webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · Teen
Not enough ratings
36 Chs

One room? No way!

Alex's POV

Nakarating na kami sa bahay ng matiwasay. Papasok na sana ako sa kwarto ng mapansin kong nakatingin sa akin si Stan.

"Bakit Lalaki?" Tanong ko.

Lumapit sya sa akin at bigla akong niyakap.

"Alex salamat at pumayag ka na ayusin natin to."

I hugged him back. "Wala na rin naman akong magagawa eh."

"Salamat talaga."

Mga ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon, nakakangalay.

"Stan. Nananaching ka na."

"Babe naman. Asawa naman kita eh."

Loko to ah.

( BAGGS )

Inapakan ko yung paa nya.

"Ouch! Alex!" Sigaw ni Stan habang hawak yung kaliwa nyang paa.

"Tama lang yan sayo!" Pumasok na ako sa kwarto ko at SURPRISE!! Walang laman kahit isa ang kwarto ko, tapos lumiit pa.

Lumabas ako, nagkasalubong kami ni Stan.

"Stan, walang laman ang kwarto ko. "

" a kwarto ko ang daming laman, tapos lumawak pa. "

Sinilip ko yung kwarto nya. Totoo nga.

Ang daming laman nung kwarto nya. Wow! Ang ganda nung sound system nya. And Ow~ may punching bag sa gilig. Wa-wait. Punching bag? Malaki na rin yung bed nya.

"Nandyan na pala kayo. " Si Manang.

"Manang what happen? "

"Dumating dito yung tauhan ni Sr. Richard, sa iisang room na daw kayo matutulog. "

Kinuha ko agad yung cellphone ko.

Tinawagan ko si Daddy.

Dad: Hello?

Ako: Dad! Anong ibigsabihin nito?

Dad: Isn't obvious princess?

Ako: Ayoko Dad!

Dad : Nasabi kasi sa akin ni Stan na aayusin nyo daw yung relasyon nyo, kaya ayan pinag-isa ko na lang yung room nyo. Para mas maayos nyo yung mga dapat nyo ayusin. Pinagawa ko yan nung wala kayo dyan sa bahay nyo. Hope you like it Princess.

Ako: Bu--

TOOT TOOT TOOT

"Arggh! "

" Chill Alex. "

"Nakakainis! Stan sa sofa ka matutulog! "

"Bakit naman? Malaki naman yung kama ah. "

" Ayoko ng may katabi! "

"Babe paano natin maaayos tong relasyon natin kung simpleng pagtabi lang hindi pa natin magawa. "

Nauna akong pumasok sa loob sabay higa.

"Teka nga pala Stan, nag tagal ka ba kila Dad? "

"Hindi naman. Bakit? "

Naupo sya sa Edge ng kama.

"Eh san ka galing at nung iManangos nila tong kwarto ay wala ka dito? "

"Nagyaya kasi si Aflred sa bar nya. "

"Nag-inum kayo? "

" Sakto lang. "

"Ako din naman kanina sakto lang yung ininum ko pero hindi mo ako pinagdrive. Bakit ikaw pwede? "

"Kasi kaya ko pa naman magdrive. "

"Ako rin naman ah. "

"Hay Naku Alex! Tapos na yun ok? "

"Aba Stan! Sa susunod hindi na ako papayag! Maliligo na ako! "

Pumasok na ako sa C.R

Stan's POV

After 1 year. Lumabas na rin sa C.R si Alex na naka towel lang. Hobby nya na siguro yun, yung lumabas sa C.R na naka towel lang kahit alam nyang may ibang tao syang kasama.

"Witwiw~ "

"Gusto mo dukutin ko yang mata mo? "

"Wag naman babe, paano pa kita makikita nyan? "

"Shut up Stan! Mag shower ka na nga. "

"Mamaya na. Papanuorin muna kita mag bihis. "

Akma nya na akong babatuhin ng tsinelas.

"Joke lang! Magsshower na ako. "

Alexandra's POV

Nahiga na ako sa kama.

Ang sarap sa pakiramdam. I spread my arms.

Maya-maya lumabas na si Stan, naka shorts at Sando, still cool.

"Dissapointed dahil na bihis na ako? "

"Sira! "

Binato ko sya ng unan pero nasalo nya.

Nahiga sya bigla sa tabi.

Hindi naman sa ayaw ko ng katabi, ok lang naman talaga. Pero kung isang kagaya ni Stan ang tatabi sa akin? Thank you nalang.

"Babe first time natin tong magkatabi sa kama. "

"So? "

"Hmmnn .. "

He Hugged me.

"Ano ba Stan! "

"Masama bang yakapin yung asawa ko? "

"Ewan ko sayo. "

Tinalukuran ko na sya pero nakayakap pa rin sya.

Tinaas nya yung buhok ko na nakaharang sa batok ko.

At hinalikan nya ang batok ko.

Kinilabutan ako.

"Ano ba Stan! Nakikiliti ako. "

Landi eh noh?

Parang wala syang naririnig at tuloy lang sya sa ginagawa nya.

Tama ba to? Hindi naman namin gusto ang isa't-isa diba?

Humarap ako sa kanya.

Ngumiti sya.

"Bakit mo to ginagawa? "

Napakunot sya ng noo.

"Wag kang tumingin sa akin ng ganyan Stan, sagutin mo ang tanong ko. "

"Nagiging asawa lang naman ako sayo eh. "

"Yan ba ang way mo ng pagiging isang asawa? "

Ngumiti lang sya.

"Ewan ko sayo. Wala akong mating sagot na makukuha sayo.

Tumalikod na ako sa kanya. Naramdaman mo ring tumalikod sya.

CHAPTER 11: Gaano ako kaB*tch?

Krinng!!!!!!!!

6am.

Ilang araw na ang nakalipas naging ok naman kami. Tabi na kami matulog sa kama. Naaawa na rin kasi ako sa kanya eh.

Napatingin ako sa katabi ko. Kawawa naman to, napuyat siguro kagabi sa kakagawa sa project nya.

Nakapatong ang ulo ko sa kanang braso nya at yung kaliwang kamay nya naman ay nakapatong sa tummy ko.

Pinitik ko yung noo nya para magising sya.

"Hmmn .."

Angal nya habang nakapikit.

"Gising na!"

Pinitik ko ulit yung noo nya.

Napamulat na sya.

"Alex naman! Inaantok pa ako!"

"6am na! Matutulog ka pa rin?"

"Napuyat ako kagabi Alex! May mga tinapos ako na project! Masakit pa ulo ko."

"Wag ka na ngang mag inarte dyan! Tatayo na ako."

"5 mins. muna tayong ganito."

Ano pang magagawa ko? Tsk!

"Time starts now."

Pinagbigyan ko na lang.

Ang gwapo talaga ng asawa ko. Parang anghel kung matulog.

Sana mag work out tong pinasukan naming relasyon. Kahit na hindi pa ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. I can't say that I'm falling for him now, pero dadating din naman ako dun diba?

Napatingin ako sa oras. Lagpas na.

"Stan."

Sinampal sampal ko sya pero mahina lang.

"Stan!"

Ayaw pa rin magising.

Naiinis na ako. Ayaw mo talagang dumilart ah.

( PAKK )

Sinampal ko sya ng pagka lakas lakas.

"Ano ba Alex?!"

Napaupo sya.

"Ayaw mo kasing gumising eh."

Umupo na rin ako.

"Tama bang sampalin ako?"

"Ano pang gagawin ko? Hindi ka madala sa tapik eh."

Hindi na sya sumagot. Naglakad na sya papuntang C.R

"Daming arte!"

Sigaw ko sa kanya.

( BAGG )

Nagitla ako sa malakas na kalabog ng pinto ng C.R

Hay Naku! Dun na lang ako maliligo sa Guest Room.

Nag umpisa na akong magluto. Maagang namalengke ngayon si Manang kaya ako muna.

Napagdesisyonan kong magluto ng adobo, mas madali. Haha. Tinatamad ako eh.

Natapos na akong magluto ng bumaba si Stan, ano yun? Ang tagal? Natulog pa siguro yun sa C.R.

"Umupo ka na."

Pinaghain ko na sya ng pagkain. Tahimik lang kaming kumain.

Sumusulyap ako sa kanya at minsan napapahawak sya sa ulo nya.

"Masakit talaga ulo mo?"

Tinignan nya lang ako.

So totoo nga talaga yung sinabi nya kanina?

Nung natapos na kaming kumain ay ikinuha ko na sya ng gamot.

"Oh inumin mo."

Natapos na kaming kumain. Nanuod lang ako ng America's Next Top Model.

Bumaba si Stan na naka uniform na.

"Papasok ka na?"  Tanong ko sa kanya.

"Oo."

Iksi naman ng sagot nito.

Palabas na sya ng pinto ng tinawag ko sya.

"Stan!"

"Bakit?"

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para maabot ko sya. I kissed him on his cheeks.

Nagiging sweet wife na ako dito ah.

"Ingat."

"Thanks."

Yun lang?

Anak ng tokwa't baboy oh! Ganun lang response nya? Teka! Meron pa ba akong inaasahan? Haha.

Stan's POV

Nakarating na ako sa room. Takte! Sakit talaga ng ulo ko.

Naniniwala ba kayo sa kasabihang 'Asarin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising' Kung Oo, Ako rin Oo. Dahil ganun ako eh. Ang masama pa, sinampal ako! Nakakabadtrip.

.

.

.

.

Natapos na ang dalawang subject namin.

12pm. Lunch Break.

"Pare natapos mo na ba yung project sa science?" Tanong sa akin ng puyat na Jc.

"Oo. Inaabot na nga ako ng madaling araw eh. 3 hrs. lang tulog ko."

"Buti nga ikaw nakatulog pa eh, ako straight." Sabi ni James na nakapikit pa. Nakakapit kasi sa akin kaya nakakalakad pa.

Nakaupo na kami sa pwesto namin.

"Ako na bibili ng lunch natin." Pagpeprisinta ni Jc.

"Chicken, rice, at softdrinks sakin." Sabi ni James.

"Burger at softdrinks lang sa kin."

"Seryoso ka Stan? Yun lang kakainin mo?"

"Oo."

Wala talaga akong gana ngayon. Feeling ko sasabog na utak ko.

Habang kumakain kami, biglang my umupo sa lap ko.

"Hi Stan."

"What now jasmine?"

Isa sa mga Ex ko dati.

"I miss you honey."

"Jasmine! For pete's sake! Masakit ang ulo ko!"

Napatakip na lang ako ng kamay sa mukha.

Yung dalawa naman, biglang nakatulog.

"Let me heal it."

She kissed my forehead, as if naman mawala.

Wala ako sa wisyo makipag talo ngayon.

Alex's POV

Bakit ko ba to ginagawa?

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school para sabayan ng lunch si Stan.

Nakatingin sila sa akin, well I can't blame them.

I'm wearing my shades, black hanging blouse na konting galaw lang kita ng tyan ko, maong shorts, at chuck taylor shoe.

Nasa canteen na ako. I take off my shades.

Wow! Romantic scene ngayon ang nakikita ko.

Isang linta na nakapatong sa lap ng isang lalaki, sweet diba? Parang nag didate lang.

Naglakad ako hanggang nasa harap na nila ako.

Napatayo si James, mukhang naalimpungatan sa tulog.

Kinalabit nya si Stan na nakapikit habang hinahalik-halikan nung linta ang noo nya. Ew!

"WHAT?!" Iritadong tanong ni Stan habang nakapikit.

"Si .. ano .." Nauutal na sagot ni James. Pati si Jc nagising na rin.

Nagmulat na ng mata si Stan at napatingin sa akin. Tumayo agad sya kaya nalaglag yung linta.

"A-Alex."

"How sweet! Pwede paki-ulit?"

"A-Ano kasi A-Alex."

"You want more?"  Singit ni linta.

"Stop it Jasmine."  Suway naman ni Stan.

"So Jasmine pala ang name ng bago mong linta Stan?"  Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"What linta?"

"Oo. Kasi kung makadikit ka kay Stan para kang linta, or should I sa y daig mo pa ang linta."

"What? Bawiin mo yung sinabi mo!"

"Sino ka para utusan ako? Linta?"

"Y-You!"  Halatang inis na inis na sya.

Susugurin na nya sana ako kaso bigla syang hinawakan ni Stan.

"Let go of me Stan!"

Tumayo na rin sila James at Jc. Pumunta sila sa likod ko. Ano to? Ready para awatin ako?

"Sige Stan! Bitawan mo sya, tignan natin kung hanggang saan yang linta mo!"

"Bitawa mo ako Stan!"  Nagpupumiglas na sya.

Nakawala sya sa hawak ni Stan at lumapit agad sa akin.

Nasa ere na yung kamay nya na handang sumampal sa akin, pero sinalag ko agad ng isa kong kamay.

Ngayon hawak ko ang kamay na nakataas. Hinigpitan ko pa.

"No one ever tries to slap me."

( PAKK )

Ako ang sumampal sa kanya.

Binitawan ko na rin yung kamay nya. Kadiri eh. Haha.

"Y-You! H-How dare you!" Mangiyak-ngiyak nyang sigaw.

Susugurin nya na sana ako kaso biglang lumapit sa kanya si James at inawat.

"Bitawan mo ako James!"

"Ahmm .. Alex? Bitawan ko ba sya?" Pagpapa alam ni James.

Natawa naman ako dun.

"Nasa sa kanya yun James. Kapag pumalag, bitawan mo. Para mapantay yung pisngi nya."

Natigilan si Linta at nag walk out.

Nagpalakpakan yung mga audience, este mga student sa canteen.

"And now.."

Tumingin ako kay Stan na hindi na maipinta yung mukha.

"A-Alex.. A-Ano.."

Sinuot ko na ulit yung shades ko.

"Well pumunta lang naman ako dito para SANA sabayan ka mag lunch, pero sa nakita ko mukha namang busog ka na."

Bumaling ako kila James at Jc na nasa tabi na ni Stan.

Nginitian ko sila. Ngumiti rin naman sila.

"Bye Guys."

Then I leave.

Pagkasakay ko sa kotse. Napahampas ako sa manibela.

"F*ck! Maayos na relasyon pala ah? Akala ko pa naman nagbago na sya."

I open the stereo.

(N.P: Famous last word By: My chemical romance)

Habang nasa high way ako, hindi maiwasang may makipag karera sa akin. Papatalo ba naman ako? Syempre hindi!

Nasa right ko yung black Lamborghini. Wow! Pareho pa kami ng kotse.

Binaba ko yung window. Ganun din ginawa nya.

Witwiw~ Gwapings. Ngumiti sya. Ngumiti din ako.

Nagkaintindihan na kami na pareho naming gusto mag race.

Drive lang kami ng drive. Ewan ko kung saan na tong lugar na to.

Nakakawala talaga to ng stress. Sobrang nag eenjoy ako!

"WOOHH~"

Napapasigaw pa talaga ako.

Syempre chinicheck ko parin yung mga side mirror, at pag tingin ko sa harap. Sh*t may tuta! Nagpreno agad ako! Kaso mukhang hind aabot kaya kinabig ko sa left side, sa may puno.

(EKKK)

Ang bilis ng pangyayare. Nakita ko yung tuta na ligtas. Napangiti ako. At unti-unti ng nagdilim ang paningin ko.