webnovel

My Beautiful Husband

WARNING- matured content... R-18... SPG? BXB Story He has a dazzling beauty like a girl. Then a handsome fall inlove with him. Read it. If you want to know the whole story. If how they meet. If how thier destiny played with them.

Yu_ChenXi · 其他
分數不夠
33 Chs

#10: Zoey

10

Nakarinig ako ng yabag patungo sa kwarto ko. Nagtataka man ako kung paano ako nakapunta sa silid ko ay hindi ko na inintindi iyon. Ang huling natatandaan ko kasi ay sa sofa ako nakatulog. Marahil nag sleep walk ako kaya narito ako ngayon. Madilim na sa labas ng tumingin ako sa bintana. Anong oras na ba. Ewan. Hindi na mahalaga iyon.

Kinuha ko ang pocket knife ko sa drawer sa bedside table ko. Mabilis akong nagtago sa likod ng pinto ng silid ko ng marinig kong malapit na ang mga yabag. Ng masigurado ko ng nakapasok ito at kayang kaya ko ng abutin ito ay agad akong lumapit dito ng walang kaingay ingay at ititutok sa tagiliran nito ang matulis na kutsilyo.

"Calm down Zoey, Im not here to fight again." It was Clyde. Pero ano na naman ang binabalak ng taong niyang at pumasok na naman siya ng walang paalam sa silid ko. May binabalak na naman ba siyang masama sa akin.

Ang isipin iyon ay lalo kung diniinan ang pagkakaturok ko ng kutsilyo sa tagiliran niya. Naramdaman ko na napaigik siya dahil bumaon na ang tulis ng kutsilyo sa balat niya.

At ang lalo kung ikinainis ay ang gawing dahilan ang daddy kaya hindi ko napigilan ang sarili kung mas lalong idiin ang talim ng hawak ko sa tagiliran niya kaya naman umagos na ang dugo niya duon.

Ipinakita niya ang call log ng messenger niya at hindi nga siya nagsisinungaling lalo na ng tawagan muli ang daddy.

"My God Zoey, take it off." Sigaw ng daddy sa kabilang linya ng ipakita ni Clyde ang tagiliran niya ng tanungin siya nito kung bakit nakangiwi siya. Alam kung nasasaktan na ito. Sino ba naman ang hindi kung may kutsilyong nakaturok sa tagiliran. Bigla naman akong natauhan ng makita ko ng masaganang umaagos ang dugo niya ng tignan ko.

Hindi ko ipinahalata na bigla akong nag alala. Napaluhod pa siya ng tanggalin ko ang nakatarak sa kanya at inihagis ko ang kutsilyong hawak ko. Nakangiwi man, inabot niya sa akin ang cellphone niya. Marahas na kinuha ko mula sa kanya iyon at kinausap ko ang daddy. Habang kinakausap ko ito ay patingin tingin ako kay Clyde na nakaluhod na sa sahig at pilit na tinatakpan ang sugat para hindi gaanong umagos ang dugo niya mula duon. Agad kung tinapos ang usapan namin ni daddy at sinabing gagamutin ang sugat nito at baka maubusan pa ito ng dugo.

Tinulungan kong makatayo ang napaluhod ng si Clyde sa sahig. Nakaramdam talaga ako ng pag aalala sa kanya ng makita kong halos nanghihina na. Pero hindi ko iyon ipinahalata.

Nilinis ko ang sugat niya. Naramdaman ko man ang pagtitig niya sa akin habang ginagamot ko siya ay hinayaan ko na lang at hindi na sinita pa. Kabayaran ng nawala niyang dugo kani kanina lang.

Pero halos hindi ko mapigilan ang mangiti ng mabistahan kong mabuti ang mukha niya ng tingalain ko siya. Hindi naman niya siguro nahalata na nawili ako sa pagtitig sa kanya.

Sino ba ang hindi mangingiti kung makikita mo ang isang Clyde Alcaide na may hugis pusong band-aid at hello kitty ang design sa pisngi.

Agad akong tumalikod ng hindi ko na kayang pigilan ang ngiti ko. Kinuhanan ko siya ng puting t-shirt at inihagis sa kanya para mapagtakpan ang ngiti sa mga labi ko.

"Change your clothes into that, then you can go now. And don't forget to lock the door when you leave."sabi ko.

Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya at tinungo ko na ang banyo para makaligo na at magamot ko naman ang mga pasa ko. Para makainum na ako ng pain killer. Medyo nasobrahan yata ako sa laban ngayon araw na ito. Pilit ko man pinapatatag ang sarili ko sa harapan ni Clyde kanina kahit halos wala ng lakas ang katawan.

Malakas ang mga bawat bitaw ng suntok at sipa niya kanina. At mabuti na lang kahit maliit ang katawan ko kaya kung indain ang mga iyon. Nasanay narin kasi ang katawan ko na masaktan.

Napatingin ako sa salamin sa banyo ng matapos na akong maligo. Hindi man napuruhan ang pisngi ko pero nangitim parin iyon. Ang mas malala sa pangingitim ay ang braso ko. Ang pagsangga ko sa huling sipa kanina ni Clyde. Parang nalamog yata ang laman ng braso ko dahil masakit na kahit hawakan ko lang ng kaunti. Pero mabuti na rin na sa braso ko iyon tumama dahil kung hindi ko iyon nasangga malamang tumama iyon sa mukha ko at tuluyan akong makatulog. At ang isa pang  ipinag papasalamat ko ay ang pagdating ni tito Clent. Dahil kung hindi siguradong ang huling banat namin kanina ay iyon na ang huli ko. Dahil nakaramdam na din ako ng panghihina.

Masakit na masakit na ang buong katawan ko.

Napangiwi ako ng muli kung haplusin ang braso ko. Hindi ko na ito halos maigalaw para punasan ang katawan ko.

Lumabas na ako ng banyo at ng nakapagbihis na ako ng pantulog ay kinuha ko ang aid-kit ko at tumungo sa sala. Duon ko na lang gagamutin ang pasa ko habang nanunuod ng TV.

"Why are you still here.?"tanong ko kay Clyde ng maabutan kong kampanting naglalaro sa cellphone nito. Kung gagawa pa ito ng hindi maganda ngayon sa akin hindi ko na alam kung kaya pa ng katawan ko ang lumaban. Sa katunayan nanginginig na ako. Dala na din ng pagod at gutom.

Shit! Huwag naman sana.

Nag angat siya ng tingin sa akin saka isinantabi ang cellphone. Tumingin din siya sa hawak kong first aid-kit. Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaatras ako. Nagkalukuhan na. Ano ang binabalak niya. Wala pa naman akong makitang ibang imosyon sa mukha niya.

"I warn you Clyde. If you make a mistake, I'm not only giving you a stab. "banta ko sa kanya kahit ang totoo nanghihina na talaga ako. Pero hindi siya nagsalita at walang babalang kinuha mula sa akin ang hawak kong first aid-kit. Hinila ako at pinaupo sa sofa.

"Hey! Your over doing."sita ko ng makabawi ako sa pagkabigla.

Tumingin muli siya sa akin. Pero iba na ang uri ng titig niya. Nagsusumamo. Hindi rin siya nagsalita bagkus kumuha ng ointment at magaang pinahiran ang pasa ko sa pisngi. Iniwas ko ang mukha ko sakanya pero pinigilan  niya ako ng humawak siya sa baba ko at muling ipinaharap sa kanya.

"I can treat my own bruise in my face."sita ko sa kanya at inagaw ang ointment pero agad niya iyon inilayo sa akin.

"I insist, pwede ba kahit man lang sa sandaling ito, hindi na muna tayo mag aaway. My God Zoey, napaka stubborn mo." May kalakasang sabi niya sa akin saka seryuso na namang tumingin sa akin.

"But I don't need your help."

"But I want to help you." Muli niyang nilagyan ang hintuturo niya ng ointment at pinahiran ang pisngi ko. Sa pagkakataong ito hindi na ako umiwas pa. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa.

Matapos niya iyong malagyan kinuha niya ang braso ko at tinignan niya iyon.

"I kick too much."mahinang sabi niya habang nakatingin sa braso ko. Hahawakan na sana niya ang pasa ko duon ay iniwas ko iyon sa kanya. Masakit iyon kahit padampi lang.

"No! Dont touch it." Pero hindi siya nakinig at nilagyan din iyon ng ointment. Napapangiwi ako habang pinapahiran niya iyon.

"Ouch! Carefull. Its hurt."

"Sorry! Ginagawa ko naman ang best ko para hindi madiinan eh."sagot niya. Mas ito pa yata ang nasasaktan habang nakikita niya akong nangingiwi tuwing papahiran niya ang pasa ko. Nanginginig din ang mga kamay nitong gamit sa pagpahid.

"Your shaking Clyde. Let me."

"Ako na sabi eh."nakipag agawan ako sa ointment na hawak niya. "Just sit. Malapit na matapos."

Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lang ulit siya. Pero hindi ko maiwasan ang hindi parin mapangiwi habang napapadiin ang paglalagay niya ng ointment sa braso ko. Parang mahihiwalay na ang balat sa braso ko sa sakit niyon.

"Ayan. Tapos na."nakangiting tumingin ito sa akin habang ibinabalik ang ginamit sa mga pasa ko. "May dala akong pain killer. Kumain na muna tayo."tumayo na ito. Nakangiting inilahad ang mga kamay sa akin.

Napatitig naman ako sa kanya. Ngayon ko lang nabistahang mabuti ang mukha niya habang nakangiti. At nakakagaan ng pakiramdam ang ngiti niyang iyon sa mga labi. Kung hindi lang sa masamang nangyari sa pagitan namin. Malamang hindi ganito ang sitwasyon namin ngayon.

Masisisi ba niya ako kung galit ako sa kanya. Ninakaw niya ang virginity ko. My God. It was my first pero sa isang lalaki pa. Sa kanya pa talaga. Kaya galit na galit ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng dugo ko kapag nakikita siya.

Pero ang titigan siya ngayon na may masuyong ngiti sa mga labi ay hindi ko makapa sa dibdib ko ang galit. Hindi ko mapigilan ang humanga ngayon sa kanya.

Damn! Pilit na iwinaksi ko sa isipan ko ang ngiti niya at agad na nagbawi ng tingin.

"Walang pagkain dito. Mag oorder pa ako ng makakain."sagot ko at tumayo na. Hindi ko na pinansin ang nakalahad niyang palad sa akin.

"Nagluto ako. Kaso malamig na. Iinitin ko na lang ulit." Nadismaya man siya sa hindi ko pagtanggap ng mga palad niya ay tinungo niya ang kusina.

Sumunod na lang ako sa kanya. Mukhang feel na feel nito gumalaw sa penthouse ko ah.

"Gigisingin na sana kita ng matapos akong magluto kaso, halos mapatay mo na ako kanina."

"Malay ko bang sinabihan ka ni daddy na tignan ako." Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng isa isang kinuha ang nakahandang pagkain sa mesa at inilagay iyon sa oven at pinainit. "Niluto mo ulit ang mga iyan?"

"Yes! Para naman kahit papaano ito ang pangbawi ko sa kasalanan ko sayo."

Napalabi ako sa sinabi niya. Kung dadaanin niya sa mga pagkain ang paghingi niya tawad sa akin malamang agad akong bibigay lalo na at ito mismo ang nagluluto.

Pero hindi ko akalain ang isang Clyde Alcaide ay mag aabalang magluto. Bihira sa mga lalaki ang gustong magluto at marunong magluto. Ako nga wala akong alam sa pagluluto pero mahilig akong kumain.

Muli niyang inihain ang mga pagkain ng mapainit na niya ito.

Damn! Parang gusto kong maglaway. Sa tingin pa lang masarap na. Ano na lang kung kakainin ko na sila.

Hindi ko na siya hinintay na yayain akong umupo at kumain. Dahil kusa na akong dumulog sa hapag.

"Itadakimasu." Sabi ko sa salitang japanese. Na ibig sabihin ay salamat sa mga pagkain. Nakangiti ko pang pinagsalikop ang mga palad ko at bahagyang yumuko.

Sinimulan ko ng lantakan ang mga pagkain sa harapan ko ng mapansin kong pinapanuod lang ako ni Clyde habang kumakain.

"Hey! Aren't you hungry?"tanong ko. "If you keep starting at me, I will eat this all."

"Sige lang, makita ko lang na nasasarapan ka sa niluto ko ay parang busog na busog na ako."

"Duh!" Pairap na tumingin ako sa kanya. "Uhm! Yummy."hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang sarap talaga.

Bahala siya kung ano ang iniisip niya ngayon sa akin. Sabihin na niya matakaw ako, wala na akong pakialam. Pero ilang sandali pa ay nagsimula na din itong kumain. Nakipagsabayan sa akin.

"When did you learn to cook?"tanong ko sa pagitan ng pagnguya.

"Four years ago. Simula ng nalaman kung mahilig ka sa mga pagkain."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sagot niya. Bumagal pa ang pagnguya ko dahil sa pagkabigla.

"Stop kidding."wala sa loob kong suway.

"Im not kidding pagdating sayo Zoey."seryusong sabi pa nito.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaseryusuhan ng mukha niya. Muli kong ibinaling ang pansin ko sa kinakain ko. Pero hindi na gaya kanina na para bang nakikipagkarera ako sa pagkain.

"Cut the crap. Huwag mong sabihin iyan. Baka mawalan ako ng gana." Pang iiba ko ng usapan. Hindi yata kinaya ng isip ko ang sagot niya.

Narinig ko na napabuntong hininga siya.

"Ubusin na muna natin ang mga pagkain. Saka tayo mag usap. Sana naman this time. Pakinggan mo ang mga paliwanag ko."

Hindi ako na ako umimik. Muli ko na lang itinuon ang pansin ko sa pagkain.

Pagbibigyan ko siya ngayon. Makikinig ako sa mga paliwanag niya. Pero hindi ibig sabihin na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Kung makikipagbangayan na naman ako sa kanya baka mauwi na naman sa sakitan ng katawan. Wala pa akong lakas para muling makipaglaban dito. Saka na lang. Pag bumalik na ang lakas ng katawan ko.

Wala na kaming imikan hanggang sa maubos ang mga inihanda niya. Nagtulungan pa kaming naghugas ng pinagkainan namin. Ng matapos kaming magligpit nagyaya na ito sa sala.

"Inumin mo na muna yan para mawala ang pananakit ng katawan mo."

Pain killer.

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin ngayon. Bibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag. Pero ibig sabihin ay mapapatawad kita sa ginawa mo. Depende na rin iyon sa mga paliwanag mo." Panimula ko ng hindi pa ito nagsasalita.

Humugot ito ng malalim na hininga saka seryusong tumingin sa akin.

"First, I want to say sorry that day. I mean sa pagsuntok ko sayo just to take you as mine. Pero hindi ako hihingi ng sorry dahil sa ginawa kung pag angkin sayo."

"What?" Abat anong klaseng pagsosorry iyan kung ang main ng kasalanan niya ay ang nangyari sa amin.

"Look Zoey, i was trying my best to say sorry. This is my first time to ask for forgiveness."

"So, it is my fault that you're sorry now?" Tanong ko dito. Nagsisimula na naman uminit ang ulo ko.

"Please listen. Ito lahat ang una ko. Ang una sa paghingi ng pakiusap. At ang una sa paghingi ng tawag. Zoey, kinakaya ko ang pagbabago kong ito dahil sayo. So please, try to understand and listen to me."

Pinagmasan ko siyang mabuti. Inarok kung gaano ka totoo ang paghingi niya ng tawad. Nakatingin naman ito ng deretso sa akin.

Mga matang punong puno ng pag susumamo. Na para bang ano mang oras ay maglalabas iyon ng mga luha kung hindi pinagbigyan.

"Go on!" Wala sa loob kong pagpayag. Pakikinggan ko siya dahil nakikita ko naman kung gaano katotoo ang sinabi niya.

Pero bakit gumaam ang pakiramdam ko dahil ako ang dahilan ng pagbabago niya gaya ng sinabi niya. Ako ang dahilan kung bakit niya nagagawang mag sorry ngayon. At ang isipin na ang Clyde Alcaide, ang tinagurian cold hearted devil ay nasa harapan ko at nagsusumamong patawarin ko.

Bahagyang ngumiti ito sa pagpayag ko. At agad na ding sumeryuso. Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa mga palad ko. Damang dama ko ang init na nagmumula sa mga palad nito.

"You don't need to hold my hand."sita ko dito ng maramdaman ko ang pagpisil nito at hinila ko ang palad mula rito.

Napakamot naman ito ng ulo. "Kung makakalusot lang naman."

"Abat-"bibigwasan ko sana siya pero kumirot ang  braso ko kaya hindi ko itinuloy. "Alcaide, sabihin mo na ang lahat ng gusto mo, hindi iyong may pahawak hawak ka pang nalalaman. Baka gusto mong dagdagan pa ang saksak diyan sa tagiliran mo." gigil na sabi ko dito.

Pero ang luko nakangisi na at parang hindi pinansin ang gigil ko.

"Hehe! But what I like is, I who get into you."

Abat talaga naman. What is he trying to say. Pero parang biglang uminit ang mukha ko ng marealize kung ano ang ibig niyang sabihin. Sa gigil ko kinuha ko ang unan sa sofa at ibinato iyon sa kanya. Sinalo lang niya ito.

"Ok, ok. Sorry again."taas ng mga kamay niya.

Inirapan ko ito para mapagtakpan ang pamumula ng mukha ko. Nakaramdam pa ako ng pagiinit ng katawan ng maalala ko ang bagay na iyon.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala sa isip ko pag pa flash back ng eksinang iyon sa pagitan namin. But....

Fuck! I feel that I have reaction. Umupo ako agad at kinuha ang unan at inilagay iyon sa lap ko para mapagtakpan iyon.

"May balak ka pa bang magpaliwanag?" Nilangkapan ko ng galit ang tanong kong iyon sa kanya. Hindi naman siguro ito nakahalata diba? "Kung wala na makakaalis ka na. Hindi iyong sinasayang mo ang oras ko. Gusto ko ng magpahinga, kaya kung wala ka ng ba-"

"I love you."putol niya sa mahabang lintaya ko dahilan para agad akong napatingin sa kanya.

Tama ba ang narinig ko o dinadaya lang ako ng pandinig ko.

"I love you."pang uulit nito.

Wala akong maapuhap na isagot sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya.

"Alam kong hindi ka maniniwala pero iyan ang nararamdaman ko. Alam mo ba sa una hindi ko tanggap ang relasyon ng papa at daddy, dahil iniisip ko bakit kailangang pareho nilang lalaki ang pinakasalan nila. Hindi ba sila nanandidiri sa isat isa. Hindi ba sila naapektuhan sa mga sinasabi ng mga tao sa kanila. Minsan nga, hiniling ko na sana hindi sila ang mga magulang ko, ikinakahiya ko sila. At hindi ko pinangarap na sundan ang yapak nila. Pero nagbago iyon ng makita kita ng makilala ka. Nawala ang hiyang nararadaman ko tuwing nakikita ko ang papa at daddy na magkasama at kasama ko sila. Naging proud ako sa kanila dahil kahit na anong pagsubok at panlalait ay kinakaya nila. Duon ko naramdaman na hindi ko dapat ikahiya ang mga magulang ko at alam ko na ganun ka din sa mga magulang mo. At pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka."

"Inalam ko ang lahat sayo. Mga hilig mong gawin, o mga paborito mo. Alam mo bang sa lahat ng mga naging laban mo sa mga kumpitisyon ay nanduon ako. Inipon ko pa lahat ng vedio sa mga laban mo at paulit ulit ko iyong pinapanuod tuwing gusto kita makita. Kung naminmmiss kita. Sabihin mo ng baliw ako, pero totoo lahat ng ga sinabi ko. At ng nalaman ko pang mahilig kang kumain, pinilit kong matutong mag luto. Tinawanan pa nga ako ng mga kaibigan ko. Pero wala akong pakialam sa kanila. Bakit mapapasaya ba nila ako gaya ng kapag nakikita kita. Napapabilis ba nila ang tibok ng puso ko kagaya kapag nakikita kitang nakangiti. Hindi. Kaya kahit hindi na kinakaya ng schedule ko ay kumuha ako ng extra unit sa cooking just to learn. Para kapag nagkita na tayo maipagluto kita ng kahit na anong gusto mong kainin."

"Ang balak ko ay ang puntahan ka sa Japan kapag nagtapos na ako sa taong ito. Pero nakiayon sa akin ang panahon at pinadala ka dito nina tito. Hindi ko nga kayang ipaliwanag ang sayang naramdaman ko ng ibalita iyon ng papa ko. At ng ibilin ka nila sa akin. Syempre agad akong pumayag. Pero hindi ko naman alam kung paano at ano una kong gagawin para malapitan ka. Gusto ko pang magwala at magalit ng nalaman kong hindi ka sa penthouse tumuloy at nakipagsiksikan ka sa dorm ng mga lalaki. At sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng inggit sa iba dahil malaya ka nilang nakakausap. Nalalapitan. Kung ano ano at sino sino na ang ipinadala ko at gawan ng dahilan pero hindi ka parin lumipat. Kaya habang nag iisip ako ng paraan pinagsawa ko na lang muna ang sarili ko na pagmasdan ka sa screen ng cellphone ko sa mga cctv na nakakalat sa buong eskwelahan. And then, the first time na nakalapit ako sayo ay nuong may mga lalaking nagtangkang gawan ka ng masama. Halos lumipad na ako sa bilis para lang mapuntahan kita agad na kahit alam kung hindi mo kailangan ng tulong ko. Pero sumiklab ang galit ko ng may ibang nakahawak sayo."

"Ayaw kong may ibang hahawak ng pagmamay ari ko. Ng taong mahal ko. At matapos ang insedenteng iyon, nagsumbong na ako kay tito Zy. Kaya ng gabing nakalapit ka na duon agad kitang pinuntahan at dalhan ng pagkaing niluto ko. But I notice that you havent locked your door kaya pumasok na ako ng hindi ka sumagot o pagbuksan ako. Then I saw you sleeping. Duon ko pinagsawa ang mata ko na titigan ka. Ang mahaplos ang mga pisngi mo. At dampian ng halik ang mga labi mo. Mahawakan ka ng mga kamay ko. At makulong ka sa mga bisig ko. But you hit me. That night."

"Pero ang isa sa ikinagalit ko ng tuluyan ay ang makita kang nilalandi ka ng babaeng iyon mismo sa harapan ko. At ng marinig ko ang sinabi mo sa kanya. Kaya hindi na ako nakapag isip pa ng maayos. Nilamon na ng buong pagkatao ko ang selos. Gusto ko na siyang burahin sa mundong ito kung hindi mo lang ako binigyan ng suntok."

"Then I decided na sa oras na iyon mismo, maarkahan ko na ang dapat ay sa akin lang. Para wala ng magtangkang landiin ka. Ayaw ko man na saktan ka ng araw na iyon, iyon na lang ag tanging paraan ko para maisakatuparan ko ang binabalak ko. Nagtagumpay nga ako. Naangkin kita. Naranasan ang kakaibang sarap sa piling mo. Pero dahilan naman iyon para kamuhian mo ako ng tuluyan. Kaya heto ako Zoey, humihingi ako ng tawad dahil nasaktan kita ng araw na iyon at pinagsisihan ko iyon. Pero gaya ng sinabi ko, hindi ko pinagsisisihan ang pag angkin ko sayo."

*******

@YuChenXi