Break up
---FLASHBACK----
Ilang ulit ko nang tiningnan ang phone ko kung may reply na ba galing sa kanya pero kagaya nitong nagdaang araw, wala pa rin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Nycil." Agad akong tumingala para tignan kung sino. Si Elisha na seryoso ang mukha.
"Oh, lish. Seryoso ng mukha natin ah. Anong meron?" Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Boyfriend mo pa ba si Jomarie?" Agad niyang tanong. Kahit nagtataka ako sa sinabi niya ay tumango ako. "Dapat ka nang makipagbreak sa kanya, Nycil."
"Wait--- what? Makipagbreak? Bakit mo ba yan sinasabi Elisha?" Nagtataka na talaga ako. Wala naman sigurong may gusto si Elisha Kay Jomarie diba?
"Well, your so called boyfriend cheated on you with the transferee girl." Isa si Elisha sa di feel ang may transferee pero impossible namang gagawa siya ng kwento.
"Okay, Elisha. Thanks for the concern pero baka nasosobrahan ka na sa kababasa ng wattpad dahil dyan sa mga sinasabi mo." Huminga siya ng malalim at nagkibit-balikat.
"Totoo ang sinasabi ko pero nasa sayo na kung maniwala ka. Tandaan mo lang Nycil, hindi dapat iniyakan ang mga gago. Ge, alis na ako."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Elisha pero di ko rin mapigilang magduda nang magtagpo ang mga mata namin ni Gialyn ay may mapaglarong ngisi sa labi niya. Isang tahimik at mahinhin na babae si Gialyn para paghinalaan. But then, walang sikretong di mabubunyag.
"Ang kapal naman ng pagmumukha niyo." Gigil na sabi ko nang mahuli ko sila sa gym. Tiningnan ko si Jomarie pero ang lamig ng tingin niya sakin.
"Don't act na parang ako ang unang nagloko satin, Nycil." Malamig niyang sabi sakin.
"Bakit? Ikaw naman talaga ah." Nagtitimping sabi ko. Namalayan ko lang na iniwan kami ni Gialyn dito. Sarkastiko siyang tumawa.
"Oh, really? What about the night kung saang lasing ka sa bahay nila Eric at nakipaghalikan ka sa BEST FRIEND MO. Malandi ka pala." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa totoo ang sinasabi niya, kundi dahil sa mismong problema. May ipinakita siya saking pictures. The girl is not me. Pinsan ko ang nasa picture, si Nicole. Pero dahil nakaside view siya ay masasabi mong ako dahil magkamukha kami.
"That night, I asked you lung nasan ka! Ang sabi mo nasa bahay ka at matutulog ka na. But then, Gia send me that fucking picture! Bullshit!" Nakakuyom ang kamao ko pero di ko mapigilang sampalin siya.
"Wala kang tiwala sakin?" Malamig kong sabi. " Hinding-hindi ako mag-eexplain pero ito ang sagot ko para malinawan ka. Hindi ako yan. Siguro naman kilala mo si Nicole diba?" Tinanggal ko ang kwintas na suot ko. Ito yung binigay niya sakin nung 1st monthsary namin. "Let's break up. Salamat as experience na pinaranas mo sakin." Sabay tapon sa mismong mukha niya ang kwintas at iniwan siya dun.
Sinabihan ko si Eric pagkatapos nun, gusto sana niyang sugurin ang gago pero pinigilan ko. That day was my worst day. Kasabay ng pagwasak ng puso ko, ay ang pagkawala kong Lola.
Kaya sa mismong puntod niya, isinusumpa ko na Hindi ko siya iiyakan at hinding hindi ko siya babalikan.