webnovel

Midnight Latte (Tagalog/English)

A coffee lover girl bound her life with her self made rules to weasel out from repeating same mistakes from the past-- falling in love so easily. But found her heart being caged by these rules, in such, brought herself in a turmoil.

Xapkiel · 现代言情
分數不夠
89 Chs

Walang Kami

"Ano ba ko sayo, Cody? Hindi na kita naiintindihan."

Humapdi na ang mga mata ko while my gaze lowered to the floor.

"Para kasing...hindi... hindi ka na yung Cody na kilala ko."

I bit my lower lip. I said it. But bakit ang sakit sakit sa dibdib. Am I doing wrong? Mali ba na pagsabihan ko siya na ganto?

"Para kasing..." I cut saka ako tumingin sa kanya then continued... "...hindi na kita kilala. And it was really hard for me to accept agad na ganyan ka na o sadyang hindi ko lang alam na ganyan ka talaga."

Parang mawawalan na ng lakas ang binti ko. Lahat ng mga joints ko almost nagkikiskisan na sa panginginig.

Gusto ko ng huminto sa pagsasalita at baka mas lalo ko pa siyang masaktan but at some point inside my head says -

I want to be his true friend. Gusto kong itama kung ano ba ang mali na niyang nagagawa even it will cost me break one of my Coffee Rule.

Rule #9 Magsalamin ka muna, Bago ka manghusga.

"Ba't parang lumalabas na hindi mo ako kilala? Ang sakit naman nun Bea." Cody said while he gazed at me na parang maiiyak.

"Four years tayong naging mag bestfriends nung high school tapos... tapos isumsumbat mo sakin yan? Ang sakit. Ang sakit naman nun Bea. Para lang ba akong bestfriend mong stuff toy na walang buhay kaya wala kang maalala na personality ko? Yung... yung laruan na dinamayan ka nung nag-iisa ka tapos nung nakabangon ka na hindi mo ako kilala kasi laruan lang ako. Ganun lang ba ako sayo?"

Namula ang maputing pisngi ni Cody. He was on the verge of crying.

DROP!

Hindi napigilan ng luha ko na tumulo. Ang sakit eh. Ako ba ang may mali? Ako ba ang talaga ang hindi siya kilala?

"Anong pinagsasabi mo, hindi kita maintindihan." Dagli ko sabi as I rubbed my face.

"Hindi ka naman ganyan dati eh."

Dahan-dahang napakurap si Cody while looking at me saka siya napayuko and napatakip ng mukha.

"Hindi mo nga talaga ako kilala. Ba't pa ako naging bestfriend mo. Parang nasayang lang yung four years na yun." He said as pilit siyang nagsmile but his eyes were crying.

Kumirot ng husto ang dibdib ko. My tears flowed out. Yan ba talaga ang issue namin?

"Ang harsh naman ng sinabi mo." Napasinghot ako. "Matapos kitang ituring na true, best and real friend, ganyang ganyan nalang sasabihin mo sakin? Is it that easy for you na sambitin yun sakin?"

"Ganun ka rin naman ah. Is it that easy for you na itanong yun sakin?" He quickly asked.

"Hindi, Cody! Hindi. Ilang ulit ko yun pinag-isipan. Ilang ulit kong itinanong sa sarili ko kung tama bang sabihin ko yun sayo. Sinasabi ko sayo that it was hard for me to accept na ganyan ka na ngayon but... bilang... bilang bestfriend mo... as your true friend gusto kitang itama."

"Then ganyan din ang nararamdaman ko... nasa sinabi mo na ang sagot sa tinanong mo sakin." He let out a huge breath.

"Nasa sagot mo na... Dahil sa nagi kitang true friend, I wanted to protect you the way you feel na gusto mo akong itama."

"..." My head just went blank. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya. I just felt my tear flowing down on my cheeks.

Nakatingin lang sakin sina Miss Rose and Arvin na para bang napuzzled sa mga sumbatan naming dalawa.

May dumaang anghel. Yung sound nalang ng distant voices mula sa lobby ang naririnig ko. And napansin ko rin na umiiwas na ang mga taong dadaan sana sa hallway. Parang ang tindi kasi ng atmosphere namin. Hebi!

Wala na akong masabi. Hinintay ko na lang si Cody na magsalita ulit.

Dahil dun mas sumikip ang dibdib ko. Habang tumatagal lalo na akong naiinis sa kanya. Bakit ba siya ganyan?! Hindi naman siya ganyan dati eh!

I felt crying because I don't want na masira ang friendship naming dalawa. Ayokong pati siya magalit sakin tulad nalang ni Alicia. Lahat ba talagang close ko mawawala?

Because of this napaisip na tuloy ako if yung mga sinabi ni Alicia'y totoo. Ako nga ba talaga ang nagbago?

Napasinghot bigla si Cody while rubbed his face.

"I am just concern about you Bea. Hindi mo ba talaga kayang intindihun yun?"

"Number 13." Ikling sabi ko as I slowly gazed straight into his eyes.

"What? Ano-"

"Rule number 13..." I cut.

Coffee Rule #13: Too. Good intentions at wrong time could destroy everything.

Saka ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam kong.. naintindihan mo ang ibig kong sabihin."

"B-bea... ako? Ako ba talaga ang sinisisi mo?"

"Ahem!"

On the amidst of his talking biglang nagclear ng throat si Arvin. We didn't mind him.

"Did I make you feel na sinisisi kita?"

"..." Hindi siya nakaimik.

"To tell you the truth... hindi ako natuwa... I felt really unhappy how you feel na concern about me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko why I felt that way. I... I always thought that... that you're my bestfriend kaya nagagawa mo yun. I always kept on believing na... super close tayo kaya comfortable na comfortable ka sa mga ginagawa mo. But..."

I clasped my shivering hands...

"...but... I always ended up asking myself... 'Bakit mo yun ginawa? Kelangan ba talagang gawin yun, Cody? Ano...Ano ba talaga ako sayo?' "

I sighed as I tried really hard para hindi na bumuhos ang luha saka nag patuloy sa pagsasalita...

"Is it that Good Intention really from a bestfriend lang?"

"..." Napayuko nalang si Cody.

I bit my lower lip ng biglang humapdi na naman ang mga mata ko. I suddenly smiled while feeling the pain on my chest.

"Hehe. Para tayong gulong dito eh. Paikot-ikot nalang. Walang tayong ginagawa. Tapos hinihintay nalang natin na hindi tayo umikot saka tuluyang bumagsak. Pwede naman kasing ihinto saka i-kept na nakatayo."

My tears fell. I have nothing more to say but only one thing.

"I am very sorry. Yun lang naman sana ang gusto kong sabihin. I did not expect na mas humaba ang usapan."

I smiled on Cody. But my heart was aching. I simply cannot understand him. O sadya ba talagang ayaw ko lang siyang intindihin because takot akong malaman ang totoo?

"And thank you for being there with me." I finished.

I mustered all my strength sa binti saka ako nagsimula maglakad paalis ng hallway. I quickly rubbed my face para iwas chismis sa balcony nang westwing. I originally planned to go to Hiro and the others but I changed my mind. Gusto ko muna mag-isa. To contemplate. To reflect.

"Bea-" Cody cut nang tatawagin niya sana ako but inakbayan agad siya ni Arvin.

"I think, this is enough for now. Parang mas lalong lalala 'to if we don't stop this." Sabi ni Arvin as he patted ang balikat ni Cody several times.

"Let's talk about this later, okay?" He added.

He quickly shifted his gaze kay Miss Rose na sarap na sarap na sa pagkakaupo sa sahig on a point na hindi mo maiisip na napakayamang tao niya.

"And Rose, don't think about yung mga nasabi sayo ni Cody. May dalaw lang kasi ata to. Mainitin ang ulo." Then a hoarse laugh came na parang walang nangyaring sagutan kanina.

"Then. If you'll excuse us." He said as he dragged Cody papaalis.

Well after that hindi ko na alam. I just cleared my thought. Tried. But hindi ko maalis sa isip ko ang lahat na sinabi sakin ni Cody.

And I eventually ended up again sa

'Ano ba ako sa kanya? Ba't niya yun ginawa. That was far beyond on being a best friend.'

Then my head repeatedly reasoned out.

'WALA NAMANG KAMI.'