Nalalapit na ang araw ng kaarawan ni Alex. At alam na niya kung sino-sino ang mga imbitado nito na sa mismong bahay nila gaganapin. Katulad noong nakaraang taon, mga kapamilya lang din naman ang pupunta sa kanyang kaarawan. Bihira lang ang mga kaibigan ng kanyang magulang ang dumadalo. Ang ibang pinsan rin niya ay imbitado pero niisang kaibigan niya sa kanyang paaralan ay wala.
Sa katotohanang wala naman talaga siyang kaibigan dahil binu-bully siya ng mga ito.
Plain. Gloomy. Ugly.
Iyon palagi ang tawag ng mga kaklase sa kanya. Minsan pa'y sinasapid siya ng mga ito kaya natatapilok siya at tinatawanan. Ito'y sa kadahilanang mayroon siyang suot palaging nerdy glass. Hindi siya iyong tipong genius pero hindi naman nahuhuli sa klase. Wala siyang nagawa kundi tiisin ang mga ito.
"Hello, daddy," bungad niya sa daddy niya na busy sa kakatipa sa kanyang laptop. Pinuntahan niya ito sa kanyang opisina kung saan ito nagtatrabaho.
Kumunot ang noo ng kanyang ama nang makita siya. "Wala ka bang pasok ngayon?" tanong nito sa kanya sabay yakap.
She shooked her head. "None."
"Kasama mo ba ang yaya mo?"
Tumango naman siya saka tumakbo papunta sa swivel chair ng ama at doon umupo. "She's in the outside," she answered. "By the way Dad, you will be there on my birthday, right?"
Tumayo sa harapan nito ang daddy niya habang nakangiti. "Of course, baby. Kailan ba ako hindi makakapunta sa birthday mo."
She just smiled. Totoo naman talaga. Kahit gaano pa ka-busy ang schedule ng kanyang ama, hindi pa rin nito nalilimutan ang kaarawan niya. Ang mommy niya naman ay nakakapunta rin pero palaging late na kung makarating.
"Would you like to know my birthday present for you, baby?" tanong bigla ng daddy niya sabay upo nito sa visitor's chair.
She giggled.
Kahit kailan talaga, bini-baby pa rin siya ng magulang. Kaya minsan ay sinasabayan niya na lamang ang mga ito.
"Don't! I want it to be a surprise daddy." Humagikhik naman siya.
Hindi na nakapagsalita ang daddy niya nang may biglang kumatok sa pinto sa kanyang opisina. Pumasok naman mula dito ang isang lalaki na sekretarya ng kanyang ama.
"CEO Foster, our client from Japan has already been arrived. He is in the Conference Room at this moment."
"Okay. Pupunta na ako," sagot ng daddy niya saka ito tumingin sa kanyang direksyon. "Sorry, baby. I have a meeting, I must get go. You should go home now dahil mabo-bored ka lang dito kung hihintayin mo pa ako." Hinalikan pa siya ng kanyang ama sa kanyang noo saka ito tuluyan ng lumabas sa kwartong yaon.
Muli na naman siyang napasimangot. Bagsak ang kanyang mga balikat na lumabas sa opisina ng ama. Nakita pa niya ang yaya niya na masayang nakikipagkwentuhan sa guard doon. Nang makita siya nito, agad siyang nilapitan ng may pag-aalala sa kanyang mukha.
"O, bakit ang lungkot na naman ng alaga ko? Kanina lang ang saya-saya mo?"
Pilit na lamang siyang ngumiti dito at naunang naglakad papuntang elevator. "I want to go home. I'm sleepy."
Pagkauwi nila ay dumiritso sa kanyang kwarto si Alex. Malungkot siyang umupo malapit sa bintana at tinatanaw ang labas. Sa kapitbahay nila'y nakita niya ang matandang babae na kakilala niya na busy sa kakadilig sa mga halaman nito. Mayroon din itong tanim na puting rosas pero hindi pa ito namumulaklak noon pero ewan niya lang ngayon.
Muli siyang napatingin sa vase kung saan nandoon ang tatlong rosas na binigay sa kanya ng matandang babae noong nakaraang araw pa. Medyo nalalanta na rin ito. Pero ang nakakapagtaka lang ay kulay itim ito hindi kulay brown ang parteng nalalanta. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ito.
Tumingin muli siya sa direksyon ng matanda kanina at nakatanaw na rin ito sa kanyang gawi. Kumaway ito sa kanya na bumawi rin naman siya at kinawayan rin ito pabalik.
Agad siyang umalis doon at patakbong bumaba palabas sa kanilang bahay. Nakasalubong pa niya ang kanyang yaya na may dala-dalang gatas na sa tingin niya'y para sana sa kanya.
"O, saan ka na naman pupuntang bata ka? Akala ko ba'y inaantok ka."
"Yaya, doon lang ako kina Mrs. Camia," aniya dito na may ngiti sa kanyang labi.
"Itong gatas mo? Hindi mo ba iinumin?"
Umiling lang siya. "Mamaya na ako iinom. Ikaw na lang yaya ang iinom niyan. Bye."
Tumakbo na ulit siya palabas ng bahay.
"Huwag kang tumakbo. Madadapa ka," rinig niya pang sigaw ng yaya niya pero huli na dahil nadapa nga siya pagkarating niya sa may pinakalabasan ng kanilang gate.
"Aw," ungol niya sa sakit. Tiningnan niya ang tuhod niya at nakita niyang may natamo siyang sugat. Napangiwi na lamang siya. Hindi siya makikita doon ng yaya niya dahil nasa loob ito ng bahay.
"Tss."
Napansin niya ang isang pares ng paa sa kaniyang harapan. Napaangat ang tingin niya dito at nakitang ito ang lalaki noon sa playground. Kung noon ay naka-business attire ito, ngayon naman ay naka-t-shirt na gray at faded jeans lang. Ganoon pa man ay hindi niya maiwasang mamangha sa taglay nitong kagwapuhan.
Sa ganoong edad pa lamang, alam niyang may paghangang nararamdaman na siya sa lalaki. Pero kahit anong pilit niyang titigan ang mga mata nito, wala pa ring emosyon ang nakikita niya. Napakurap na lamang siya nang biglang lumuhod ito sa kanyang harapan at tiningnan ang kanyang sugat sa kanyang tuhod.
Namula na lamang siya dahil sa kahihiyan.
"A-Ayos lang ako," nahihiyang wika niya.
Pero biglang may inilabas na bandaid ang lalaki saka nito inilagay sa sugat niya sa kanyang tuhod.
"Tanggalin mo na lang ito bukas," anito saka na ito tumayo na't umalis nang hindi man lang siya sinulyapan man lang.
Pilit na lamang siyang tumayo at tinititigan ang likudan ng lalaking papalayo na hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.
Ginalaw niya ang kanyang binti at laking gulat niya nang wala man lang siyang naramdamang hapdi sa kanyang sugat na kani-kanina lang ay naramdaman niya na halos umiyak na siya sa hapdi.
Ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyon saka na tumuloy sa kapitbahay nila. Nadatnan niya naman itong nagdidilig sa kanyang mga tanim na halaman.
"Magandang hapon po Mrs. Camia!" masiglang bati niya sa matanda.
Agad nabaling ang tingin ng matanda sa kanya at ngumiti. "Ikaw pala iyan Alex. Mabuti at napasyahan mong dumalaw muli dito," masayang ani Mrs. Camia.
"Na-miss ko po kasi ang mga bulaklak ninyong tanim lalo na ang mga puting rosas niyo po."
"Kung ganoon, ipagpipitas kita ng mga puting rosas. Tamang-tama, namumulaklak na ang mga ito."
"Talaga po?" bulalas ni Alex habang nakangiti. Ngumiti lang sa kanya si Mrs. Camia.
Sumama siya sa pamimitas at nagsuot din ng puting gloves.
"Malapit na pala ang kaarawan mo, iha. Dapat na pala ako maghahanda ng mga puting rosas para sa kaarawan mo," wika ni Mrs. Camia habang namimitas sila.
"Oo nga po, e. Dapat nandoon po kayo sa araw ng birthday ko Mrs. Camia."
Biglang napatigil si Mrs. Camia sa pagpipintas kaya kumunot na lang ang noo ni Alex.
"Bakit po Mrs. Camia?" pukaw niya dito.
"Iha, minsan ba'y naniniwala kang mayroong Grim Reaper?" biglang tanong nito sa kanya sabay dala ng mga napitas nilang rosas sa isang round table.