28 What Am I to You?

Mas kumunot ang noo ko.

'Kanina Kuya, ngayon Arvin nalang. Ang gulo. Tapos CCTV?'

Napatingin agad ako sa taas dahil sa sinabi ni Cody.

'May CCTV ba dito?'

"It was really clear kung ano ang pakay niya Arvin. Galit siya kay Bea and kung nakita mo lang sana kung pano niya ginawang alila ang girlfriend ko, e di s-"

'Girlfriend?' Napakunot ang isa kong mata dahil sa narinig ko. Paulit-ulit. Paulit-paulit lang.

"You are getting on the bottom of the issues?" Arvin's voice cracked created an aura na parang avalanche kung makasampal sa mukha ko. Ang lamig!

"..." Napakunot lang ng noo si Cody habang nakatitig kay Arvin.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganto. Your actions were so irrational, Cody. Did you even think about yung sinabi ko kaninang umaga?" Arvin's eyes widened as he glared at Cody. He was really scary. His coldness brought a cryogenic freezes sa katawan ko. Indeed siya ang king ng coldness.

"But-"

"Kung hindi mo aayusin ang mga decisions mo, hindi ako magdadalawang-isip na ipaghiwalay kayo ni Bea!"

'Huh?'

Nagblank ang utak ko sa sinabi niya.

'Did I heard it correctly? Paghihiwalayin kami ni Arvin? Pft!'

I don't know but even though sobra na ang inis ko kay Cody, I can't help but to burst with laughter sa isip ko.

Yung seryosung-seryoso and paniwalang-paniwala silang lahat sa trip trip na relationship para umabot sa punto na parang telenovela na ang mga linyahan. But I actually approved sa sinabi ni Arvin. Hindi na ako magtatapat kay Cody plus matatapos na rin ang fake relationship na 'to. Oh di ba. Aprub!!!

"Vinvin!"

Nagulat kaming dalawa ni Miss Rose ng nagtaas ng boses si Cody. He exuded scorching heat. Kunti nalang malalapnos na ang skin ko dahil sa init ng galit ni Cody.

Kinabahan ako bigla sa ikinilos niya.

'Ba't siya nagalit? Alam niya naman na trip lang ang relationship namin eh?! Pwera na lang kung inlove na siya sa akin. Char! Hindi po ako assuming!

Ay! Naiinis pala ako sa kanya. Nakalimutan ko. Gosh! Kakabuysit si Cody ah.'

"If you want to solve the incident kila Kale, wag mong idawit ang emotions mo pertaining kay Bea. Magkaibang-magkaibang issue yet you let yourself be consume of your own stupidity."

Bigla akong naoverwhelm sa mga sinabi ni Arvin. Gosh! Habang tumatagal lalo kung nagugustuhan si Arvin. I mean, yung ugali niya. Don't misunderstand. Sila ni Maam Rose. Wag kayo.

But bigla akong napablink as I came into realization.

'Kale? Incident kila Kale? Don't tell me, ang issue na sinasabi nila ay yung kanina sa elevator? Then....'

Napatingin ako kay Miss Rose na stress na stress na ang mukha.

'Bakit nadawit si Miss Rose sa incident? Siya ba ang may kasalanan?'

"..." Mas lalong humigpit ang pagtikom ni Cody sa kanyang kamao. He was reaching his limit. Habang ako naman nakatitig lang sa kanya. Hindi ko kasi lubos maisip na he can actually make this face. Nung una kala ko same sila ni Kale, but Kale is far more a meh person kumpara sa kanya.

Napabuntong hininga nalang si Arvin.

"Do you even realize kung bakit ambilis mong mapaniwala ang sarili mo na si Mary Rose yung nasa footage?" Humakbang siya papalapit kay Cody habang kinalma niya ang tono ng kanyang pagsasalita.

"..." Walang imik si Cody as he just clenching his teeth saka nakayuko.

Miss Rose staring Arvin, put her hands on the wall saka dahan-dahang umupo. Naks! Para siyang nagwalling. Ang dramatic. Gosh! Seriously, mula nung dumating si Arvin I can't help myself na maging kwela.

'Naiinis ako kay Cody. Naiinis ako kay Cody!' I thought as I pinched myself.

Arvin made a long sigh saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"It's because of this." Kalmado't dahan-dahang itinusok ni Arvin ang kanyang hintuturo sa left side ng dibdib ni Cody. Nakapoint on Cody's heart.

Napatingin kami lahat kay Arvin dahil sa ginawa niya.

POOF!!

Biglang sumabog ang ulo ko because of what I heard. Nahalata ko rin na parang matatawa si Mary Rose dahil sa ginawa ni Arvin.

Ang badoy!!!! My Gosh!!! Hindi ko yun expected ah! Ambadoy talaga. Nakicringe ako as long as I heard his cold and serious voice echoed with those words kanina. Dagdag pa yung awkward na action niya.

"Tsk!" Cody forcefully shove off Arvin's hand.

"I don't really know kung bakit pagdating kay Bea, you're always negative towards me. Kung iisipin yung mga sinabi mo sakin, lahat para sayo yun eh. You're really carried by your emotions dahil sa hindi mo kayang ihandle ang girlfriend ko." Cody leaned his face closer kay Arvin habang nakaglare.

Napachuckle bigla si Arvin as he let out another sigh saka tumingin kay Cody.

'Again.'

Sumakit bigla ang ulo ko. Nakakairita na talaga. Promise. Paulit-ulit. Kelangan niya ba talaga i-point out yung word na GF!

"You cannot control her the way you control us, nila Roschelle." Cody said as he curved the corner of his lips up.

Creases on my forehead was stretched flat nang marinig ko ang sinabi ni Cody. Nashock ako sa sinabi niya. I think that was far beyond the topic already. But medyo tama naman ang sinabi ni Cody. Napansin ko rin. Parang gusto niya laging controlin yung mga tao around sa kanya. Lalo na si Maam Rose. But I always threw away that thought because considerate namin kasi siya pagminsan. Char! Hindi ko po siya pinagtatanggol. I am just stating my opinion.

Bigla kumunot ang noo ni Arvin ngunit di siya umimik.

"Halata naman na hindi mo pa rin nakakalimutan how she shove you down sa pavement dun sa BGC."

"You-"

"Cody!"

Bigla nalang bumukas ang bibig ko as a sudden anger surged inside me. My hand shivered. And my lips quivered. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang hinahabol ko na ang paghinga ko. I don't want to be mad at Cody but I cannot help it. Naiinis na talaga kasi ako!!

Napatingin sila sakin.

"C-cody. I-I think that's already beyond the line." I stuttered habang nangingig ang mga daliri ko.

"B-bea? Ba't sakin ka nagagalit. Eh tama naman ang sinabi ko."

"Kahit na. Kelangan mo ba talagang ipamukha sa kanya ang ginawa ko? Para ano? Para masabi na tama ka?"

Napatingin bigla si Arvin kay Cody na parang nabigla sa nasabi ko.

Bumilis ang pagbreathe ko as I clasped my arm saka nakatitig lang kay Cody habang kunot na kunot ang mukha niya.

"..." Nawala bigla ang kunot sa mukha ni Cody saka siya dahan-dahang napayuko.

Long silence.

No one even dared to speak. Pero ang hinihintay ko talagang sumagot ay si Cody. Uminit talaga masyado ang pisngi ko. Habang ang labi ko na may gumagalaw ng kusa na para bang ini-epilepsy. I am not really used to talking ng ganto.

"Bea. Parang ang sakit naman ata ng sinabi mo." Sabi ni Cody in a very soft voice habang hindi iniaalis ang tingin sa sahig.

Gosh. Nakonsensya ako bigla. Hindi ko alam, parang sumobra na kasi ang sinabi niya.

"W-well...I'm sorry kung masakit ang nasabi ko but para kasing mali na eh. It is just out of the issue na. Ang dami ng nadamay. Tapos parang mas... sumasakit na ang sinasabi mo." Malumanay kong sabi sa kanya.

"That's because I was protecting you!"

My eyes went wide, hindi dahil sa meaning ng sinabi niya but because biglang tumaas ang boses niya.

'Are you still the Cody I know? O sadyang mali lang talaga pagkakakilala ko sayo?' I thought.

Mas uminit ang pisngi ko and I felt a pinching feeling sa dibdib ko.

"What am I to you?"

Nanginginig ang buo kong labi habang pilit kong tinanong si Cody with a shaky voice.

Upang di ako totally malamon ng nerbyos, I held my chest saka nilaliman ang paghinga while staring at Cody's eyes. Hindi ko binitawan ang tingin niya sakin then dun ako nagchin-up para mas mukha akong galit although nanginginig na ako.

Inhale. Exhale.

"Ano ba ako sayo?!" Dugtong ko as I bit my lower lip. Humapdi bigla ang mga mata ko and because of that hindi ko na napagilang yumuko as I shut my eyes.

Exhale.

Hindi siya umimik.

Biglang uminit ang pisngi ko, not because, kinikilig ako but because naiinis ako.

"Why do you need to protect me? Kanino mo ba ako kailangan protektahan? Kay Arvin?! Ha?! Kanino? Kay Miss rose?!"

Shaky na masyado ang boses ko na para bang maiiyak na ako. My hands kept on shivering. Hindi na rin mapakali ang mata as I kept on blinking. I am sure parang namumula na ang mata ko.

"Why can't you be grateful na ipinagtanggol kita kay Miss Rose?" Cody said.

Napapikit na lang ako bigla saka ko tinakpan ng kamay ko ang mata and napatingin nalang sa taas.

Agad kong ibinaling ang tingin kay Cody.

"Cody. Bakit ano ba ang ginawa niya?"

"Bea. Gusto mo bang alilain ka lang niya ng ga-"

"Hindi niya ako inaalila. And wala siyang ginawa para masaktan niya ako. She was just passing by saka saktong may pinunas lang ako sa sahig! Masyado ka na kasing napaparanoid."

"..."

"..."

Napatingin sakin si Mary Rose. Hindi ko na siya tiningnan kasi nahihiya na ako. Dahil sakin napagbintangan siya.

Napalunok ako as I took a huge breath. I mustered all of my lakas ng loob para mapranka na si Cody.

"Cody. Kelangan ba? Is it really needed na gawin mo yun. If yes, then bakit?" I gulped yung namuong laway sa lalamunan ko then continued...

"Ano ba ko sayo?"

avataravatar
Next chapter