19 C H A P T E R 17

New Dream

Lamig ng ihip ng hangin ang nanunuot sa aking buong katawan. Ngunit di ko alintana yun nang maramdaman ko ang init ng kanyang yakap mula sa likuran. Hindi ko na naman mapigilang lumuha.

"Tahan na, Nyc. Kanina ka pa umiiyak oh." Pinihit niya ako sa kanyang harapan at pinunasan ang aking luha. Di ko mapigilang titigan siya na isa sa habit ko noon.

"I miss you." I blurted out dahilan para matigil siya sa pagpunas. Hinawakan niya ang aking kamay at marahang hinaplos yun. Kita ko ang pagdaan ng kasiyahan sa kanyang mga mata habang ginagawa niya yun.

"I miss you too. So much." Sabay kabig sakin payakap sa kanya. Sinandal ko ang aking ulo as kanyang dibdib at pinakinggan ang tibok ng kanyang puso.

"Bakit di mo sinabi?" Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang yakap na para bang takot siyang mawala ako. Hinalikan niya muna ang noo ko bago siya sumagot.

"Mas matitiis ko pa na sakin ka magalit kaysa kay Eric, Nycil. Alam ko kung gaano kahalaga sayo si Eric. Kaya tatanggapin at aakuin ko ang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Alam ko naman na ginawa niya lang yun para sayo. You see, mga bata pa tayo noon at marami pang opportunities na dadating satin. Pero ikaw, handa mong talikuran ang lahat para sa relasyon natin and it's not good and healthy dahil nga bata pa tayo. Honestly, noong sinabi sakin ni Gialyn ang totoo, gusto kong sugurin si Eric. Bakit siya makikialam satin eh wala naman tayong ginagawang masama." Hinarap niya ang mukha ko at tinignan ko siya sa mata." But when I look at you now. In every magazine covers, in every runways, every photoshoot, nasabi ko kahit masakit yung nararamdaman mo, you achieve it. You're successful now."

"But I'm not happy, Jom." I looked at his deep brown eyes." While I was achieving that dream, I was not happy. That dream was made by my pain." Bakit ba napakaiyakin ko ngayon?!

"Then, let's build another dream that is made by love and happiness." Napangiti naman ako sa sinabi niya at tumango.

******

"Hindi mo pa rin ba sasagutin ang tawag ni Eric?" Tanong niya nang magring na naman ang phone ko. Humarap ako sa kanya at inunan ang braso niya habang siya naman ay idinantay sa bewang ko ang isang kamay at sumiksik sa kanya." Galit ka pa rin ba sa kanya?"

"Hindi naman ako galit. Nagtatampo lang naman ako." Tiningala ko siya nang marinig ko ang tawa niya.

"Nagiging childish ka talaga kapag usapang Eric na. Noon, minsan nagseselos ako sa kanya pero alam ko namang parang kuya mo na siya kung ituring."

Tinrace ko ang panga niya habang nagsasalita siya. Simula noon, ang panga niya talaga ang pinakagusto ko. Perfect jawline kasi eh. Kaya di ko mapigilang kagatin yun."Nanggigil ka na naman sa kagwapuhan ko. Tss."

Tumawa na lang ako at mas sumiksik sa kanya. He then hug me tighter and kiss my head lightly."I miss this. I miss hugging you this tight, kissing you and all." Napangiti naman ako. Kahit noon pa man na lagi niya akong inaasar ay sa bandang huli pa rin ay mas sweet pa siya kesa asukal." I want to stay like this, forever." Ani pa niya.

"Forever, hmm?" Siguro, mas marami pa kaming pagdadaanan habang tinatahak namin ang forever. Pero kakayanin namin. As long as magkasama kami.

avataravatar
Next chapter