah ng bumaba sya sa kusina, halos wala syang tulog habang iniisip kung paano ang tuition fee saka bills nya sa mga tubig at kuryente. Sa katapusan pa ang upa nya na pwede nyang bayaran pag nakasahod na sya pero sa iba, matagal na syang due. Kaya halos umusok ang ulo nito sa galit sa nakita, ang balak niya sanang maging financer nya, nakuha ng iba. Kahit alam niyang dare lang ang ginagawa nila, naalibadbaran pa din ito.

"Sir, pwede po bang maki-sabay ako sayo mamayang pauwi?" tanong ni sarah, kinapalan na nya ang mukha nya para lang maisakatuparan ang plano.

Alam ni Nathan ang dahilan, ito yung time na mangutang ito ng pang-tuition at sa bills payment nito. Sa araw ding iyon, sinabi nya dito na sya na ang magpapa-aral sa babae tapos dito din nya una itong niligawan. "Sure, Pakilagay mo na lang sa trunk ng kotse ang bag mo, pagkatapos nating magbreakfast, mauuna na tayong umuwi, may darating kasing supply sa shop."

Natuwa si sarah sa narinig, Ito na ang chance niyang iseduce and boss. Kailangang magtagumpay sya. Hindi na kumain ang babae at pumanhik na lang sa kwarto, kailangan niyang mamili ng maisusuot at saka magpaganda.