Natapos ang meeting namin ng maayos pero matagal, ang akala ko na ia-assist ko sya mali pala dahil sya ang nag assist sakin buti nalang at alam ko ang mga bawat sasabihin at bawat item na ipi-present kung hindi nakakahiya dahil first presentation ko yun. Na on the spot nya ko! yung sa presentation kasi ng mga sample item ay si sir Kris talaga ang nagawa kaya surprise kung ano ang lalabas kaya whole time akong anxious and stress but luckily everything went smooth and good
"congratulations nagawa mo ng maayos ang presentation and you get the deal" huminga ako ng malalim para pigilan ang init ng ulo ko
"Mr. Kris Reyes nag iinit ang ulo ko sayo alam mo ba yun? gusto kitang sapakin ng isa, please pasapak" hinaluan ko ng tonong pabiro para hindi din sya magalit pero sa totoo lang gusto ko talaga syang sapakin, tumawa sya ng malakas
"it's ok Andrei part yan ng training mo as my secretary, wait for more surprises" napalingon ako ng marahas sa kanya
"what?! what do you mean?"
"hindi ba nasabi sayo ni Clarra na may mga surprise training kang pag dadaanan? i want my secretary to know everything about business and it's part of your own growth" parang gusto ko nalang mag resign, napa buntong hininga nalang ako at tumingin sa labas ng restaurant, by the way after naming makuha, i mean after kong makuha ang deal nag aya sya na kumain kami as part of my reward daw and a celebration
"by the way Andrei sabi ni ate Jehan may incentives ka dahil na close mo yung deal, ilang beses na kami nag try dun pero hindi sila kumukuha ng madaming orders satin, usually one P.O (purchase order) lang ang nakukuha namin sa kanila pero now 10 pages na ang orders nila"
"what kind of incentives naman yan?" natanong ko, usually kasi pera ang nakukuha kong incentives
"depende kay Jehan, it can be a money, an out of town vacation or anything you want basta kaya ng budget, ano bang gusto mo kung sakali?" ang taray naman ng incentives nila, parang ang sarap may out of town vacation
"anything naman sir, pwedeng pag usapan, as of now kasi wala naman akong gusto" I'm not materialistic person and I'm ok with anything naman., kung material things kasi mas gusto ko na ako ang mag po-provide ng mga wants ko
"suggestion lang sabihin mo kay Jehan gusto mo mag vacation abroad Hahahahah try mo kung papayag" malokong suggestion nya
"bakit pakiramadam ko mapapahamak ako? base palang sa pag tawa mo" tunawa sya ulit ngalakas
"gusto ko lang makita magiging reaction nya, wala naman masamang mag try and kung pumayag mas ok diba?" may point naman sya kaso nakakahiya naman kasi na ganun agad hihingiin ko
"parang hindi ko kaya na ganun ang hingiin, besides hindi naman ganun kalaki ang profit dun sa deal para humingi ako ng ganun incentives, masaya naman ako with anything" tumango tango sya
"I like your personality, kung ibang employee yan papayag sa suggestions ko pero Ikaw iniisip mo yung profit ng business"
"come to think of it Mr. Kris, as an employee kung hindi ko iisipin ang status ng company may magiging epekto yun sakin right? so para ok yung work ko i need to be sensitive and mindful sa lahat ng bagay" ngumiti lang sya as an answer and tumahimik na, buong time namin habang nakain is tahimik lang kami hanggang sa maka uwi, actually hinatid nya ko hanggang apartment.
------
Pag pasok ko ng office pinag titinginan ako ng lahat kaya naba-badtrip na naman ako sa mga ginagawa nila, hindi ko naman kasi na expirience tong ganito sa Bright Cafe kasi kungay problema o issue ang isa pag uusapan namin agad kesa yung pinga bubulungan, pag dating ko sa locker may nakalagay sa gilid na "Congratulations Shone for closing a good deal" tapos nakalagay din yun yung picture ko sa na nakuha nila sa resume. Nauurat ako feeling ko ginawa nila akong patay!!
"congratulations Shone! naks naman celebrate na yan later" bati sakin ni Clarra
"game na yan Shone! may utang ka pa samin na labas kaya game na to!!" sabi din ni Yuri
"congratulations dude! game na yan later, lets celebrate" sabi naman ni Jackson na sinuntok ako ng mahina sa braso
"di ko sure kung pano pero kung lalabas tayo at mag iinom ambagan ha! baka di ko kayanin" nahihiya kong sabi, ayoko din naman kasing gumastos ng malaking pera para lang sa celebration na ganito
"it's ok Shone, it's on me!" biglang sulpot ni ma' Jehan
"yes si ate Jehan ang ang babayad lilibre nya tayo" ngiting sabi ni sir Kris na biglang sumulpot na din
"by the way Shone after mong iayos yung gamit mo pumunta ka sa office ko" sabay alis ni ma'am Jehan, lumapit naman sakin si Sir Kris at may binulong
"ayan na kakausapin ka na nya, out of the country hingiin mo ha! sa Korea or Japan, sasama ako" tinignan ko lang sya pero hindi ko sya sinagot, tumuloy nalang ako papunta sa office ni ma'am Jehan
kumatok muna ako at nag intay ng ilang segundo bago ko marinig na pinapa-tuloy na ko ni ma'am Jehan sa office nya
"please take a seat" turo nya sa sofa na nasa gilid ng table nya laya dun ako umupo, tumayo sya at lumapit sakin
"by the way congratulations about dun sa achievement mo ba ma close yung deal despite of being a new member of our team" nakipag shake hands sya sakin kaya inabot ko din ang kamay ko, grabe ngayon ko lang nalamitan nga ganito si ma'am Jehan at ang ganda nya
"so as a part of your incentives is sagot ko ang celebration nyo later but i need an additional para sa formal incentives na matatangap mo, so what do you want?" sinubukan kong mag isip pero wala talaga akiong gusto
"anything you want just tell me and let's see kung kakayanin"
"personally ma'am Jehan wala po kasi akong maisip na hilingin as incentives, gaya nga ng sabi saki ni sir Kris is anything basta afford pero wala talaga aking maisip"
"I'll give you 2 days to think sa gusto mo then let's talk again later" after nun lumabas na ko ng office nya pero iniisip ko pa din talaga kung anong gusto kong makuha as incentives.