Gumising akong mag-isa lang sa kama. It's only six thirty in the morning. It's saturday kaya wala kaming pasok sa university.
Napatulala pa ako bago pinilit na bumangon at hanapin si Kian. Nadatnan ko siya sa kusina. May kawali na nakasalang sa kalan.
Mukhang nagsisimula pa lang magluto. The kitchen was a bit messy. May mga ingredients at kung ano-ano pang mga pagkain na nasa counter top.
When he notice my presence he glance at me. Sumandal ako sa pinto ng kusina at ngiting-ngiti siyang pinagmasdan.
"Ang aga mo yatang bumangon at magluto."
Tipid lang siyang ngumiti. Hininaan niya ang apoy sa kalan bago inilang hakbang ang pagitan namin.
Hinalikan niya ako sa labi. "Sorry about last night. I came home late due to traffic," seryosong paliwanag niya. Tumango ako.
"It's okay. I just hope you have texted me. Your wife was so worried." Bumuntong hininga ako.
"Sorry..." He kiss me again. It last for few seconds dahil kung hindi pa siya titigil masusunog na ang kawali.
"While I'm cooking, mag-empake ka ng damit natin good for two days," aniya.
"Why?" kunot noong tanong ko.
"Mag-out of town tayo," sagot niya habang sinasalang ang bacon sa kawali.
Biglaan naman ata ang plano niya.
"Okay, mag-emapake lang ako."
Naiiling na lang akong umakyat sa taas para maihanda ang mga gamit namin.
——
Nagpunta kami ng Tagaytay. Naglibot maghapon at pagdating ng gabi ay walang kapaguran niya akong inangkin.
Mag-uumaga na kaming natulog kaya naman tanghali na kaming bumangon kinaumagahan.
"Ilang buwan na lang magtatapos na tayo," sabi ko. Ang totoong hamon ng buhay ay magsisimula pa lang. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
Adulthood was a bit scary. Dahil ang mga matinding pagsubok ay nag-aabang para subukin ka. Will I be strong enough or will I falter.
Nilingon ko siya dahil hindi man lang siya nagsasalita. "You okay there?" tanong ko dahil hindi man lang napansin na nakatitig ako sa kaniya.
He was quiet and his mind was preoccupied.
"Huh. Yeah," tugon niya. Hinalikan niya ang aking pisngi at niyakap ako. Katatapos lang naming mag-breakfast. Nakaupo siya sa sofa na nakaharap sa malawak na balcony ng tinutuluyan naming hotel. Nakaupo naman ako sa kaniyang kandungan. Hindi ata siya nangangalay kasi kanina pa kami sa ganitong puwesto.
"I love you, Moo..." bulong niya.
Hindi naman sa ayaw ko ang sinasabi niya kaso mula kahapon puro I love you na yata ang lumalabas sa kaniyang bibig.
"I love you more... What are you thinking?" tanong ko sa kaniya.
He sighed and shook his head. And sighed again. Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.
"I was just thinking about our future. You and me. Our future with our children."
Ngumiti ako. "Gusto mo na bang magkaanak tayo?"
Plano naming mag-ipon muna. May trustfond naman kami parehas galing sa mga magulang namin. May kalakihan din iyon kaya sinasabi ng mga magulang namin na bigyan na namin sila ng apo after graduation. Pero nauna na naming napagplanuhan ni Kian na huwag muna.
Magtrabaho muna kami, mag-ipon, mag-travel bago magka-baby.
"Pakakasalan muna kita sa simbahan. Pag-iipunan ko iyon. I will give you a grand wedding. I will buy you the most beautiful and expensive wedding gown." Natawa ako.
"What? I am not joking. Iyon ang pangarap ko."
"Okay, hindi na ako kokontra. Napaka-sentimental mo yata ngayon. You sure you're okay?"
"Mahal na mahal kasi kita," tugon niya.
———
"Hi, Beth," bati ni Macy sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng classroom. Ngumiti ako at bumati din pabalik.
Lumapit siya sa upuan ko pero sakto namang dumating ang instructor namin kaya bumalik siya sa upuan niya.
Nakaramdam ako ng pagtataka. May kailangan ba siya sa akin?
Tumingin ako sa kaniya. Nasa mga kaibigan na niya ang atensyon niya. Napailing na lang ako dahil nag-uusap sila ng wala namang lumalabas na tinig sa kanilang mga labi. Paano sila nagkaintindihan?
Natapos ang morning class namin. May quiz pa kami kanina. Hindi ako nakapag-review pero confident naman akong nasa tatlo o apat lang ang mali ko out of 50 na coverage ng quiz namin.
Medyo sumakit ang ulo ko.
"Beth, sandali!" tawag sa akin ni Macy nang palabas na ako ng room.
Tumigil ako sa paghakbang at hinintay siya. Ngumiti siya sa akin.
"It's my birthday today..." Nakangiti niyang sambit.
"Ahmmm. Happy birthday. Sorry, hindi ko alam." Kung alam ko lang bibigyan ko siya ng regalo since she was nice to me.
"Okay lang. Sama ka sa amin," aniya. She don't really want to give up. Ngumiti ako at umiling. I know she knew that I am not into parties.
Bumuntong hininga siya. Mukhang lumungkot ang kaniyang mukha kaya naman nakaramdam din ako ng lungkot.
Monthsary kasi namin ni Kian. Naisip ko lang na bigyan siya ng surprise romantic dinner.
Bibili na lang siguro ako ng regalo para kay Macy para makabawi. We aren't that close pero gusto ko siyang bigyan ng regalo.
"Sorry, Macy. Happy birthday ulit..."
Tumango-tango siya. Nakita ko si Kian na parating kaya nagpaalam na ako kay Macy at sinalubong ang aking asawa.
He kiss me on my cheeks. "Let's go. Nagpaorder na ako kina Raul ng pagkain natin," aniya bago ako inakbayan.
Napalingon ako kay Macy. Nakatingin sila ng mga kaibigan niya sa amin ni Kian. May sinasabi ang mga kaibigan niya sa kaniya. Umiling-iling naman siya.
Una naming nadaanan ang mesa ng mga member ng cheering squad bago ang mesa na inookupa ng mga kaibigan ni Kian.
Nakatingin sila sa amin habang nagbubulungan.
"Hi, Beth," bati sa akin ng cheerleader. Napansin ko na ang bahagyang pagkatigil ni Kian.
"Hello, Kian," may nahihimigan akong paglalaro sa tono niya nang batiin niya si Kian. Kian didn't even said hi nor look at her.
Tamad akong kumaway. Hindi ko siya binati dahil alam kong pinaplastik lang niya ako. I don't even know why all of a sudden pinapansin niya ako.
Pagkatalikod namin sa kaniya ay dinig ko ang tunog na gawa ng paghalik niya sa hangin. Ilang ulit niyang ginawa iyon habang ang mga kaibigan niya ay nagtatawanan.
"Masarap ba?" tanong pa nila.
Hinila ako ni Kian at binilisan ang paghakbang. Nagpatianod na din ako dahil nakaramdam na ako ng gutom.
Six pm pa matatapos ang klase ni Kian dahil may tinatapos silang activity sa isang subject nila. Alas-kuwatro naman ay tapos na ang klase ko. Saktong may oras pa akong makapag-prepare ng dinner namin.
Bago mag-uwian ay muli akong nilapitan ni Macy.
"Sige na, Please... Gusto kitang makasama sa birthday ko," aniya. Her eyes was hopeful pero may nauna na akong plano.
"Sorry, Macy..." Malungkot kong tugon. Siguro babawi na lang talaga ako next time.
Nagmamadali na akong umuwi.
Nilapag ko sa sofa ang aking bag at books at dire-diretso na ako sa kitchen.
May mga naka-ready nang ingredients sa refrigerator. Maaga kasi akong gumising kanina para ma-i-prepare ang lahat para di na ako magahol ngayon.
While cooking sinabay ko na din ang paglagay ng hangin sa mga transparent baloons. Kinalat ko sila sa lapag. Kasama ng mga led lights.
Six thirty pm, the table was all set.
Umakyat na ako sa kuwarto para maligo at makapagbihis. Nagsuot ako ng red dress at nagpahid ng red lipstick. Ngumiti ako sa salamin.
Madilim ang buong bahay. Bilang parte ito ng surpresa.
Naupo ako habang hinihintay siya. Malapit na siya ngayon sa bahay. Dapat siguro sa sofa ako maghintay. Napangiti ako at napailing-iling sa naiisip ko.
Dapat siguro nakahiga ako sa sofa habang hinihintay siya. Sakto pagbukas niya ng ilaw ay bumungad sa kaniya ang sexy at maganda niyang asawa.
Mahina akong napatawa sa pinag-iisip ko. But, why not? It's not a bad idea. I am her wife at wala namang masama kung akitin ko ang sarili kong asawa.
Nahiga ako sa sofa na nakaharap sa may maindoor. Nakaladlad ang aking mga hita. Sa puwesto ko ay kitang-kita din ang kurba ng aking katawan.
Dahil mababa ang cut ng dress ay nakaladlad ang aking cleavage. Mag-aalas-otso na at nangangalay na ako sa puwesto ko pero hindi pa din dumadating si Kian.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising ako bandang alas-nuebe. Hindi pa din siya umuuwi. Nakaramdam na ako ng gutom pero mas nangibabaw ang kaba sa aking dibdib..
Heto na naman ako. Para akong may sakit sa puso. Bumangon na ako at napagpasyahan na hintayin na lang siya sa table na hinanda ko.
Malamig na ang pagkain na hinanda ko. Ten pm came. Napagod na akong maghintay kaya naman nauna na akong kumain. Kaunti lang ang nakain ko.
Niligpit ko na ang mga hinanda ko. Ang mga baloons at mga led lights ay sinilid ko sa garbage bag. Natapos ko nang magligpit pero hindi pa din dumadating si Kian. Hanggang sa pumanhik ako sa kuwarto namin.
Pumasok ako ng banyo. Naghilamos ako para burahin ang aking lipstick. Nagpalit ako ng damit.
Tinignan ko ang aking celphone. May mensahe galing kay Kian. He said he will be late dahil hindi pa nila tapos ang ginagawa nila.
Hindi na ako nag-reply. I don't want to say okay, because it's not okay. I am not okay and what I feel today was not totally okay.
Hinihila na ako ng pagtulog ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto.
Hindi ako kumilos at nagpanggap na tulog. Naiinis ako. At ayaw kong makaramdam ng inis.
Dumiretso siya sa banyo at pagkatapos maligo ay tinabihan niya ako. Niyakap niya ako at bumulong..
"Sorry... I am late," bulong niya. I know he thinks that I am already asleep. Hindi ako maaring magkamali. Amoy siyang alak.