webnovel

Madly Inlove With Mr. Playboy

Ang sabi ko sa sarili ko, ayoko ng relasyon na katulad sa mga magulang ko. Ayoko ko sa isang relasyon na may nasaktan at na agrabyado akong tao.Ayoko na may relasyon akong nasira kasi alam ko kung ano ang pakiramdam non. Pero nang ako na ang nasa sitwasyon, kinain ko ang lahat ng sinabi ko. Wala na akong paki-alam kong may isang tao akong masaktan at ma agrabyado.Kung may relasyon man ako na masira ang mahalaga ay sa akin parin siya.Okay lang kahit mag mukha akong tanga at desperada o kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao basta huwag lang siyang mawala.Pero pinili niya parin akong iwan kahit alam niya na siya lang ang mayroon ako. Ano pa ba ang aasahan ko.Isang playboy ang minahal ko. Dahil isa akong desperada, kahit ayaw na niya sa akin. Kahit may mahal na siyang iba, nagmaka-awa parin ako na kung pwede ay bumalik siya sa akin dahil hindi ko kaya.Na okay lang sa akin kahit ilan pa kaming babae na pagsabayin niya.Wala e,nasanay kasi ako na lagi siyang nandito sa tabi ko.Pero ang lahat ay may hangganan,dahil sa muli niyang pag-iwan sa akin ay sumuko na ako at hindi lumaban.Pagod na ako na ipaglaban siya.Pagod na ako na ipaglaban ang pagmamahal ko na lagi namang talo.Mahirap mag let go .Pero mas mahirap yong kumakapit ka pa kahit pinag-tutulakan kana niya. Ngunit wala na ka ng magagawa kundi tanggapin na lang kahit mahirap. Ito ang mahirap na tanggapin sa dami ng kailangan kong unawain.Anim na taon na ang lumipas, ngunit sariwa parin ang sugat sa aking puso at isipan. Hanggang ngayon ay siya parin sa araw at gabi ang aking iniisip.Magpahanggang ngayon ay lagi ko parin tanong sa aking sarili, saan ba ako nagkulang?Kasi sa pagka-alam ko minahal ko naman siya ng minahal. Hindi ko akalain na ma depress ako.At dumating pa sa punto na gusto kong magpakamatay.Hindi ako vocal na tao kaya wala akong mapagsabihan kung ano ang tumakbo sa isip ko.Gusto kong umiyak at isigaw lahat ng hinanakit ko dahil hindi ko na kaya pero natatakot ako. Natatakot ako at baka sumbat lang ang marinig ko kapag nalaman nila ang sitwasyon ko. Natatakot ako sa maari nilang sabihin dahil hindi ko sila sinunod noon. Binalaan na ako ng pinsan ko, ng kuya ko na hindi siya ang mahalin pero hindi ako nakinig. Anong magagawa ko, siya ang tinitibok ng puso ko. Nag-uunahan na pumatak ang aking luha habang binabasa ulit ang kanyang mga sulat.Nag flashback sa akin ang mga ala-ala naming dalawa,mula sa umpisa hanggang sa kung paano ako lumuhod at nagmamaka-awa sa kanya. Patuloy parin ako sa pagbasa kahit puno ng luha ang aking mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako niloko at sinaktan habang sa kanyang mga sulat ay ramdam ko ang kanyang pagmamahal. Lalong nanikip ang aking dibdib, hanggang kailan ba ako masasaktan? Hanggang kailan masasagot ang aking mga katanungan? Pagod na ako.Gusto ko ng mawala ang sakit dito sa dibdib ko. For the last time, I begged him. "Come back to me please." At lumuhod sa kanyang harapan katulad noon kung paano ako nagmaka-awa na huwag niya akong iiwan.Tanggapin niya ba akong muli o tuluyan na akong iiwan?

diena · 青春言情
分數不夠
35 Chs

Chapter 24

Nakatanga akong nakatingin sa dalawang lalaki,hindi makapaniwala sa nakita, ng matauhan ay agad akong lumapit sa kanila at binaklas ang kamay ni Kenneth na madiing kinukwelyuhan si Lian.Hindi ko akalain na magagawa ito ni Kenneth. Mabuti at hindi gumanti si Lian dahil panigurado gulo na naman.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Kenneth!" singhal ko sa kanya.

He smirk.Napa-iling at hindi makapaniwala sa ginawa ko.Tumingin siya sa kamay niya hawak ko, mahigpit pala ang pagkahawak ko naiilang na binitawan ko iyon at walang salita na tinalikuran niya ako.Sh*t!Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, gusto ko siyang habulin,gusto kong magpaliwanag,gusto kong pagaanin ang pakiramdam niya,napayuko ako hiwalay na pala kami.

"Ano ba kasing ginawa mo?"

Nagulat pa si Lian sa pagsinghal ko.Kunot-noo at tiningnan ko siya ng masama,naging alerto siya at nangangapa ng sasabihin.Bumuka ang kanyang bibig ngunit agad ring tinikom,lalong uminit ang ulo ko.

"Ano?!" singhal ko." Hindi ka naman suntokin kung wala kang ginawa."

" Ri, huwag ka naman ganyan wala namang ginawa si Lian na gulat na lang kami ng bigla siyang kinukwelyuhan ni Kenneth, " si Mabel.

" Anong wala! Kung hindi ba naman pumuporma sa akin 'yan hindi sana nagkaganito! "

" Lian."

May pagbabanta sa boses na tawag ni Mabel ng akmang magsalita si Lian. Napayuko at bumuntong-hininga siya,tinaasan ko ng kilay si Mabel may hindi siya sinasabi sa akin.

"Pasensya kung nagkagulo kayo ni Kenneth dahil sa akin. Sinadya ko na mangyari 'to."

"Bakit Lian? Dahil akala mo kapag ginawa mo ito mapasayo na ako? Hindi mangyari 'yon."

"Alam ko Ri."

"Alam mo naman pala bakit mo pa ginawa ang walang kwentang bagay na'to?"

"Dahil hindi ko na kaya na ang babaeng gusto ko ay ginag*g* ng pinsan ko! Hindi ko na kaya na makita kang nagmumukhang tanga sa harap niya at sa ibang tao."

"Diritsahin mo ako nang ma intindihan ko Lian," pikon na saad ko.

"Manhid ka ba o sadyang tanga ka lang?" na pantig ang tainga ko sa sinabi niya, anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganyan.

"Ano ba ang pinupunto mo diritsahin mo ako dahil kanina pa ako napipikon sayo!" singhal ko at tinaliman siya ng tingin. "Huwag kang sumabat Mabel isa ka pa!" banta ko ng pipigilan niya sana si Lian.

"May ibang gusto si Kenneth."

"Alam ko," pareho silang na gulat sa sagot ko. "Alam ko matagal na pero wala ka paring karapatan na manghimasok para sirain kaming dalawa ni Kenneth dahil hindi naman ikaw ang masasaktan, hindi naman ikaw ang niloko at mas lalong hindi ikaw ang pinapa-asa."

Napahiya na yumuko si Lian pati si Mabel ay na konsensya rin dahil alam niya ang lahat tungkol sa kag*g*han ni Kenneth pero wala siyang sinabi sa akin.Na konsensya ako sa mga binitawan kong salita kay Lian,isa siya sa mga dahilan kung bakit naging magulo lalo kami ni Kenneth pero hindi naman siya ang sumira sa amin kundi si Kenneth mismo nadala lang ako sa emosyon ko kaya nakapag bitiw ako ng hindi magandang salita sa kanya.Gusto kong humingi ng tawad kay Lian sa mga sinabi ko pero kailangan ko muna maka-usap si Kenneth gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa kanya kanina.Walang salita na iniwan ko sila at agad na bumalik sa campus para hanapin Kenneth.

"Homer nakita mo si Kenneth?"

"Nasa classroom lasing ang g*g*."

Hindi ko na sinagot si Homer at patakbo akong nag tungo sa kanilang classroom muntik pa ako madapa sa hagdan sa pagmamadali ko,hiningal tuloy ako.Kinalma ko ang sarili bago pumasok sa kanilang classroom ngunit napatigil ako sa bukana ng pintuan ng makita ko siya.Para akong binuhusan ng yelo,nanigas ako,hindi ako maka galaw dahil sa aking nakita.Nakayakap siya kay Adelah at masuyo itong hinalikan sa labi.Naka tagilid ang pwesto nila kaya kitang-kita ko ang bawat galaw nilang dalawa.Hindi ko ma alis ang paningin ko sa kanila,nakatitig lang ako habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.Humiwalay siya ng yakap at marahang hinaplos ang pisngi ni Adelah.

"Huwag mo na ako ulit iiwan ha.Mahal na mahal kita."

Madamdaming saad ni Kenneth na humiwa sa puso ko.Bago pa kumawala ang hikbi ko ay tumalikod na ako at umalis na may bitbit na sakit sa dibdib.

Akala ko nasaktan siya sa ginawa ko kaya ganoon siya umasta kanina pero hindi pala dahil ang lahat ng iyon ay parte ng pagpapanggap niya.Alam ko na may iba siyang gusto pero hindi ko inakala na si Adelah pala yon. Una palang niloko na niya ako, niligawan at ginawang panakip-butas. Hindi naman niya talaga ako gusto, ginawa niya lang ang bagay nan yon para ma baling sa akin ang pangungulila niya sa kanyang ex-girlfriend.

Ngayon alam ko na kung ano ang ibig sabihin sa sulat niya noon, ISANG ANGHEL NA BUMABA SA LUPA AT SA AKIN NAKA TADHANA.Ako na inosenteng babae na nakatadhana niyang gamitin, saktan at lukohin.

Nang ma himasmasan ay nagpasya na akong bumalik kina Mabel. Wala na rin naman kaming klase kaya ma una na akong umuwi sa kanila, pagod na ako sa nangyari ngayong araw, gusto ko ng magpahinga.

"Ri."

"Lian."

"Ahm. Pwede ka ba maka-usap kahit saglit?"

"Sige."

Gusto ko rin siya maka-usap, at hindi maganda ang mga sinabi ko sa kanya kanina.

"Sorry."

"Sorry."

Sabay naming sabi.

"Sorry sa mga nasabi ko kanina," panimula ko. "Hindi ko sinasadya na pagsalitaan ka ng ganon na dala lang ako sa emosyon ko," yumuko ako nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko kanina.

"Ako ang dapat na mag sorry kasi totoo naman ang mga sinabi mo kanina. Pasensya na kung pinagsiksikan ko pa ang sarili ko sayo. I'm sorry, Ri. Alam ko kung gaano mo ka gusto ang pinsan ko, nakikita ko sa mga mata mo at kilos. " humarap siya sa akin at malungkot na ngumiti. " Simula sa araw na ito, itigil ko na ang panliligaw ko sayo. Titigilan na kita at hindi na muling guluhin pa. Sana maging maayos ulit kayo ni Kenneth. I'm really sorry for what happened, Ri. "

Lalong na nikip ang dibdib ko sa binitawang salita ni Lian.

Ganito lang ba ako kadaling iwan at sukuan?