webnovel

Maybe This Time Love Can Win (Tagalog)

Meet the love story of Michelle her circumstances and challenges to meet the love of her life. Do family, work, and pride can be a hindrance to a happy ending. Can love can counter all? Can love win between pride? Can love forgive to start all over again? As they can say Maybe this time love can win. Follow her to unpredictable love life that knocks on her door in an unexpected way.

pumirang · Urban
Not enough ratings
388 Chs

Are you cheating on me?

Makalipas ng ilang minuto di ko na natiis yung at nagsalita na ko pano grabe yung pagkakahawak ni Martin sa manibela parang gusto na niyang baliin.

"Galit ka?"

"Hindi!"

"Eh... bakit ganyan muka mo?"

"Ano ba yung muka ko?"

"Ang pangit!"

Diretso kong sagot habang naka tingin ako sa muka niya.

"Ikaw palang ang unang taong nagsabi sa aking pangit ako!"

"Kasi ako palang nakakita sa itsura mo ngyon. Tingnan mo sa salamin!"

Mabilis kong itinapat sa muka niya yung front mirror para makita niya yung itsura niyang naka kunot ang noo na halos di maipinta. Nakita kong tumingin din siya sa salamin maya maya bigla niyang itinabi yung sasakyan sa gilid ng kalsada at tuluyan ng huminto para komprontahin na ko.

"Talagang pangit ako?"

Tanong niya sa akin habang humarap sa akin para maka usap niya ko ng maayos

"Sobra!"

Exagge kong sagot, tapos nilakihan ko pa yung mga mata ko para talagang convincing yung pag e-exaggerate ko.

"Kaya dun ka na sa lalaking iyon magpapahatid kasi sa tingin mo mas guapo siya sa akin. Ganun ba Michelle?"

Galit niyang sabi sa akin.

"So yan yung kinagagalit mo?"

Balik kong tanong sa kanya habang sumandal ako sa upuan ng kotse niya.

"Hays!"

Buntong hininga ni Martin. Pinaandar niya na uli yung kotse at nagsimula ng mag drive papunta sa lugar niya feeling niya kasi di siya mananalo sa akin regarding sa argument namin dalawa.

"Di naman ako magpapahatid kay Alvin, kasi kahit magpumilit siya di parin ako papayag kasi taga Cavite pa yun tapos Bulacan ako kawawa naman yung tao."

"So kung malapit siya sa bahay niyo papayag kang hatid ka niya?"

Iretableng tanong ni Martin. Dahil dun lalo ko pa siyang inasar. Nakaka tawa kasi yung reaksyon niya alam mo na galit na galit na siya sa akin pero di niya ko magawang sigawan or kumprontahin man lang. Kinikimkim niya lang yung sa loob niya kaya lalo ko siyang inaasar tinitingnan ko kung gaano kahaba yung patience niya.

"Oo naman! May taga bitbit ka ng dala mo plus libre pa pamasahe mo tapos may ka kwentuhan ka pa! Di mo ba yun gugustuhin?"

"Bakit ako pag hinahatid kita di ko ba binibitbit yung dala mo? Sinisingil ba kita ng pamasahe? Di ba kita kina kausap?"

Sagot ni Martin sakin habang pinipigil niya yung galit niya pero namumuti na yung kamao niya sa sobra grip niya sa manibela at lalong kumunot ang noo niya.

"Kapag si Alvin nag hatid sa akin di niya ko hinahalikan kaya di namamaga yung labi ko."

Pag-iinarte ko.

"Michelle!"

Sigaw ni Martin sa akin.

"Bakit ka na ninigaw? Galit ka ba?"

"Di ako galit! Pero baka nakaka limutan mong karapatan kong halikan ka kasi girlfriend kita!"

"So right mo na ngayon ang pag uusapan natin bilang boyfriend?"

Di na siya sumagot at tuluyan na lang bumaba ng kotse niya. Di ako sumunod at nanatili lang akong naka upo sa sasakyan. Maya-maya bumukas yung pinto sa tabi ko binuksan iyon ni Martin.

"Bakit di ka pa bumaba?"

Mahinahon na niyang tanong sa akin. Medyo kalmado na siya marahil naka pag isip na. Kaya muli akong nag inarte.

"Eh galit ka! Mamaya kung anong gawin mo sa akin kaya dito lang ako. Di ako baba!"

Pagmamatigas ko habang naka cross yung mga kamay ko sa dibdib ko.

Tinangal ni Martin yung seat belt ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Galit talaga ako! Galit na galit! Ang lakas ng loob ng lalaking yun na ihatid yung girlfriend ko buti talaga naka pag timpi ako kundi babasagin ko talaga yung muka niya!"

"Grabe ka naman! Mabait yun si Alvin saka di naman niya alam kaya wag kang violente."

"Pinag tatanggol mo pa! Dapat kasi sinabi mo sa kanya para di na siya umaasa."

"Eh ano hayaan ko lang magbugbugan kayo? Di ba nga dapat sasabihin ko na kaya lang di ba sumagot ka at di mo ko pinatapos?"

"Tama na nga yang Alvin...Alvin mo lalo akong naiinis! Tara na, akyat na tayo sa taas para maka kain at anong oras na."

Sabay buhat sa akin pababa ng sasakyan. Na maibaba niya ko agad niyang kinuha yung bag ko sa likod.

"Yung bulaklak na bigay ko di mo dinala?

"Bulaklak mo yan dinagdagan ko lng ng ibang mga bulaklak."

"Galing sa mga manliligaw mo?"

Di na ko sumagot para matapos na ang usapan namin kasi kung sasagot pa ko magiging paulit ulit na lang.

Kumakain na kami ng magsalita ako talaga kasing na curious ako bakit andun siya.

"Anong ginagawa mo sa lobby?"

"Sinusundo ka!"

Matipid niyang sagot habang patuloy na sumusubo ng pagkain.

"Di ba sabi ko sayo sa kotse mo na lang ako hintayin!"

Mahinahon kong sagot pero nag umpisa nanan siya. Kaya di ko nanaman naiwasang patulan.

"Kung sa kotse ako naghintay malamang na bitbit ka na ng lalaki na yun."

"Eh kung sa kotse ka sana naghintay di sana di ka galit na galit ngayon!"

Talagang enemphasize ko pa yung word na "galit na galit" para asarin siya.

"ARE YOU CHEATING ON ME?"

Seryoso at matigas niyang sabi sa akin.

"Hahaha... hahaha...!"

Lakas ng tawa ko dahil sa sinabi niya.

"Ngayon tinatawanan mo lang ako, di ko alam kung yung relasyon natin para sayo is only a joke na dapat tawanan lang kapag nag seselos yung boyfriend mo."

Seryosong sabi ni Martin habang naka sandal sa upuan niya at hawak parin yung mga kubyertos niya.

"Martin halos magdadalawang buwan pa lang tayo magkakilala and napakarami pang bagay na dapat nating matuunanan sa bawat isa. Hindi pweding sa kunting kibot magseselos ka at sa bawat lalaking makikita mong makakasama or makakausap ko ay pagdududahan mo. Then sasabihan mo kong I'm cheating on you asan ang proof mo?"

Seryoso ko na ring sabi sa kanya. Nagkakasukatan na kami ng tingin para ipaglaban yung kanya kanya naming point. Nauna siyang nagbaba ng tingin at itinabi yung kutsara at tinidor niya na parang nawalan na siya ng gana. Kaya muli akong nagsalita.

"Tapusin mo yung pagkain mo! Kahit marami kang pambili wag kang magsayang."

Muli akong sumubo at di na muling nagsalita. Nakita ko na lang din siya na nagpatulog sa pagkain at inubos ang laman ng pingan niya.