webnovel

Ang Opening

Editor: LiberReverieGroup

Tumingin sa kanya si Xinghe at mabait na nagpayo, "Ang totoo, mahusay ka na dito, wala nang dahilan para gawin pa ang lahat ng ito."

"Pero mas mahina pa ako kaysa sa iyo. Huwag kang mag-alala, wala naman sa akin na tawagin kang teacher kung makakatulong ito na mapaunlad ang kakayahan ko," tahasang sabi ni Ee Chen ng walang pakunwari. Bukas ang kanyang isip, hindi alintana sa kanya na matuto sa ibang tao kung mapapaunlad niya ang sarili. Hindi tulad ng ibang tauhan sa aklat na ito, hindi siya nakakaramdam ng inggit o inis kay Xinghe dahil sa mas mahusay ito kaysa sa kanya.

Tumango si Xinghe. "Okay, mapapag-usapan natin ito mamaya."

Isa na itong pangako para kay Ee Chen. Kumurba ang mga labi niya sa kasiyahan at nangako na tatratuhin niya ito tulad ng pagtrato niya sa isang kapita-pitagang guro. Ang grupo ni Ali ay nakaramdam ng kakaibang inggit habang pinapanood si Xinghe na tanggapin si Ee Chen bilang estudyante nito. Gusto din nilang maging estudyante nito!

Gayunpaman, naiintindihan nila na ang kahusayan nila sa computer ay masyadong mababa para maging kwalipikado sila bilang estudyante nito. Salamat na lamang, mabuti silang magkakaibigan at magkakasama kaya naman ang kaalamang ito ay napahupa ng kaunti ang kanilang mga inggit.

Hindi alam ni Xinghe na ang nakakatawang power struggle na ito na siya ang nasa gitna ay nangyayari, kaya naman nagpatuloy lamang ang kanyang pansin sa Angel Orphanage. Kung ang lugar ay nasa labas, makikita niya ito, pero ibang istorya na kung ang mga bagay ay nangyayari sa loob ng gusali. Gayunpaman, sapat na ito sa kung ano ang kinakailangan nila.

Mabagal na lumipas ang oras, at hindi nagtagal ay sumapit ang gabi. Ang grupo ni Xinghe ay nakapokus lahat sa galaw sa loob ng ampunan, at hindi nagtagal, nadiskubre nila na nagsimula nang kumilos ang mga tao sa loob.

Habang tahimik ang ampunan noong gabi, isang babae na may kargang bata sa kanyang mga braso ang lumabas mula sa isa sa mga gusali at dumeretso patungo sa van. Pagkatapos, dalawang lalaki na may dalang malaking kahon ang humarang dito.

Inilagay nila ang bata sa kahon at isinara na ang kahon. Matapos niyon ang kahon ay inihagis na sa likuran ng van. Matapos na maisara ang lahat, umandar na ang makina ng van, at nagmaneho na sila paalis. Ang kanilang bawat aksiyon ay nai-record ni Xinghe.

Bumulong si Ee Chen, "Ano na ang gagawin natin ngayon?"

"Tara nang i-hijack ang kotse!" Galit na mungkahi ni Sam. Galit na galit silang makita ito ng sarili nila. Ngayon, naniniwala na sila na maraming ulila ang namatay ng hindi nalalaman sa ampunan na iyon.

Hindi nila lubos na maisip kung ano ang pinagdaanan ng mga batang ito bago sila namatay, pero siguradong isa itong malupit na pagpapahirap. Kung posible lamang, gusto na nilang wasakin ang nakakasuklam na ampunang ito at patayin ang buong He Lan family!

Pinanatili ni Xinghe ang kanyang pagiging kalmado at tinanggihan sila. "Hindi na kinakailangan pang kumilos ng personal, dapat ay tawagin na natin ang mga pulis."

"Tama iyon, dapat ay isuplong natin sila sa mga pulis!" Sang-ayon ni Ali.

Duda naman si Ee Chen. "Masyadong makapangyarihan ang He Lan family, sa tingin ko ay hindi sila mapipinsala ng law enforcement sa kahit anong paraan."

"Kung ganoon, ano pa ang punto ng pag-hijack sa kanilang kotse?" Tanong ni Xinghe.

Napatahimik sila. Oo nga naman, kung walang magagawa ang law enforcement sa kanila, ano pa ang punto ng pagpapatigil ng van ng mga ito?

Panandalian lamang na hindi nila masasaktan ang He Lan family at ang tanging bagay na magagawa nila ay ang isuplong ito sa mga pulis at magsindi ng maliit na apoy sa ilalim ng mga ito.

Ito ang sadya ni Xinghe, ang makakita ng isang maliit na butas para pakitunguhan ang He Lan family.

Kaya naman, agad na ipinadala ni XInghe ang video sa pinakamalapit na istasyon ng pulis. Hindi lamang iyon, ipinost din niya ang video online at hindi nagtagal ang video niya ay naging isang trending na paksa!