webnovel

Maglunsad ng Atake kay Xinghe

編輯: LiberReverieGroup

Inisip niya na ang karamihan ng kanyang pang-aapi sa lugar ng pagtatrabaho ay makakapagpaalis kay Xinghe, pero ang babaeng walang hiya ay ni hindi man lamang kumurap sa mga ginagawa niya. Ang totoo, ni hindi nga pinapansin ni Xinghe ang mga ginagawa niya.

Ito, isali pa ang araw-araw na pang-aasar sa kanya ni Lin Qin at ilang tawag ni Lin Xuan kung saan ipinapahiwatig nito ang kanyang malalim na hindi pagkakagusto kay Xinghe, ay lalo nitong pinatindi ang pagkasuklam ni Tong Yan dito. Hindi na niya matatagalan pa ang babaeng ito!

Kailangan na niyang mailigpit ng mabilis si Xinghe para makahingi na siya ng pabuya mula sa kanyang Brother Lin Xuan.

Koinsidente naman na nagkasakit nang araw na iyon ang presidente at sa wkas ay nailigtas matapos ang isang mahirap na operasyon. Ginamit ni Tong Yan ang pagkakataon na ito para maglunsad ng pag-atake kay Xinghe.

Sa harap ng lahat, dinuro ni Tong Yan si Xinghe at bastos na sumigaw, "Auntie, hindi ko na talaga matatagala pa ito, kailangan mo nang palayasin ang babaeng iyan ngayon! Ano ba ang ginagawa niya dito na wala naman siyang naitutulong? Nakatayo lamang siya at nanonood noong biglang umatake ang sakit ni uncle. Bakit kailangan pa nating hayaan na manatili siya dito? Ang isang babaeng walang alam maliban sa magsinungaling para makarating siya dito, umaasa na makakuha ng benepisyo mula sa atin. Auntie, hindi dapat natin hayaan ang ating mga sarili na maloko; isa siyang propesyunal na manloloko; kailangan na niyang makaladkad palabas sa bahay ng presidente at deretso sa silya elektrika! Nararapat sa kanya ang isang kapalarang mas masahol pa sa kamatayan!"

Ang bigla niyang pag-atake ay nakagitla sa lahat ng nandoon. Tanging si Lin Qian ang patagong natutuwa sa kanyang trahedyang hinaharap.

Gayunpaman, nanatiling kalmado si Xinghe; ang mukha niya ay kalmado tulad ng dati.

Si Lu Qi naman ang nagalit. "Miss Tong, si Xinghe ay ang aking personal na assistant; may lubos na tiwala ako sa kanyang kakayahan, kaya pwede bang huwag mo na siyang siraan pa?"

Matapos na ipagtanggol ni Lu Qi si Xinghe, lalo pang nagalit si Tong Yan. Hindi sa gusto niya si Lu Qi, pero mula nang ipanganak siya, alam niya na ang bawat lalaki ay kakampi sa kanya dahil gagawin ng mga ito ang lahat para makuha ang puso niya.

Ang pagtaliwas na ito ay nagpagalit sa kanya ng walang humpay.

"Brother Lu, mukhang naloko ka din ng huklubang ito. Sinasabi mong may kakayahan siya, pero wala pa akong nakikitang ebidensiya nito. Kung talagang may kakayahan siya, sabihin mo sa kanya na patunayan ito sa atin; nasaan ang husay niya? Matagal na siyang nandito, pero ano ba ang ginawa niya maliban sa pagkain at pagtulog?" Mas maraming sinasabi si Tong Yan na argumento, mas umiigi na ang kanyang pakiramdam; 'alam' niya na tama siya. Dahil sa isang teknikalidad ay tama ito. At least sa mga mata ng mga taong naroroon, na wala pang ginagawang nakakalugod at mahalaga si Xinghe.

Kahit na ang mga salita ni Tong Yan ay marahas at hindi angkop, naisatinig niya ang mga iniisip ng mga taong nandoon. Kahit si Madam Presidente ay unti-unting napapaniwala sa mga salita nito.

Naniniwala siya kay Lu Qi at, napadugtong na din dito ang kanyang paniniwala kay Xinghe. Gayunpaman, na-aalarma na siya sa kawalan nila ng progreso sa napakatagal na panahon.

"Miss Xia, umaasa ako na sana ay patawarin mo ang mga salita ni Little Yan dahil sa kanyang murang edad. Gayunpaman, ako ay nagtataka sa kung ano talaga ang pinaplano ninyong dalawa. Maaari bang magbigay kayo ng ilang impormasyon sa amin?" Mabining tanong ni Madam Presidente, na tila isang mabait na nakakatanda.

Nagreklamo si Tong Yan, "Auntie, ano pa ba ang maipapalabas niya kundi ang kanyang pagiging manloloko? Bakit kailangang maging magalang pa tayo sa kanila? Isa siyang kriminal na niloko ang presidente ng bansang ito; dapat ay mapatawan siya ng hatol na kamatayan!"

"Mukhang may ilang negatibong opinyon si Miss Tong sa akin," biglang binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para sabihin.

Sumabog si Tong Yan na tulad ng mga paputok sa ikaapat na araw ng Hulyo sa sinabi niyang ito.