Katulad kaninang pagpasok ay kasabay din ng magkapatid na Angel at Alex si Bryan. Pero 'di tulad kanina na sinundo sila nito, si Angel ang nag-drive ng kotse nito pauwi sa Moonville. Nagprisinta na itong maging driver dahil pagod pa daw si Bryan dahil sa game nito kanina.
Nauna muna sa bahay ng mga Martinez ang tatlo. Pagkatapos ay si Bryan na ang magda-drive pauwi naman sa bahay nito.
"We're here!" Pinatay na muna ni Angel ang makina. "It's nice driving your car."
Bryan smiled. "One of the perks of having a girlfriend who knows how to drive."
"And who lives in the same village as you," dagdag pa ni Angel.
Bumaba na ang tatlo at nagpaalam na sina Angel at Bryan sa isa't isa.
"Bye, Bryan," ang sabi din ni Alex sa binata.
"Ahm, Alex..."
Napatingin si Alex dito. "Hmn?"
"Can we talk?"
Napatingin si Alex sa ate niya. Angel just shrugged.
"Hintayin kita sa may porch." Nauna nang magpunta sa may porch si Angel sa may main door ng kanilang bahay.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong ni Alex kay Bryan nang silang dalawa na lang.
"I just want to know if you're okay."
She gazed at him.
"I'm aware of what's happening between you and Richard not because your ate told me about it, but because I can sense it. Alam ko naman na iniiwasan mo siya. I can feel na sinasadya mong sumama sa mga kaibigan mo not just because matagal na kayong hindi nagkakasama. I know you're doing that because you want to stay away from Richard. And I know you're having a hard time pretending that you're happy with it. Alam ko naman na hindi ito ang gusto mo. Knowing you, you're in love with Richard as much as he does for you. And this intramural week, it could have been an opportunity for the both of you to be together. But you're hanging out with your friends instead. You're avoiding him."
"Bryan, sana kung ano man ang nao-observe mo, sarilinin mo na lang. I don't want it to look like umaasa ako, o kami ni Richard, sa inyo ni Ate para mapabuti ang kung anumang meron kami. You see, I know that that should be our responsibility. Hindi dapat kayo madamay."
"Yes, but if we could help-"
"No, you can't," Alex snapped in. "I mean, it's between me and Richard. Whatever you do, you could not fix this."
Bryan looked at her, and in the end, conceded. "Okay, if that's what you want. But, remember that I'm always here for you. Kami ng Ate Angel mo."
Alex smiled. "I know that. And thanks, Bryan. Thank you for... for being there. For making me feel that you care. Dati, kaming dalawa lang ni Ate ang magkakampi sa mga kalokohan namin. But now, you're here."
Byran smiled. "It's a pleasure."
"And thank you for loving my ate. There could never be a better choice for her than you."
"And there could never be a better choice for me, too."
"I know," Alex said. "Kuya Bryan."
Bryan chuckled. "That sounds great. Wala pang tumawag sa akin na Kuya."
"I always wanted to have a big brother. Nakakasawa na rin kasing maki-bonding sa ate ko, lalo na minsan may topak iyan."
Lalong natawa si Bryan sa sinabi niya.
"I wanted to have a kuya who will defend me. Iyong handang makipagsuntukan para sa akin. Iyong handang magtanggol sa akin kapag sinaktan ako ng boyfriend ko. And now, you're here and you're doing just exactly that."
"Well, you can call me Kuya Bryan all you want."
"Okay, Kuya Bryan." Alex smiled. "You better go now. Para makapagpahinga ka. May laro ka pa bukas."
"Yeah... Sige, alis na ako."
"Bye."
Kumaway muna ulit si Bryan kay Angel bago sumakay sa kotse nito. Si Alex naman ay hinintay munang makaalis ang binata bago pinuntahan ang ate nito sa may porch.
"Mukhang masinsinang usapan iyon, ah," bungad ni Angel sa kanya.
"Well, he told me na kausapin daw kita kasi medyo sumasakit na daw ang ulo niya sa mga kawirduhan mo."
"Right."
Alex smiled. "I'm glad that it was Bryan de Vera who became your boyfriend. He's worthy to be my kuya."
"At iyon talaga ang qualification, huh?"
She grinned. "Of course! That's the utmost priority. Kailangan maging mabuti siyang kuya sa akin bago mo siya sagutin."
"Mabuti na lang pala at ganoon si Bryan de Vera."
She was about to say something when her phone buzzed. It was her Facebook messager notification. It says Richard has a message for her. 'Hi!' Iyon lang ang nakasulat.
"Who's that?"
Napatingin siya kay Angel. "One of my high school classmates. Meron kasing may birthday sa kanila so the rest greeted him in our group chat," pagsisinungaling niya. "Halika na, Ate."
Magkaakbay na pumasok ng malaking bahay ang magkapatid.
😕🙁☹️
Ang mga sumunod na araw ay ginugol ni Alex na kasama ang kanyang mga kaibigan. At aminado siya na dahil sa mga ito, muli'y naging masaya siya at saglit na nakalimutan kung anuman ang problemang bumabagabag sa kanya. Naging masigla ulit siya at na-enjoy niya ang mga events sa CPRU Intramural.
All out support din siya sa basketball team nina Bryan. Kahit na taga-ibang school siya ay ito pa rin ang sinusuportahan niya. Anyway, talo na naman ang basketball team nila sa unang laban pa lang nito against Blue Dolphins. Kaya kahit sinong team ang suportahan niya ay okay lang.
After every game ay hindi na siya sumasama pa sa ate niya. Iniiba na lang niya ang lakad nila ng kanyang mga kaibigan para makaiwas na sa mga taong ayaw niyang makita. Lagi kasing nakabuntot sina Richard at Kim sa Ate Angel niya at kay Bryan. Kaya siya na lang ang umiiwas sa mga ito.
Na ikinaiinis naman ng kaibigan niyang si Issay. Gusto pa rin nitong bumuntot kina Bryan dahil nga sa crush niya ito.
"Issay, huwag ka nang bumuntot pa kay Bryan de Vera. Wala ka namang aasahan doon," ani Steffi sa kaibigan na nagmumukmok pa rin. Imbes kasi na sa The Coffee Club sila tumambay kasama sina Bryan at Angel ay sa school cafeteria na lang sila nagpunta.
"Eh gusto ko lang siyang makita! Masaya na ako na makita siya, makasama, kahit na alam kong wala akong pag-asa sa kanya," ang sabi naman ni Issay.
"Eh 'di lalo ka lang masasaktan," sabi naman ni Sam.
"Kahit na!" Saka ito umatungal na parang batang nagta-tantrums. "Bakit kasi hindi na lang tayo sumama sa kanila? Nalibre pa sana tayo ni Bryan."
"At hindi ka na talaga nahiya," ani Sam.
"Come to think of it, may point si Issay," ang sabi naman ni Steffi.
Natuwa naman si Issay sa pagsang-ayon ni Steffi. "See? I told yah!"
"Isa ka pa," ang sabi naman ni Sam.
"Ililibre ko na lang kayo," seryoso namang wika ni Alex na kanina pa nananahimik.
Napatingin ang tatlo dito. Para namang walang nangyari na patuloy lang ito sa paglalaro ng lata ng Coke sa harapan nito.
"Girl, correct me if I'm wrong, ha?" ani Steffi kay Alex. "Bakit parang feeling ko, iniiwasan mo sina Ate Angel? May problema ba kayo?"
"Oo nga!" sang-ayon ni Issay dito. "Ikaw iyong laging nagyayaya ng ibang tatambayan. Kahit pa nga minsan niyayaya na nila tayo tumatanggi ka pa. Wala pa naman tayong usapan."
"Ano Girl? May problem ba kayo ni Ate Angel?" muling tanong ni Issay.
"Inaway ka ba niya?" tanong naman ni Issay. "Sabi ko na nga ba may pagka-masungit talaga iyang ate mo, eh."
"Issay!" saway naman ni Sam dito.
Mangangatwiran pa sana si Issay. "Eh kasi-"
Pero sinagot na siya ni Alex. "Wala kaming problema ni Ate... She's actually the best big sister in the world. Hindi siya ang problema."
"Eh ano nga?" tanong ni Steffi. "Sabihin mo sa amin. Malay mo matulungan ka namin."
"Oo nga," sang-ayon ni Sam. "Para ano pa't naging kaibigan mo kami, 'di ba?"
"Right!" ang sabi naman ni Issay.
Bumuntong-hininga si Alex. Siguro nga kailangan na niyang sabihin sa mga kaibigan niya ang totoo. Para naman maihinga niya kahit kaunti ang bigat na nararamdaman niya. Though nasasabihan naman niya ang Ate niya, mas maganda pa rin iyong may iba siyang mapagsasabihan. Anyway, makakasiguro naman siya na kahit anumang sabihin niya sa tatlong ito ay mananatiling sekreto iyon at tiwala siyang hindi iyon makakalabas sa kanilang apat.
"It's not Ate Angel or Bryan that I'm avoiding. It's Richard Quinto... and Kim Agustin."
As expected, nagulat ang tatlo sa sinabi niya.
❥ 𝙿𝚎𝚛𝚏𝚎𝚌𝚝 𝚐𝚞𝚢𝚜 𝚍𝚘𝚗'𝚝 𝚎𝚡𝚒𝚜𝚝, 𝚋𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎'𝚜 𝚊𝚕𝚠𝚊𝚢𝚜 𝚘𝚗𝚎 𝚐𝚞𝚢 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚒𝚜 𝚙𝚎𝚛𝚏𝚎𝚌𝚝 𝚏𝚘𝚛 𝚢𝚘𝚞. - Aɴᴏɴʏᴍᴏᴜs ❣︎