Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Kenneth,naka tanga lang akong nakatingin sa kanya samantala walang expression ang kanyang mukha at parang hangin lang ako sa kanyang paningin. Walang salita na pina andar niya muli ang kanyang motor at umalis.
"Kung mag landian kayo huwag sa gitna ng daan, ang harot niyo!"
Napa nganga ako sa sinabi ni Mabel at na una siyang maglakad sa amin. Sinamaan ko ng tingin si Lian, sh*t hindi ako makapaniwala na naghalikan kaming dalawa kahit mabilis lang halik parin 'yon. Hinablot ko ang gamit ko na hawak niya at nagmadaling lumakad.
"Ri sorry.Sorry hindi ko sinasadya," saad niya at humabol sa akin.Hindi ako sumagot.
"Hindi ko talaga sinasadya Ri."
Hinarangan niya ako.Nakipag patintero kaming dalawa dahil ayaw niya akong pa daanin.
"Ri."
"Ano ba!" Singhal ko ng hawakan niya ang kamay ko. Yumuko siya at nahihiya na tinanggal ang pagkahawak niya sa kamay ko. Na konsensya ako.
"Pakinggan mo muna ako kahit ngayon lang please?"
Ayoko. Ayokong makinig dahil alam ko na ang sasabihin niya,lilituhin niya lang ako, ang nararamdaman ko.
"Kahit ngayo lang."
Huminga ako ng malalim at matalim na tumingin sa kanya. "Ano ang sasabihin mo?"
"Sorry sa nangyari kanina hindi ko sinasadya."
"Iyon lang? Okay,pwede na ba akong umalis?" Pagtataray ko sa kanya.
" Sandali.Teka,ano meron pa akong sasabihin," pigil niya ng akma akong aalis.
" Hin-di ko na ka-si kaya na it-ago ito.Mat-matagal ko na ito gus-tong sabihin pero-",
Kumunot ang noo ko sa kanya, nasaan na ang lakas ng loob nito at bakit na uutal na.
" Pwede ba diritsahin mo ako, nakaka-inis yang pag uutal mo. "
" Gusto kita matagal na."
" Alam ko. Diba sinulatan mo ako at umamin ka na gusto mo ako. "
" At liligawan kita. "
" G*g*!" Hindi ko napigilan na murahin siya. "Alam mo naman na boyfriend ko ang pinsan mo, bakit ka pa manligaw sa akin?"
" Alam ko.Pero liligawan parin kita sa ayaw at sa gusto mo."
Gusto ko siyang sapakin sa sinabi niya ng matauhan siya.Kinalma ko ang sarili ko,hinga ng malalim Fahrhiya lasing iyang kaharap mo.
" Huwag ka ng manligaw hindi rin naman kita sasagotin," diritsang sagot ko at kita ko ang pagbalantay ng sakit sa kanyang mukha sa sinabi ko.
"Kahit hindi mo ako sagutin liligawan parin kita,hindi ako susuko hanggat hindi mo maramdaman na totoong gusto kita."
'*l*l! Na dale na ako sa salitang iyan sa pinsan mo at kapag naramdaman ko na saka niyo naman ako sasaktan at iiwan. P*ky*!' Gusto kong isinghal iyon sa kanya.
"Bahala ka sa buhay mo basta sinasabi ko sayo magsasayang ka lang oras at panahon."
"It's okay, kung ikaw naman ang paglaanan ko. Why not?"
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. " Bahala ka nga dyan. Lasing lang yan bukas hindi mo na yan maalala. "
Binilisan ko ang lakad ngunit humabol siya, ang daldal niya panay ang salita ng kung anu-ano hindi ako sumasagot pinakita ko na wala akong intires sa mga sinasabi niya para may rason siya na huwag ituloy ang panliligaw na binabalak niya.
"Pinayagan kita sa gusto mong sumabay sa akin pero hanggang dito ka lang," sabi ko ng makarating kami sa kanto. "At 'wag mo ng ulitin."
"Hindi ko maipangako na hindi ko ito uulitin Ri, pero alam ko naman kung saan ako lulugar 'wag kang mag-alala," ngumiti siya sa akin at kita ko sa kanyang mga mata na masaya siya.
"I hope so. Baka kasi nakalimutan mo na boyfriend ko ang pinsan mo."
Tipid siyang ngumiti at sinabing lumakad na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko, nilingon ko siya nandoon parin siya nakatayo, nakatanaw sa akin, muli siyang ngumiti at sumenyas na aalis na siya. Muli, nakaramdam ako ng pagkalito mahal ko si Kenneth pero bakit ganito crush ko pa din si Lian?
Lumipas ang mga araw hindi na kami nag usap ni Kenneth kaya nagpasya akong makipaghiwalay na lang sa kanya ano pa ang rason upang ipag-patuloy ang relasyon namin, kung siya na mismo ang nagbigay ng rason para gawin ko ito. Iyon nga lang hindi ko alam kung kaya ko ba.Ang sakit sa puso na makita siyang nagmamaka-awa sa harapan ko na tanggapin ko siya ulit,na patawarin sa mga kasalanang ginawa niya pero may parte sa isip ko na nagsasabi na huwag na, na tama na dahil subrang sakit na ang idinilot niya sa akin.
"Bhe, please kausapin mo ako," pagmamaka-awa niya at gusto akong hawakan ngunit lumalayo ako.
Nandito kami ngayon sa videokehan, half day lang ang pasok namin kaya dito kami tumambay ni Mea kasama namin sina Mabel at mga kaibigan niya syempre nandito rin si Lian naka buntot.
"Bhe."
Amoy ko ang alak mula sa kanya lasing siya, magulo ang buhok, gusot ang kanyang damit at nakaka-awa tingnan ang hitsura niya.
"Ayoko nga diba?!Bakit ba ang hirap sayo na intindihin iyon!"
"Kahit saglit lang bhe,please.?"
Napasabunot siya sa kanyang buhok ng muli akong umiwas sa kanya.Hindi ko siya tiningnan,ayaw ko siyang tingnan dahil kapag ginawa ko iyon baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya.
"Tanggapin mo na 'to," inilahad niya sa akin ang kwentas. Hindi ko iyon tinanggap.
Binigyan ko siya ng masamang tingin. " Break na nga tayo diba?Bakit ba ang kulit mo," singhal ko at tinabig ang kamay niyang nakalahad sa akin.
"P*t*a!" mahinang mura niya at napahilamos ng mukha. "Dahil ba kay Lian kaya atat kang makipaghiwalay sa akin? P*t*ng *n*!"
Nagulat ako ng sipain niya ang pintuan . Pinigtas niya ang kwentas na dapat na ibigay sa akin at itinapon iyon. Napanganga ako sa ginawa niya. Walang salita na iniwan ako, napatahip ako sa aking dibdib ng suntukon niya ang pader bago lumabas.Napayuko ako, nasaktan ako sa ginawa ko sa kanya pero hindi ko na pwedeng bawiin, tapos na,at wala na kaming dalawa.
"Oh my god! Kenneth!"
Nanakbo ako palabas ng marinig ko ang hiyaw ni Mabel sa pangalan ni Kenneth.Nanlaki ang mata ko sa aking nadatnan,may putok sa labi si Lian habang kinukwelyuhan siya ni Kenneth.