webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · 青春言情
分數不夠
36 Chs

One Last Cry

Alex's POV

Yehey! Namiss ko 'to!

Nandito na ako sa restaurant/bar na dati kong pinapasukan.

Every weekend kasi ginagawa nila 'tong bar. Change set-up. Astig nga eh. Meron din ditong mini stage para sa mga performer, pang paganda ng ambiance sa paligid. Para rin ma-entertain ang mga customer.

I already changed my clothes, buti may mga naiwan akong damit dito.

I'm wearing black dress na above knee high, pa tube style. And a pair of pumps. Perfect!

"Alex you're next!" Sigaw ng Floor Manager.

"Opo."

Sinabi rin sa akin ni Mr. Santos na medyo Senti raw ang gusto ng mga Business Partner nya.

So this is it.

(One Last Cry By: Nina)

♬♩My shattered dreams and broken heart are mending on the shelf.

I saw you holding hands, standing close to someone else.

Still I sit all along wishing all my feelings we're gone.

I give my best to you, nothing for me to do ..

But have one last cry, one last cry.

Before I leave it all behind.

I got to put you out of my life, this time, but believe a lie.

I guess I'm down to my last cry.♪♩

Sh*t! Bakit ito pa yung napili kong kantahin. Hindi ako pwedeng umiyak! Gagaralgal ang boses ko.

I close my eyes.

Pinipilit kong alisin sa isipan ko ang nag-iisang lalaki na gumugulo dito.

♬♩I was here, you we're there, guess we never could agree.

While the sun sunshines in you

I need some love to rain on me.

Still i sit all alone, wishing all my feelings we're gone.

I give my best to you, nothing for me to do ..

But have one last cry, one last cry.

Before I leave it all behind.

I got to put you out of my life, this time, but believe a lie.

I know i gotta be strong, cause 'round me life goes on and on, and on and on ..

Ohhh ..♬♩

Napatingin ako sa table nila Mr. Santos, mga nakangiti. So dapat ayusin ko 'to.

♩♬Im gonna dry my eyes, right after I get my ..

One last cry, one last cry.

Before I leave it all behind.

I got to put you out of my mind for this very last time.

Believe a lie, I guess I'm down.

I guess I'm down, I guess I'm done.

To my one last cry. Ohh~♬♪

Palakpakan.

Nakita ko yung ibang audience na nagpapahid din ng luha. Halatang naapektuhan sila ng pagkanta ko.

Kaya tumalikod agad ako. Feeling ko kasi anytime babagsak na ang luha ko.

Ito na nga kaya ang Last Cry ko sa kanya? Feeling ko nakapag move on na ako, pero mayron pa ring parte ng pagkatao ko na nagsasabi na ' Wag kang mag move on, mahal na mahal mo sya diba?' Nakakapagod.

Nakatatlong set din ako ng kanta bago ako lumapit sa table nila Mr. Santos at naupo.

"Good Evening Mr. Santos." Ngumiti rin ako sa mga kasama nya.

"Mr. Santos, hindi lang magaling kumanta si Alex, maganda pa." Puri sa akin ng isa nyang business partner.

"Thank you Sir." Ngumiti ako ng matamis.

"Sana sa susunod na pagkain ko dito with my family, ikaw pa rin ang mag peperform." Sabi naman nung isa.

"Gustuhin ko man po sana, kaso hindi na po pwede." May halong panghihinayang ang boses ko.

"Bakit naman?" Tanong ng business partner nya.

"Mga kumpare, kasal na kasi 'tong si Alex." Singit ni Mr. Santos.

"Ilang taon ka na ba Hija?"

"20 po." Sagot ko.

"Bata ka pa ah."

"Oo nga po eh." Ano ba yan!

Napatingin ako sa relo ko. 10pm na. Anong oras nga ba yung curfew ko? Hay Bahala na! Susulitin ko na 'to.

Nakakatuwa kausap ang mga business partner ni Mr. Santos. Kahit na may edad na sila, parang mga teenager lang sila kung mag usap.

Pa inum-inum ng wine. Napatingin ulit ako sa relo ko. 11pm na.

"Alex, hindi ka ba hahanapin ng asawa mo? " Tanong sa akin ni Mr. Santos.

"Nagpaalam naman po ako kay Stan eh." Nakangiti kong paliwanag. Minsan lang kasi 'to.

"Buti pinayagan ka?"

"Oo na--"

"Pinayagan ko po sya, pero 9pm po ang curfew nya. I guess my wife enjoy the night, kaya nya nakalimutan." Anak ng tokwa! Si Stan ba 'yun?

Dahan-dahan akong lumingon. At hindi nga ako nagkamali, ang sama na ng tingin nya sa akin.

"Alex, sya ba ang asawa mo?" Tanong ni Mr. Santos.

"Opo." Ngumuti ako.

"I finally meet you. I'm Bernard Santos." Iniabot ni Mr. Santos ang kamay nya.

"I'm Stanley Martin. Nice to meet you sir." Shakehands.

"So, you are son the of Mr. Rod Martin?" Nakangiting tanong ni Mr. Santos.

"Yes Sir."

Natingin ako kay Stan at ang sama pa rin ng tingin nya sa akin.

"Mr. Santos, I don't want to cut the conversation between you, your partner, and my wife but I think it's time for us to go home." Dire-diretsong sabi ni Stan.

"Ow it's okay Stan. Thank you Alex dahil pinagbigyan mo kami ng mga business partner ko na marinig ka ulit kumanta."

"Wala po yun. Mauna na po kami."

Pagpasok sa kotse ay sinalubong nya kaagad ako ng sermon. "What's with you Alex?"

"Nakalimutan ko kasi yung curfew ko." Napakamot ulo ako.

"Paano nung pinayagan kita nagtatakbo ka na." Hindi nya pa rin pinapaandar ang sasakyan.

"Naexcite lang." Tinawanan ko pa sya.

"Last na 'to Alex, wala ng susunod. "

"Aba Stanley! Tinatakot mo ba ako? Hindi porket may utang na loob ako sayo ginaganyan mo ako!" Lumakas bigla ang loob ko.

"Shut up Alex! Asawa kita kaya dapat ang nasusunod lalaki!" Aba't!

"Hindi ako payag dun! Nung unang panahon, maybe lalaki ang nasusunod. Pero ngayon? Haler? 2014! Panahon na para maghingati!" Pinakita ko pa sa kanya ang kamao ko.

"No Alex! Ako ang masusunod!"

"Shut up Stanley!" Bumaba ako sa kotse nya.

"Hoy Babae! San ka pupunta?" Lumabas din sya.

"Sa kotse ko. Bakit lalaki?" Di ko sya nililingon.

"Nakainom ka. Hindi ka magdadrive." Sigaw nya.

"Oo nakainom ako, pero hindi ako lasing!"

"Alex makinig ka naman sa akin!" Rinig na ang frustration sa boses nya.

"Stan, hindi porket pumayag ako na ayusin natin 'tong relasyon natin ay uunderin mo na ako!"

"Hindi naman kita ina-under eh. Paano kung mabangga ka? Ang bilis mo pa naman mag drive." Hindi ba talaga sya titigil?

"Daming satsat! Tara na!" Dun na lang ako sumakay sa kotse ni Stan, dami kasing satsat, pinagtitinginan tuloy kami nung mga napapadaan sa pwesto namin.