webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · 现代言情
分數不夠
388 Chs

Gold Digger

Pagkatapos naming kumain ako na ang nagkusang magligpit ng kinainan naming dalawa at si Martin na nagpunas ng lamesa. Pero bago pa siya matapos tumunog yung cellphone niya at mukang business related kaya agad siyang pumasok sa opisina niya. Hinayaan ko lng siya at tinapos ko yung pagliligpit.

Tapos na ko pero wala parin si Martin marahil urgent yung pinag uusapan nila. Naisip ko munang lumabas para magpahangin. Agad akong naupo sa may pavilion na malapit sa garder.

Pinagmamasdan ko yung mga bituin sa langit at paminsan minsan sumisipol ako para tumawag ng hangin yun kasi ang sabi ng lola ko at feeling ko talaga effective yun kasi every time na ginagawa ko yun umiihip yung hangin sa muka ko. Napaka tahimik kaya di ko maiwasang pumikit para kahit papano ma relax yung utak ko.

Maya-maya naramdaman ko may kamay na pumulupot sa baywang ko at alam ko si Martin yun base sa amoy niya. Agad kong

isinandal yung ulo ko sa balikat niya at mabilis naman niyang ipinatong yung ulo niya sa ulo ko.

"Naisip ko yung sinabi mo kanina, Tama ka nga halos isang buwan palang tayong magkakilala tapos ngayon araw meron na tayong bagay na di pinag kakaunawaan.

Michelle mahirap ba akong ipakilala bilang boyfriend mo?"

Sabi niya sa akin habang hinawakan yung kanang kamay ko ng kaliwang palad niya.

"Martin di naman yun sa ganun pero ayaw ko lang kasi magkaroon ng conflict sa trabaho. Alam ng lahat ng tao sa office namin na you are one of our big client at ayaw kong isipin nila na kaya ako ang naghahandle ng account ng company niyo dahil girlfriend mo ko."

"But it is your previlage bilang girlfriend ko at saka magling ka naman talaga and very efficient pag dating sa trabaho. Kaya bakit nila yun iisipin."

"Di lahat ng tao parehas ng iniisip mo Martin minsan iisipin nila na kaya ko yun natatanggap dahil ginagamit ko yung posisyon bilang girlfriend mo na every time pupunta ka sa office for business ang iisipin nila ay gusto mo lang akong makita. At sa tuwing pupunta ako sa site niyo or office ang iisipin nila makikipag date lang ako sayo. Yun yung mga senario na iniiwasan ko kaya kung maari lang let our relationship discreet. Take note ha, discreet hindi secret na if ever malaman nila ng di inaasahan then so be it."

Mahaba kong paliwanag sa kanya para maintindihan niya yung point ko. Ayaw ko rin kasing mahalo yung relasyon namin sa trabaho. Kaya kung maari lang na isekreto or low profile lang mas okey pero alam ko naman na di maiiwasan gaya ng nangyari kanina. Naputol yung pag iisip ko ng magsalita si Martin.

"Akala ko kasi ikinahihiya mo ko!"

"Ikaw ikinahihiya ko? No way... sa guapo mong yan sa tangkad at ganda ng katawan. Higit sa lahat itong propesties mo na ito sama mo na lahat ng asset at pera mo sa bangko sinong tangang babae ang ikakahiya ka? Sino?"

Napa dramatic ng pagkakasabi ko nung mga lines na yun. Inilayo ko pa yung sarili ko sa kanya na parang nagulat sa sinabi niya. Hinawakan ko pa yung muka at katawan niya para malaman niyang na aapreciate ko yung mga yun at lalo na yung kayamanan niya na namimilog yung mga mata ko habang binabanggit.

"Mukang di mo nga ako ikinahihiya lalong lalo na yung dahil sa kayaman ko."

"Hala di yun dahil dun wag kang nagbibintang!"

Maarte kong sagot na akala mo nagtatampo ako sinadya ko pang mag pouty lips at cross hands sa dibdib ko para malaman niya na nagtatampo ako sa bintang niya.

"Anong hindi dun eh nakita ko nga nagliwanag yung mata mo nung banggitin mo yung mga kayamanan ko. Parang nakita ko nga yung peso sign sa mata mo!"

Seryosong bintang ni Martin sa akin.

"Hala grabe yung mga mata na ito bakit nagpapakita ng peso sign samantalang dollar ang nasa isip ko kasi mas malaki ang value nun!"

Sinasabi ko yun habang takip takip ng mga kamay ko yung dalawa kong mata na parang nagsisi ako na peso sign ang lumabas dun.

"GOLD DIGGER!"

"Ano ka wala ka pa ngang transfer sa akin ibinalik ko pa nga sayo yung fifty thousand mo kasi masyadong maliit kurot lang yun sa pera mo. Kaya wala ka pang ebidensya na gold digger ako. Kaya wag kang magbintang!"

"Tara mag sex tayo bibigyan kita ng half ng asset ko! Bilis!"

Sabay yakap sa akin at akma akong hahalikan. Agad kong tinabig yung muka niya.

"Eww... kadiri ka susumbong kita sa Papa't Mama ko.... manyak!"

"Haha...haha...!"

Ang lakas ng tawa ni Martin at halatang naligayahan sa sinabi ko. Kaya tumawa na rin ako at niyakap ko siya. Isinubsob ko yung muka ko sa dibdib niya samanlang hinahaplos haplos naman niya yung buhok ko. Alam ko naiintindihan na niya yung point ko. Sympre naiintindihan ko din siya normal sa isang lalaki ang mag selos kaya di ko siya pweding pagbawalan dun.

"Michelle bakit dinagdagan mo yung bigay ko sayong bulaklak ng galing sa manliligaw mo?"

"Yun... para ipakita ko sa kanila na naapreciate ko yung effort nila saka yung ibang nagbigay sa akin may mga position sa company kaya di ko rin pwedi ioffend. Saka nakita mo yung sayo kahit isa di ko binawasan yun ng bulaklak kahit dahon kanila tag iisa lang kinuha ko. Nakita mo difference mo sa kanila?"

"Alam ko na!"

Maikli niyang sagot sabay halik sa labi ko na agad ko namang tinugon. Humawak pa ko sa batok niya para sure na di kami magkakahiwalay. Naging mahaba ang eksena namin yun at ang ending maga namaman ang labi ko.

Kanina ko pa kinakakapa baka sakaling umimpis bago kami makarating sa bahay. Pero mukang malabo bakit kasi kailangang kagatin di pweding humalik lang ng simple pagmamaktol ko. Ngayon kasi nasa sasakyan na kami pauwi sa amin. Malamang hinihintay pa ako nito ni Mama. Panalangin ko na lang sana di niya mapansin kundi mahahampas nanaman ako nito ng walis. Samantalang yung may sala ang ganda ng ngiti habang nag drive na parang walang pake sa inaalala ko.

"Hays! Ang kawawa kong labi!"

Nasabi ko sa sarili ko sabay tingin sa labas ng bintana. Naiinis ako kay Martin di ko naman pweding awayin uli kasi nga kababati lang namin at nung sinita ko ang sagot ba naman iniimplement niya lang daw yung rights ng boyfriend.