Alex just shrugged. "Hindi ko po alam. Most of the people didn't believe about Grim Reaper. They considered it as a myth and a common element in culture and history. Well, that's how our teacher define them."
Pinapanood lang ni Alex si Mrs. Camia na tinatanggal ang mga tinik sa bawat rosas. Mrs. Camia was once an english teacher kaya dito siya pumupunta para mahasa ang pananalita niya sa english.
"Grim Reaper really exist in this world, iha. He is also known as Death but people usually call him Grim Reaper. Did you know what his name really mean?" Umiling si Alex. "He is the harvester of souls. It's the 'job' of the Grim Reaper - to put a human face on the concept of death. Soon, the truth shall redeem our name for death shows the truth."
"Pero matatawag pa rin po ba siyang isang masamang nilalang kung nakatadhana na mismo ito sa kaniya? Why not make him a friendly and helpful guide to the underworld?" curious na ring tanong ni Alex dito.
"Grim Reaper referred to simply as 'death', an Angel of Death. If you really are a good person, then you will see him as you were, something good. But if you are an awful person, you will just see him as the monster you are inside in all the worst forms possible. And that is why some people are afraid of him."
Natahimik naman si Alex. Malalim ang iniisip niya na napansin naman ng matanda.
"There will be the day when the sun will stop shining. And there will be the day when you realized what have you done. And on that very day, he's coming for everyone. Our time is running out as the hours, days, months, or even years had past. Live as if you'll die today. Don't use it for the things that doesn't matter in your life."
"Mrs. Camia, what if I don't want to die? Is it possible to ask the grim reaper? Would he agree?"
"Iha, death is not the greatest loss in life. Ito ang tatandaan mo. Mamamatay ka lang sa mundong 'to kung ang mga taong mahalaga sayo sa panahong nabubuhay ka pa ay makalimutan ka."
Natapos na rin ni Mrs. Camia ang pagkuha sa mga tinik at binigay na kay Alex ang mga puting rosas.
"Happy birthday to you, iha," nakangiting anang matanda at hinawakan pa siya sa kanyang mga kamay. "Nawa'y lagi mong gamitin ang iyong puso dahil ito ang magdadala sayo sa tamang desisyon at tadhana para sa iyo."
xxx
Pagkapasok na pagkapasok ni Alex sa kanilang classroom ay bigla na lamang siyang nasapid sa may pintuan pa lamang siya. Rinig niya ang mga kantiyawan ng mga kaklase niya sa kanya. Napayuko na lamang siya at tumayo. Inayos pa niya ang nerdy glass niyang suot. Alam niyang sinadya iyon para ipahiya siya.
"Alex, the plain, gloomy, and ugly is already here!" anunsyo ng kaklase niyang lalaki na siyang palaging nangunguna sa pambu-bully sa kanya.
Napansin niya pa ang pang-iirap na ginawa ng iba niyang kaklase. Wala siyang nagawa kundi ang pumunta na lamang sa kanyang upuan habang nakayuko. Wala namang bago sa ginagawa ng mga kaklase niya sa kanya.
Ilang sandali lang ay dumating na ang kanilang guro. May kasama pa itong dalawang babae na hindi pamilyar sa kanya.
"Good morning, class," bati ng guro.
"Good morning, teacher," bati naman pabalik ng kanyang kaklase.
"So, sa araw na ito ay may bago na kayong magiging kaklase. Sila ay mga transferee dito kaya naman maging mabait kayo sa kanila." Tumingin naman ang guro sa dalawang batang babae na pilit na ngumingiti na lamang. "Huwag kayong mahiya dito. Make friends with them, okay? Now, you can introduce yourselves to us."
"Hello! I'm Jean Cortes. I hope we can get along!" masayahing pagpapakilala ng maputi at medyo kulot ang buhok na babae.
Sumunod naman ang kasama nitong babae. Straight ang buhok nito na naka-ponytail. She waved her hands to all before she spoke. "Kasha Garcia here," tanging sinabi nito.
"Okay, you can sit now. Please occupy the vacant seat, ladies," sabi sa kanila ng guro.
Break time na nang hindi pa rin umaalis sa kanyang upuan si Alex. Hinihintay niyang lumabas na lahat ng kanyang mga kaklase para pumuntang canteen. Ngunit napansin niyang naroroon pa rin ang dalawang transferee.
Tumayo na lamang siya para umalis. Ngunit bigla siyang tumigil dahil nagdadalawang-isip siya kung iimbitahin niya ang dalawang babae sa canteen. Napasyahan niyang tanungin na lamang ang mga ito.
"Hindi kayo magre-recess?" Napakagat na lamang siya sa kanyang ibabang-labi. First time niyang gumawa ng ganoon sa ibang tao.
Nagkatinginan naman ang dalawang babae. "Sige ba," sabay na sagot ng dalawa. Napangiti na lamang siya.
Nang araw na iyon, doon lang siya nagkaroon ng mga kaibigan. Nagkukuwentuhan lang sila at napapangiti na rin si Alex. Nalaman niyang hindi pala talaga magkakaibigan ang dalawa. Sadyang magkapareho lang silang transferee kung kaya naging magkakilala sila.
Pagkahapon noon ay inimbita niya sina Jean at Kasha sa nalalapit niyang kaarawan, tatlong araw na lang. Pumayag naman ang dalawa at nangakong makakapunta na ikinagalak niya.
Bago ang araw ng kanyang kaarawan, narinig niyang bibisita raw ang presidente ng kanilang paaralan. Wala silang alam kung bakit dahil sa pagkakaalam nila, hindi naman gaanong pumupunta sa paaralan ang presidente ng school maliban na lamang sa kanyang sekretarya o ang pumapalit sa kanya kung hindi ito nakakadalo.
Lunch break noon nang papunta sila sa soccer field. Nasa hallway pa lamang silang tatlo nang makita niya ang lalaking tumulong sa kanya noong isang araw. Iyon ang lalaking naglagay ng bandaid sa sugat niya na kinaumagahan lang ay nang tanggalin niya'y wala man lang ni bahid ng sugat siyang nakita.
"Ang gwapo naman ng presidente ng school," nakatulalang wika ni Jean. "Ang gwapo niya nga sa picture pero mas gwapo pa rin siya sa personal."
"Sinabi mo pa," segunda naman ni Kasha na may ngisi sa kanyang labi.
Hindi nagsalita si Alex. Bagkus ay nakatingin lang din siya sa gawi ng lalaking presidente pala ng kanilang paaralan. Ngayon lang niya ito nakita sa personal o kahit picture ay hindi pa.
Napansin niya ang pagtingin sa kanyang gawi ng lalaki. Nakatitig sa kanyang mga mata ang lalaki na para bang binabasa siya nito. She saw the small smirk form on his adorable lips. Napaiwas na lamang siya ng tingin dito saka niya hinila na sina Jean at Kasha.