Alam ni Alex na hindi palalampasin ng mga kaibigan niya ang rebelasyong kanyang ibinunyag tungkol sa pag-iwas niya kay Richard Quinto. Oh well, maybe it's really time for her to tell her friends about what transpired between her and that boy named Richard Quinto, and why she is doing everything she can to avoid him, including that girl named Kim Agustin.
"Richard Quinto?" tanong ni Steffi. "As in, the Richard Quinto?"
Tumango siya. "Yup. None other than him."
"Bakit naman?" tanong ni Sam.
Issay gasped. "Don't tell me you... you have a crush on him!" Para itong naka-discover ng isang kagila-gilalas na katotohanan.
"O.A.," komento naman ni Steffi sa reaksiyon ni Issay.
"You once told us that you're attracted to him, remember?" tanong naman ni Sam kay Alex. "Is that it?"
Tumango siya. "I lied. I'm sorry. Hindi totoong walang nangyari doon sa encounter namin noong first day. Ang totoo niyan, we... How can I say this? We hang out together. Niligawan niya ako, at least that's what I know. Ewan ko lang sa kanya kung hindi ganoon ang tingin niya."
"Bakit mo naman nasabi iyon?" tanong ni Steffi sa kanya.
"Kim Agustin," Alex answered. "I'm sure you know what I'm talking about."
"Iyon nga ang kumakalat na balita, eh. Sila daw ni Kim ang nagliligawan. Iyong iba nga ang sabi sila na daw," ang sabi naman ni Issay.
"Is that the reason why you avoid him?" tanong ni Sam sa kanya. "Para ngang hindi mo siya kakilala. I mean, iyong parang kakilala mo lang siya by name at hindi kayo close o naging close man lang."
"Is that because he dumped you?" tanong naman ni Issay. "Oh no! That jerk! He has the guts to dump Alex Martinez? The Alex Martinez?"
"Pwede ba, Issay?" napapakamot na saway ni Steffi sa kaibigan. "Tigilan mo muna ang ka-OA-an mo. It's not helping."
"I'm just sympathetic to our friend here," ang sabi naman ni Issay.
"Pwede ka namang makisimpatya ng hindi nagiging-OA," ani Steffi.
"Pwede ba? Tumigil na nga kayong dalawa?" saway ni Sam sa mga kaibigan. "Si Alex muna ang asikasuhin natin."
"Oo nga pala," ani Issay. "So, he really dumped you?"
Umiling si Alex. "I don't know. Siya ang nanliligaw sa akin, eh."
"Pero siya rin ang unang umayaw. Tama ba iyon?" tanong ni Steffi.
"Basta bigla na lang naging close sila ni Kim. I just realized one day that they're getting closer and closer," sagot niya.
"Then, he really dumped you," ani Issay.
"Issay..." Steffi gave her a stern look.
"Tama naman, 'di ba? Kung sino ang unang umayaw, siya ang nagtapos sa kung anumang meron sila. Iyong naiwan, iyon ang na-dump," paliwanag ni Issay.
Alex smiled bitterly. "Issay has a point."
"Let's not put it that way," ang sabi naman ni Sam. "Maybe, hindi lang talaga worthy si Richard. Kasi I believe that if a guy is worthy of your love, he will be willing to wait for you even if it takes forever."
"I agree with that," ang sabi naman ni Steffi. "If he really likes you then kahit pahirapan mo pa siya matitiis niya iyon para sa iyo."
"But that's not the case with him so I guess..." Hindi na natapos pa ni Alex ang sasabihin. Masyado na kasing masakit para sa kanya ang realisasyong iyon. Naiiyak na nga siya. Pinipigilan lang niya dahil nakakahiya sa mga taong kasama nila sa cafeteria.
"Oh Alex..." Sam held her hand. "We didn't know na meron ka na palang dinaramdam na ganyan."
"Oo nga, Girl," ang sabi naman ni Steffi. "Sorry ha? Hindi namin napansin."
"Wala kayong kasalanan. Ako ang hindi nagsabi kaya wala kayong alam."
"'Wag na nga nating sisihin ang mga sarili natin," ang sabi naman ni Issay. "What's important is that we know what you're going through and that whatever happens, we will always be here for you."
"Wow! For the first time today, may sense ang sinabi mo," ani Steffi kay Issay.
"Of course! At dahil diyan, may naisip ako. Why don't we have a slumber party?" excited na tanong ni Issay. "Just like what we used to do."
"I can't believe that I'll like your idea," ani Steffi.
"Yeah, slumber party," sang-ayon naman ni Sam. "Para naman maikwento mo pa sa amin iyong mga nangyari. Para tuluyan ka nang ma-ease sa burden ng problema mo."
"We can drink wine," ang sabi naman ni Issay.
"Issay, gusto mo bang mapalo ka ng parents ni Alex? Tsaka iyong mga magulang namin ni Sam," ani Steffi.
"Joke lang," ani Issay. "Pero, tuloy na iyon, ha? Iyong slumber party. We can do it in our house."
"O kaya kina Alex na lang," ang sabi naman ni Sam. "Tutal sa kanila naman tayo laging nagsa-slumber party."
"Kasi ayaw siyang payagan ng parents niyang makitulog sa iba," natatawang wika ni Steffi.
Napangiti si Alex. "Pasensiya na kayo, ha?"
"Okay lang iyon," ang sabi naman ni Issay. "Okay nga iyon kasi ang sasarap ng pinapakain ng mommy mo sa amin kapag nandoon kami. Kaya lang, kung sa inyo, baka malaman nila ang tungkol sa pagchi-chismisan natin."
"Sa loob naman tayo ng room ni Alex. Malayo naman iyon sa master bedroom," ang sabi naman ni Steffi.
"Eh iyong ate niya?" ani Issay. Tsaka siya humarap kay Alex. "'Di ba magkatabi ang mga rooms ninyo? Adjacent pa sa bathroom, 'di ba?"
"Truth is, Ate knows everything. Kaya wala kayong dapat na ipag-alala sa kanya. Pwede pa nga natin siyang isama kung gusto ninyo."
"Sige, isama natin siya," sang-ayon ni Issay na ikinagulat ng lahat.
"Sigurado ka?" tanong ni Steffi dito.
"Oo, para ipakita niya sa atin iyong mga behind the scenes pictures ng mga athletes!" kinikilig na sagot ni Issay.
"Hay!" sabay na bulalas nina Sam at Steffi.
Napangiti si Alex. Para siyang nakahinga ng maluwag ngayong nasabi na niya sa mga kaibigan ang lahat. She felt better at nawala na rin iyong me-against-the-world feeling na ilang araw na ring namamayani sa kanyang kalooban.
🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻
Nagawa ngang iwasan ni Alex si Richard ng buong linggo. Na-enjoy niya ang buong Intramural week kasama ang kanyang mga kaibigan. At kahit nakita ulit niya sina Richard at Kim sa finals ng basketball game, kung saan ang team nina Bryan ang isa sa maglalaro, ay carry pa rin dahil sa pagchi-cheer nila ng mga friends niya nakatuon ang pansin niya. They did everything para maiparamdam ang suporta kina Bryan na hindi naman nabigo dahil ang mga ito ang nanalo sa game nila.
Pagkatapos ng game nina Bryan ay sinimulan na ang closing program at awarding of winners. Overall champion for tertiary level ang Green Tigers, na siyang grand slam winner dahil five years nang overall winner ang mga ito sa intramural. Sa basketball nga lang sila nangungulelat dati, na nagtapos na kanina. Bukod kasi kay Bryan ay marami pang nadagdag na magagaling sa basketball team ng BS. Kaya lalong lumakas ang Green Tigers at lalong lumaki ang lamang nila sa ibang mga grupo.
At doon na nga nagtapos ang CPRU Intramural para sa taong ito. Pero si Alex at ang kanyang mga kaibigan, hindi pa tapos ang pagba-bonding. Dahil pagkatapos ng intramurals ay ang slumber party naman sa bahay ng mga Martinez.
❥ 𝙷𝚊𝚛𝚍 𝚝𝚒𝚖𝚎𝚜 𝚠𝚒𝚕𝚕 𝚊𝚕𝚠𝚊𝚢𝚜 𝚛𝚎𝚟𝚎𝚊𝚕 𝚝𝚛𝚞𝚎 𝚏𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜. ❣︎