Reveal
Famous Supermodel Nycil Idulsa walked out during interview.
Famous architect and supermodel had a past relationship.
Nycil Idulsa and Jomarie Condeza, what's the score?
Napasabunot na lang ako ng sarili Kong buhok sa mga article na naglalabas sa internet. It's been a week nung interview pero hot issue pa rin kami sa press. Agad akong tumayo para magpahangin nang makita ko si Erilyn.
"Hey baby girl. Where's your papa hmm?" Tanong ko sa kanya.
"They're on the study room, Ninang Ganda." She answered kaya ginulo ko ang buhok niya bago pumunta sa study room. Kakatok sana ako pero ewan ko ba, trip ko ngayong pumasok na walang katok.
"Eric, kailan mo aaminin kay Nycil?" Agad akong nagtago sa shelf para di nila ako mapansin.
"Wala akong aaminin, Lodelyn. Ayokong mas mawasak pa siya." Mas lalong kumunot ang noo ko sa narinig.
"Eric, hindi mo ba nakikita? Hindi mo pa sinasabi sa kanya pero ano? Nahihirapan na siya sa sitwasyon. Hanggang kailan ka ba maging hadlang sa kanila?" Giit ni Lodelyn.
"Hindi ko sila hinahadlangan Lodelyn! Pinoprotektahan ko lang si Nycil Kay Jomarie! Did you see what's happening to her when they're together?! Halos umikot na ang mundo niya Kay Jomarie!"
"Pero ikaw mismo na best friend niya ang sumira nun! Eric, she can learn something in their relationship pero ano?! Sinira mo!"
Di ko mapigilang ilabas ang hikbi ko na dahilan para tumigil sila sa away.
"N-nycil." Napaatras ako nang humakbang si Eric palapit sakin. "Totoo ba?!" Ayy.. Bobo ka Nycil. Malamang totoo yun." Sagutin mo ako, Eric! Totoo ba?!" Tumango siya dahilan para masampal ko siya ng malakas."How could you?! Of all people, ikaw ang nakakaalam sa nararanasan ko Eric!" Malamig Kong sabi.
"I just did that because you almost gave your life to that asshole. Halos sirhan mo na ang mga opportunity para sa lalaking yan! Look at you now, Nycil. You achieve your dream."
"How could you say that?! Yes! I achieved my damn dream. But look at me! I achieve that fucking dream because of pain! Because of what you've done! And now, I'm still hurting na parang di ko na kilala ang sarili ko! Nawawala na ako." Napasalampak ako sa sahig dahil sa panghihina na nadarama ko. "Tell me, Eric. Do I look like happy now? Then, why can't I fucking feel it?!" Para na akong nababaliw sa nararamdaman ko. Di ko na alam ang gagawin ko."Sabihin mo sakin kung ano ang ginawa mo. Tell me!" Sigaw ko sa kanya.
"I was the one who told Gialyn to do that. Ako ang nag-utos sa kanya na ipakita Kay Jomarie ang picture." Tiningala ko siya gamit ang pagod Kong mga mata. "Hindi ko ineexpect na maniniwala siya dun, but you see Nycil? Just one picture sinaktan ka niya---"
"Dahil sa kagaguhan mo." Putol ko. Pinalis ko ang luha sa mukha ko at tumayo." Huwag kang magpapakita sakin habang di pa toh naayos." Malamig kong sabi tsaka umalis. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa tapat ng bahay niya dito sa Gingoog City. Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay agad ko siyang sinalubong ng sampal.
"Bakit ba napakaselfish mo?!"