webnovel

Hiwalay na Kwarto

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 69: Hiwalay na Kwarto

Hindi inaasahan ni Huo Mian ang pagiging prangka ni Qin Chu kaya ito ay nagulat.

Pagkatapos, siya ay namula.

"Hindi," sagot niya.

"Kung hindi ka takot, ano pang hinihintay mo? Matulog ka na," pagkatapos, tumalikod si Qin Chu at umakyat papunta sa kwarto.

Gabi, bago pa maka-uwi si Qin Chu, medyo sinanay na ni Huo Mian ang sarili sa istraktura ng condo.

Ito ay two hundred square meter at dalawang palapag na unit. May malaki itong sala, kainan, kusina, banyo at aralan sa baba.

Ang taas naman nito ay may tatlong kwarto at isang banyo.

Sa ayos na ito, may sapat na silang lugar sa bahay kahit pa magkaroon sila ng anak.

Habang pinapanood niya si Qin Chu umakyat, pinagsisisihan agad ni Huo Mian ang kanyang pagkamadaldal. Bakit kailangan niya sumagot ng hindi nag-iisip?

Ngayon, kung titingnan, kapag hindi siya sumunod sa kanya, magmumukhang hindi niya kaya yung sinabi niya. Ngunit, hindi pa talaga siya handa.

Seven years ago, buong puso niyang minahal si Qin Chu, pero hindi ibig sabihin nito ay ganoon pa rin ngayon ang mga bagay-bagay.

Sa totoo lang, hindi parin niya alam kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Qin Chu.

Pumayag lang siya magpakasal sa kanya para sa kapakanan ni Zhixin.

Syempre, kahit papaano meron pa rin itong halo na personal feelings.

Pumasok si Qin Chu sa pinaka-unang kwarto sa pangalawang palapag, at sinundan siya ni Huo Mian sa loob.

Maluwag ang kwarto at may black-and white decor. Akma ito sa style na gusto ni Qin Chu.

"Bakit mo ako sinundan? Ganun mo ba ka-gustong matulog kasama ako sa isang kama?" tumingin si Qin Chu kay Huo Mian na may halong biro.

Nagulat si Huo Mian, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

"Ang kwarto mo ay ang katabi nito, goodnight," sinarado ni Qin Chu ang pinto nang may yabag.

Iniwan niya si Huo Mian sa labas na may inosenteng expression sa kanyang mukha.

Halos hindi na makapagpigil si Qin Chu dahil sa hindi alam ni Huo Mian ang gagawin at samahan pa ito ng cute niyang expression. Halos gusto na niya ito lapitan at halikan.

Pakatapos isara ni Qin Chu ang pintuan, sumandal siya dito.

Kahit ang pinakagusto niya sa lahat ay yakapin siya habang natutulog sila, alam niyang hindi pa siya handa.

Ayaw niyang pilitin siya. Gusto pa niyang bigyan siya ng sapat na oras.

Oras para dahan-dahan silang makabalik sa kung ano sila seven years ago.

Saka, legal na asawa na niya siya, tama?

Sa naisip niyang ito, kuntentong napangiti si Qin Chu.

Nitong oras lang din naintindihan ni Huo Mian ang mga sinabi ni Qin Chu. Naglakad siya papunta sa pangalawang kwarto at binuksan ang pinto.

Ang interior nito ay light beige na may halong purple. Ito ang mga gusto niyang kulay.

Naaalala pa rin pala niya ang lahat at advance na inihanda ang kwartong ito para sa kanya…

Akala niya pipilitin siya nito pero hindi pala.

"Qin Chu… anong gagawin ko sayo?" habang hinahaplos niya ang puting vanity table, puno ng lungkot ang mukha ni Huo Mian.

Inaamin niya, hindi na ganoon kadami ang poot sa puso niya.

Dahil kapag kailangan niya ng tulong, laging siyang andiyan para sa kanya.

Pero… kung ganun mo ako kamahal, bakit kailangan mo mawala sa loob ng seven years?

Nasayang natin ang buong seven years…

Matagal na nagdamdam si Huo Mian at sa huli, pumunta siya sa banyo para maghot bath. Pagkalabas niya, humiga siya kaagad sa kama, pagod.

Mapili siya sa mga kama. Dati, kapag nasa labas siya ng city at kailangan niya matulog sa hotel, lagi siyang hindi makatulog.

Akala niya magiging ganun din ang gabing ito, pero kanyang ikinagulat niya nang mahimbing siyang nakatulog.

Puno ang kwarto ng magaang amoy ng lavender, samahan pa ito ng multicolored lights. Ang bawat detalye ay dinesenyo nang may pag-aalaga.

Hindi makapaniwala si Huo Mian na binili ni Qin Chu ang condo sa maikling panahon. Bakit parang sobrang perpekto ng lahat?

- Sa kalaliman ng gabi -

Mula sa bintana, ang mahinang liwanag ng buwan ay kumalat sa loob ng kwarto.

Maingat na binuksan ni Qin Chu ang pinto at pumasok. Tahimik siyang tumayo sa may bintana.

Tinitingnan niya ang natutulog na babae sa kama, ang mga mata nito ay puno ng yumi.

Ni isa, walang nakakaalam kung gaano niya hinintay ang araw na ito…

Katulad din ng walang nakakaalam kung gaano niya kamahal ang isang babaeng nagngangalang Huo Mian.

- Kinabukasan -

Kahit 7 AM palang nagising na si Huo Mian at hindi na niya makita si Qin Chu kahit saan.

May tinapay ng nakahanda sa lamesa, kasama ang isang baso ng gatas.

Inaamin ni Huo Mian, na-touch siya sa ginawa niya.

Dati, noong nakatira pa sila ni Ning Zhiyuan sa isang bubong, siya lang ang laging nagluluto.

Pagkatagal, nasanay na rin siya.

Ngayon, pagkakita na may naghanda ng agahan para sa kanya, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na sigla.

- Sa GK Headquarters -

Pagkadaan sa may pintuan, narinig ni Assistant Yang na may tumutugtog galing sa computer ng president.

Nang ma-realize niya kung anong kanta ito, halos mabilaukan siya.

"Pre… President Qin," pautal-utal na sabi ni Yang.