31 ANG LALAKING HINDI NIYA GUSTO

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Xia Xinghe, saan mo nakuha ang ganoong kalaking halaga? Ikaw pa din ang nanay ni Lin Lin kaya huwag kang gagawa ng ikakahiya niya."

Nasasagad na ang pasensiya ni Xinghe sa babaeng ito. Binigyan niya ito ng nakakamatay na tingin at sinabi, "Ano ang mga nakakahiyang bagay na ipinagsasasabi mo? Masyado na ang panghahamak mo sa akin at akala mo ay hindi ko kayang kumita ng 300000?"

"Hindi kita hinahamak! Pero ang katotohanan na ang malaking halaga ng pera na ito ay hindi mo nakuha sa legal na paraan!" pagmamalinis ni Tianxin at sinabi, "Xinghe, kung kailangan mo ng pera, lumapit ka na lamang sa amin, bakit kailangan mo pang sirain ang pangalan mo? Kung gusto mong sirain ang karangalan mo, sumige ka, pero isipin mo ang anak mo, si Xi Lin, na nagkaroon ng ina na nagbebenta ng aliw. Binabawi ko na ang sinasabi ko, hinahamak na kita pero bilang kapwa babae."

"Manahimik ka!" hindi na napigilan pa ni Xia Zhi ang sarili. Kahit na mas bata siya, nakakatakot pa din siya kapag nagalit.

Lahat ng paggalang sa babae ay nawala na sa kanyang isipan habang dinuduro-duro niya si Tianxin at pabalang na sinabi, "Base sa ayos mo, ikaw ay lumaking edukada sa isang magandang pamilya, kaya nasaan ang mabuting asal mo at ang maayos na pagpapalaki sa iyo? Paano mo ibinibintang sa amin ang mga maruruming gawain na ikaw ang nakaisip para hamakin kami?"

"Ano, pera mo lang ang malinis at ang pera namin ay galing sa masama? May ebidensiya k aba? Kung wala, huwag ka na gumawa ng kwento, ikaw lamang ang nagdadala ng kahihiyan sa pamilya mo!"

"Anong klaseng babae ka at kailangan mong dungisan at hamakin ang ate ko para bumango ang sarili mo?"

"Bulag siguro si Xi Mubai dahil ikaw ang pinili niya imbes na ang ate ko. Ang babaeng tulad mo ay wala sa kalingkingan ng kuko ng ate ko. Uulitin ko ang sinabi ni ate, kunin mo na ang basura mo at lumayas ka dito!"

"Hindi namin kailangan ang pera mo at hindi na namin gusto pang makita ang pangit mong pagmumukha!"

"Ano… ano ang sinabi mo?" nanginginig sa galit na sabi ni Tianxin.

Ito ang unang beses na napagalitan si Tianxin.

At sa harapan pa ng maraming tao…

Tuso man si Tianxin pero madali siyang mapahiya, bunga ng maingat na pagpapalaki sa kanya.

"Hindi mo ba ako narinig? Get lost." Dagdag ni Xia Zhi.

"Tara na, huwag na natin siyang pag-aksayahan ng oras," sabi ni Xinghe habang hinihila papasok si Xia Zhi sa silid ni Chengwu. Ni hindi na niya tinapunan pa ng tingin si Tianxin.

Itinuring niyang wala na doon ang dalaga.

Halos dumugo na ang labi ni Tianxin sa pagkakakagat niya habang kaharap ang mga nars at ang mga patagong ngiti ng mga doktor.

Pigil-pigil ang kanyang galit, nagpahabol pa siya ng salita sa papalayong si Xinghe, "Xia Xinghe, ikaw ang hindi karapat-dapat kay Mubai. Malapit ko na siyang pakasalan at hindi mo na ako mauungusan pa sa tanang buhay mo!"

Matapos niyon ay yumuko siya para pulutin ang credit card at umalis na.

Makikita sa mga mata niya ang sobrang pagkamuhi at galit.

Kung pwede lamang ay pipira-pirasuhin niya si Xinghe!

Sa kabilang banda, nanatili namang kalmado si Xinghe. Pero ang kanyang mga mata ay mas madilim kaysa sa dati.

Nag-aalala si Xia Zhi na baka naapektuhan pa ang ate niya sa pahabol na salita ng babaeng iyon kaya niyakap niya ito at sinabi, "Ate, huwag ka na bumaba pa sa level ng babaeng iyon. Naungusan mo na siya dahil pinupulot niya ang mga tira mo, ang lalaking ni hindi mo naman gusto."

Napangiti si Xinghe sa dahil tama ang sinabi ni Xia Zhi.

Napatawa ng mahina si Xinghe at sinagot ito, "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. Hindi ko hahayaan na magsaya siya. Hindi ko lang matagalan na makita ang pagmumukha niya."

Nagliwanag ang mukha ni Xia Zhi at bumulong kay Xinghe, "Ate, ako na ang bahala sa kanya. Ipaghihiganti kita sa kanya mamayang gabi."

Nag-uusisang tumingin si Xinghe sa kanya at nagtanong, "Ano ang pinaplano mo?"

"Makikita mo mamaya," ngumisi si Xia Zhi. Hindi mapigilan ni Xinghe na hindi matawa sa ngising may binabalak na masama ni Xia Zhi.

Pero naniniwala siyang hindi naman masyadong grabe ang gagawin nito.

Nawaglit na sa isip nila ang nangyari dahil oras na para sa operasyon ni Chengwu.

avataravatar
Next chapter