webnovel

Walang Makakahila sa Akin Pababa

Editor: LiberReverieGroup

Ikinalat pa niya ang mga masasamang tsismis tungkol kay Xinghe, sinasabi na isa itong mamamatay-tao, isang nakatakas na bilanggo, at lahat na ng masasamang bagay sa mundo. Dahil sa kanyang katauhan, walang nangahas na pigilan o salungatin siya. Wala ni isa man ang nagsabi kay Madam Presidente sa kanyang panggigipit. Dahil sino nga naman ang magkakaroon ng lakas ng loob na gawin iyon?

Papagalitan lamang ni Madam Presidente si Tong Yan dahil, sa bandang huli, ay iisang pamilya sila. Kung anupaman, ay magkakaroon lamang ito ng maraming isyu sa nagsumbong. Isa pa, ang Shen family at Tong family ay hindi dapat kinakalaban…

Ngayon, nasa likuran pa niya ang Lin family. Halos hindi matitinag na si Tong Yan.

Kaya naman, kapag nakikita ng mga tao kung gaano kinasusuklaman ni Tong Yan si Xinghe, hindi na sila nangahas na mapalapit pa kay Xinghe. Ang lahat ay nagtipun-tipon at iniitsapwera siya; ibinibigay sa kanya ang pinakapangit na upuan tuwing pagpupulong at pati na din tira-tira sa kantina!

Halos bibihira ang karne at kung mayroon man, makikita niya ang mga bakas ng kagat doon. Sa iba pang kaso, napilitang maging vegetarian si XInghe dahil iyon lamang ang mga pagkain na mukhang pwedeng kainin.

Ang lahat ay bibigyan siya ng mga nadidiring sulyap kapag nasasalubong siya. Kung hindi lamang ito ang bahay ng presidente, malamang ay mas masahol pa ang ginawa ng mga ito.

Nagagalit na si Lu Qi sa napapansin niyang pang-aapi, pero hindi apektado si Xinghe sa mga ito.

"Wala ito, kumpara sa iniisip kong paghihiganti, ang mga ito ay gawa lamang ng mga bata," kibit-balikat na sabi sa kanya ni Xinghe. Alam ni Lu Qi na malakas ang loob nio, pero hindi niya maiwasan na hindi mag-alala. "Pero hindi ka ba naaapi?"

Tumawa si Xinghe. "Bakit naman? Hindi ko naiintidinhan ang ibig sabihin niyan. Kung nakakaramdam ako ng hindi maganda ay gagawa ako ng aksiyon ukol dito. Sa mundong ito, wala pang nakakapang-api sa akin. Bakit ko sila hahayaang makaramdam ng kasiyahan?"

Ngumiti si Lu Qi, ang kumpiyansa nito ay nakakahawa. "Tama ka, tanging ang mga taong pinakitaan ang kanilang pagkakamali ay makakaramdam ng kamalian. Kung malakas ang iyong puso, wala ni isa ang makakapagpabagsak sa atin. Mukhang minaliit na naman kita; hindi na nakakapagtaka na mahal ka ni Mubai. Siguro ay nakita niya ang tunay na ikaw sa umpisa pa lamang."

Nagulat si Xinghe sa rebelasyong ito. Talaga bang naunawaan siya ni Mubai matapos niyang mabawi ang kanyang alaala?

Hindi nito sinabi sa kanya. Alam niyang ang ugali nito tungo sa kanya ay biglang nagbago pero wala siyang ideya kung bakit.

"Naguguluhan ako, ganito ka na ba dati noong nagdiborsyo kayo?" Hindi maiwasan ni Lu Qi na makitsismis.

Hindi ito itinago ni Xinghe at umiling. "Hindi."

"Kung ganoon, ano'ng klase ng tao ka ba dati?"

"Hindi talaga ako isang tao, mas mainam na sabihin isang nilalang na walang kaluluwa, ni hindi interesado na makipag-usap sa tao."

Agad na naalala ni Lu Qi ang mga dating balita na may sakit sa mentalidad ang asawa ni Mubai. Tahimik ito, ilag sa tao, at naglalakad na parang wala sa sarili na tulad ng isang manika araw-araw. Ngayon ay napagtanto niya na marahil ay ginugol nito ang oras na pagtuunan ng husto na madiskubre nitong muli ang sarili, kaya naman wala na siyang kapasidad na magpakaabala pa sa ibang bagay.

Gayunpaman, ang lahat ay nagbago. Nakita na niya ang sarili niya at ang kanyang kumpiyansa; tila ba isa na siyang bagong babae.

"Xinghe, sigurado ako na kahit ano pa ang subukan mo sa hinaharap, mananatili itong matagumpay," humahangang sambit ni Lu Qi na napabuntung-hininga.

Ngumiti si Xinghe. "Marahil. Gayunpaman, totoo naman na ang disenyo natin ay malapit ng matapos."

Agad na lumawak ang ngiti ni Lu Qi. "Oo nga, matapos ng ilang gaing walang tulog, ang tagumpay ay halos abot kamay na natin!"

Gayunpaman, sa kaparehong oras na iyon, ang pasensiya ni Tong Yan ay narating na din ang hangganan.