webnovel

Satellite Surveillance

編輯: LiberReverieGroup

"Lagi bang may dalang katawan ang cargo?" Tanong muli ni Xinghe.

Tumango si Ee Chen. "Siguro dahil palaging nagpupunta sa crematorium ang van."

"Kailan sila aalis?"

Tumingin si Ee Chen sa kanyang relo at sinabi, "Mga tatlo hanggang apat na oras mula ngayon."

Tumango si Xinghe. Ang tingin niya ay napako sa ampunan at mahina niyang iniutos, "Bigyan mo ako ng laptop."

Nagtaka si Ee Chen. "Bakit kailangan mo ng isa? Wala namang surveillance system sa ampunan."

Dahil kung meron man, matagal na niya itong na-hack at nakakuha na siya ng pruweba ng krimen ng He Lan family.

Sumagot si Xinghe, "Alam ko, pero kahit na, may mga paraan para makakuha ng impormasyon."

"Ano'ng mga paraan?"

Sumulyap si Xinghe sa kanya mula sa gilid at maliwanag na sinabi, "Satellite surveillance."

Nalaglag ang panga ni Ee Chen. Paano niya nakalimutan ang isang bagay na ganoon?

Gayunpaman, ang mga normal na satellite ay hindi magagawang makita ang mga detalye tulad ng tao o kahit na mga gusali. Gayunpaman, mayroong mga satellite na may mataas na accuracy, pero ang mga ito ay nakareserba para sa pinakamataas na security ng bansa. Ang mga normal na sibilyan ay walang kinalaman dito. Kahit si Ee Chen ay hindi mangangahas na i-hack ang system nito dahil kapag nagkahulihan, ay may mataas na kabayaran.

Masyado bang mahusay si Xinghe na magagawa nitong mapasok ang isang high security system ng hindi nalalaman?

Hindi sigurado si Ee Chen, pero may tiwala siya dito, at dahil ito naman ang nagsabi nito, ibig sabihin ay may tiwala ito sa sarili. Nag-alinlangan lamang siya ng kalahating segundo, bago nito iniabot ang laptop.

Inilapag ni Ee Chen ang laptop sa mesa, binuksan ito at nag-aalalang nagpaalala dito, "Miss Xia, kailangan mong mag-ingat na huwag mabuking."

Tumango si Xinghe pero wala siyang sinabing kahit na ano. Nagsimula na itong paganahin ang laptop. Kahit na alam na nila kung gaano ito kahusay, palagi pa din silang napapahanga, lalo na pagkakita kung paano nito kadaling napasok ang satellite system ng bansa.

Wala pang isang minuto ang kinailangan ni Xinghe para i-hack ang system, makita ang coordinates ng ampunan, at makita ang mga pagkilos dito. Halos lumuhod silang lahat sa sobrang paghanga.

Kahit si Ee Chen ay napahanga at ang mga mata niya ay kumikislap sa motibasyon. "Miss Xia, ang kakayahan mo ang muling nagbukas sa aking mga mata! Ang totoo niyan, ipinaparamdam mo sa akin na tila gusto kong maging estudyante mo."

"Wala ito," mahinang sambit ni Xinghe at nagsasabi ito ng totoo. Gayunpaman, isa itong makirot na kurot sa puso ni Ee Chen. Kung wala ito… ano na lamang ang itsura nito kung seryoso na ito?

Pakiramdam bigla ni Ee Chen na ang kakayahan niya, kung saan ang lahat ay hinahangaan ito, ay isang kakayahan ng bata kung ikukumpara sa kakayahan ni Xinghe.

Tinapik siya ni Sam sa balikat at inaalo siyang sinabihan, "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo pero huwag kang malungkot. Dahil si Xinghe ay isang tao na wala ni isa sa atin ang makakaabot kahit na gaano pa natin subukan, kailangang maging masaya na lamang tayo sa kung ano ang mayroon tayo."

Hindi makapagsalita si Ee Chen. Isa pa itong pag-alo o pagsasabi sa kanyang sumuko na?

Salamat na lamang, naturuan na siya ng leksiyon ni Xinghe ng matagal na at natuto na siyang harapin ang katotohanan.

Pilyong ngumisi si Ee Chen. "Kahit na hindi ko siya malalampasan, matututo naman ako sa kanya. Miss Xia, bakit hindi mo ako kuhanin bilang estudyante mo?"

Sumagot si Xinghe ng hindi iniaalis ang kanyang mga mata sa screen, "Kung may pagkakataon, bakit hindi?"

Nasabik si Ee Chen!

"Tatanggapin ko na iyan bilang pagpayag mo, matapos ang lahat ng mga ito, pararangalan kita bilang aking master!"