Sunod sunod ang naging busy days namin, yung meetings ni sir Kris sa araw araw ay madami at sunod sunod, sumasakit ang ulo ko sa kanya dahil hindi nasusunod ang time nya dahil sa mawiwili syang makipag kwentuhan sa mga ka-meeting nya, dumating sa point na nagagalit na sakin ang mga client nya at the same time tumutulong pa kami ni Clarra kila Yuri at Jackson para matapos on time yung mga resibo at mag double check ng P.O (Purchase Order), kaming apat lang naman ang main staff dito ni sir Kris kaya kaylangang tulong tulong, kay ma'am Jehan naman ang accounting o yung ano mang may involve na pera. Hindi pa din naman ganun kalaki ang company para sa madaming staff, yung about naman sa mga deliveries, arrival ng stocks and everything about sa mga item kuya nila ang may hawak, si sir Leo
"nasaan si Andrei?" biglang sulpot ni sir Kris
"yes po sir?" tumayo ako at lumapit sa kanya
"are you busy?"
"kind of sir, bakit po?" nag a-alangan kong sagot sa kanya
"Clarra kunin mo muna yung ginagawa ni Andrei, ikaw na tumapos aalis kami" at humarap sya sakin "ikaw naman get your things and let's go I'll give you 5 minutes" nabigla ako sa mga nangyayari dahil sa bilis kaya napatingin ako kay Clarra na mag sign na bilisan ko na
"Andrei faster! 10 9 8 7" napatakbo ako sa table ko dahil sa countdown para kunin ang cellphone ko at sa locker para kunin yung bag ko, hinabol ko si sir na papalabas na ng office, ahm bali sa 7th floor may mga office dito na may office sa loob, i mean naka separate yung para sa mga staff ni Sir Kris, ma'am Jehan at sir Leo pero mas madalas na sa storage room sa ground floor matatagpuan ang team ni sir Leo para mag ayos ng mga stocks.
"saan po tayo pupunta sir?" tanong ko sa kanya noong makahabol na ko sa kanya
"i have urgent meeting and i need you to assist me" sagot nya at sumakay sa elevator, tahimik lang kami the whole moment hangang sa nakarating kami sa parking area
"dadaan muna tayo sa Bright Cafe bago tayo pumunta sa meeting" sabi nya pagka pasok namin sa kotse, hindi na ko sumagot at tahimik lang na umupo
"pwede ba tayong mag simula ulit? i mean di ko alam kung pano kita kaka usapin o pano tayo mag uusap ng hindi mag aaway" nilingon ko sya at tinignan
"hindi ko alam kung pano sir pero sige susubukan kong makipag usap ng maayos sayo" sabi ko tapos nginitian ko sya
"so pwede bang simula natin siguro kahit mag tanungan tayo para makapag kwentuhan, medyo nakaka boring sa byahe natin" pero tumingin sya sa paligid "andito na pala tayo sa Bright Cafe, bumili muna tayo ng coffee kasi inaanatok na ko sa mag drive" bumaba sya at sumunod nalang ako.
Pag pasok namin sumugod agad sakin ng yakap si Goergina
"Shoooonnnneeeee yiiiiiiii miss na kitaaaa sobraaaaaa!!!" inalis ko yung kamay nya sa braso ko
"grabe ka Horhe yumakap para kang linta!" natatawa kong sabi sa kanya kasi sinimangutan nya ko sa pag kakatangal ko ng yakap nya sa braso ko
"miss na kasi kita ilang araw ka na hindi napunta dito" sa sobrang busy kahit anong contact sa kanila is hindi ko na nagagawa huling kita ko sa kanya nung unang beses kaming mag punta dito ni sir Kris at sila Alliah at James nung nang punta sila sa apartment
"pasensya ka na busy lang din talaga sa office, pwede ka namang pumunta sa bahay" sagot ko sa kanya
"nakakahiya din namang biglang mang gulo sayo sa apartment mo dahil alam kong pagod ka din, unlike nung magkakasama pa tayo alam ko kung pagod ka o hindi' sabagay netong mga nakaraan palaging diretso tulog na ang ginagawa ko sa apartment, nilingon ko nga si sir
"ahm Georgina si sir Kris nga pala boss ko sa bagong trabaho ko, sir Kris si Georgina dating komg manager, alam kong kilala nyo na ang isa't isa pero formal introducing lang" nag shake hands sila
"nice to formally meet you Georgina"
"same to you sir Pogi" kinililig na sagot ni Georgina kaya hinampas ko sya ng mahina sa braso nya
"hoy umayos ka boss ko yan!" biglang natauha si Georgina kaya natawa si sir Kris
"it's okay, sir Pogi naman na talaga ang tawag nya sakin even before" ano daw?
"so matagal na kayoag kakilala talaga?" pag tataka ko
"yes Andrei! kaibigan sya ni sir Drake na pinsan ni Mr. Espanto" mas lalo akong nagulat
"maliit nga talaga ang mundo, hindi ko akalaing madaming connection between us pero hindi natin kilala ang isa't isa" sabi ko na medyo amaze
"naku Shone masyado ka kasing focus sa kape kaya hindi mo siguro napapansin si sir Kris, kung hindi kape ang inaatupag mo yung ex jowa mong panget" natahimik ako sa sinabi ni Georgina, hindi pa ako ready na may marinig about sa EX ko, sakto naman yung dating ni James na dala yung order namin laya hindi na ko sumagot sa sinabi ni Georgina
"let's go sir mali-late na po kayo sa meeting nyo dor today" nag paalam na kami sa kanila at lumabas na ng Cafe, at nag simula na kaming mag byahe ni Sir Kris.
Tumagal ang byahe namin ng tatlong oras at nandito kami ngayon sa Tarlac, may presentation nga pala sya ng item dito kaya nya ko isinama para kaming dalawa yung mag present ng mga item, sinabi nya naman sakin yung mga dapat kong malaman sa business proposal nya at yung iba is ako nalang ang bahalang mag isip. Medyo kinakabahan ako dahil ngayon ko lang naman mararanasan to pero hindi naman ako mahiyain at alam kong kaya kong mag salita sa harap ng mga client, nakaka-kaba lang yung baka magkamali ako at hindi mag success ang plano ni sir Kris.
Mukang maaga aga pa kami nakarating dito sa building ng New Prince Company kaya may time pa kami mag ready, pinapasok na kami ng conference room para mag ready at mag set up. Buti nalang talaga eto lang ang meeting nya for today kaya wala akong magiging problema kung anong oras man kami matapos dito dahil walang tatawag ng tatawag sakin para hanapin sya.