webnovel

INIWANAN SIYA

編輯: LiberReverieGroup

Makikita sa bawat hakbang ni Tianxin ang kanyang galit.

Nang dumating siya sa lobby, wala na si Mubai; maski ang sasakyan ay wala na doon.

Tanging si Chang An lamang ang naghihintay sa kanya sa labasan ng ospital.

"Nasaan si Mubai?", tanong ni Tianxin sa assistant.

Magalang na sumagot si Chang An, "May importanteng business meeting si CEO Xi kaya kinailangan na niyang maunang umalis. Iniwanan niya ako para hintayin ka Ms. Chu. Huwag kang mag-alala, Ms. Chu, tumawag na ako sa driver, papunta na iyong sasakyan dito."

"Umalis siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tianxin.

"Oho." Tumango si Chang An.

Ang ngiting nakalaan para kay Mubai ay biglang naglaho.

Hindi sinipot ni Mubai ang tanghalian sana nilang dalawa, iniwanan pa siya nito ng wala man lamang pasabi!

Balak pa sana magsumbong ni Tianxin kay Mubai ng mga ginawa sa kanya ni Xinghe pero iniwanan siya nito!

Nag-isip tuloy siya kung may puwang ba siya sa puso nito.

Hindi ba siya interesado sa kakaunting kabutihang-loob niya na balak niyang ibigay kay Xinghe?

Napatiim-bagang si Tianxin dahil nasira ang kanyang mga plano. Bumalik siya kina Xinghe dahil sa dalawang dahilan, ang isa ay para wasakin ang natitirang kumpiyansa ni Xinghe at ang isa ay para ipakita kay Mubai ang kanyang kabutihang-loob.

Pero… mas matatag pala si Xinghe kaysa sa kanyang inakala at ngayon naman ay umalis si Mubai. Kung hindi niya maipapakita kay Mubai ang kabaitan niya, ano pa ang halaga kung bakit bumalik siya kay XInghe? Isa pa, gusto niyang ireklamo kay Mubai kung gaano kasama ang trato sa kanya ni Xinghe kapalit ng kabutihan niya.

Base sa personalidad ni Mubai, kung alam nito kung gaano siya nagkikimkim ng sama ng loob, papangit lamang ang dating nito sa kanya. Hindi niya gusto ang mga taong mapagkimkim. Ang tanging panahon niya para siraan si Xinghe ay ngayon lamang.

Pero umalis na nga ang lalaki. Hindi naman niya maaaring tawagan ito para lamang isumbong si Xinghe. Hindi ito makatutulong na gumanda ang imahe niya kay Mubai. Pero kung pinalampas niya ito, hindi na niya ito maaari pang sabihin.

Sa madaling salita, pumalpak ang kanyang plano.

O pumalpak nga ba…

Pasulyap na tumingin siya kay Chang An na nakatayo malapit sa kanya at nangilid ang kanyang mga luha.

Nataranta si Chang An ng makitang luhaan siya at madaliang nagsalita, "Ms. Chu, ano po ang nangyari? Hindi naman intensiyon ni CEO Xi na iwanan ka dito, mayroon talaga siyang importanteng kailangan puntahan. Huwag ka na pong umiyak…"

Pinahid ni Tianxin ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti, "Walang kinalaman dito si Mubai. Kasalanan ko itong lahat, nalimutan ko na ma-pride masyado si Xinghe. Dapat ay inasahan ko na mahirap sa kanya ang ibaba ang dignidad niya at tanggapin ang tulong ko. Ako lamang ang dapat na sisisihin dito dahil sa pagiging pakialamera ko…"

"Ms. Chu, ano po ang sinasabi ninyo?" tanong ni Chang An.

"Wala. May importante din pala akong pupuntahan, salamat sa paghintay mo sa akin," sabi ni Tianxin at ito ay umalis. Naalala niyang pahiring muli ang mga luha sa kanyang mukha.

Kahit anong tawag ni Chang An dito, sinigurado niyang hindi siya lilingon.

Walang nagawa na lamang si Chang An kung hindi tanawin ito habang tumawag ito ng taxi at umalis. Tinawagan niya si Mubai upang magreport.

Wala naman talagang importanteng meeting si Mubai kahit na maaga siyang bumalik sa opisina. Nagalit lamang siya sa inasal ni Xinghe kaya ayaw na niyang magtagal pa sa ospital.

Sumandal siya sa upuan niya, tinanggal ang pagkakabutones ng kanyang kamiseta habang binabalikan ang pangyayaring pinunit ni Xinghe ang cheke sa harap niya.

Ang cheke para sa isang daang milyon, at pinunit niya ito ng walang alinlangan.

Maprinsipyo ba talaga ito o ginawa lamang niya ito para galitin siya?

Napangisi si Mubai habang hinuhulaan kung ano nga ba ang sagot.

Sa kanyang opinyon, nagpadalus-dalos si Xinghe. Sa ngayon ay wala siya sa posisyon para panghawakan ang kanyang prinsipyo. Mas importante ba talaga ang dangal at prinsipyo niya?