14 C H A P T E R 1 2

Heartless

Miss Nycil, totoo bang may relasyon kayo ng manager niyo?

Anong ibig pong sabihin ng mga nagkalat na picture?

Dali-dali kong binuhay ang sasakyan para makalayo sa mga reporters. This is what I hate as a celebrity. Walang privacy. Pati phone ko kanina pa nag-iingay. Tss. Agad kong tinigil ang sasakyan nang may humarang.

"Damn. Bakit ba binigyan sila ng driver's licence, eh hindi naman nag-iingat." Agad akong bumaba sa sasakyan kasabay ng driver sa isa.

"Miss, I'm sorry sa nangyari."

Kumunot ang noo ko nang marinig marinig ang pamilyar na boses. Don't tell me?! "Nycil?" Gosh. Destiny ba toh? Gandang plano ah.

"Well, hello there to you too. Mag-ingat ka nga sa pagdadrive! Nakakaistorbo ka ng iba! Leche!" Inis kong sabi sabay tumalikod.

"Wait,Nycil. Can we talk?" Agad kong hinawi ang kamay niya. Baka may germs, mahawaan pa ako.

"At ano namang pag uusapan natin?" Pagtataray ko sa kanya.

"About us." Us? Damn, di ko mapigilang mapatawa ng malakas. Ohmyghad! Para akong baliw na tumatawa sa gitna ng daan habang siya naman ay seryosong nakatingin sakin. Hindi ko mapigilang masampal siya ng malakas.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan. Us? Gosh, Jomarie. Di ka ba nahihiya sa pinagsasabi mo? Its been what? 10 years mula noong natapos ang US na sinasabi mo! Tapos, di ka pa move on? Alam ba toh ng girlfriend mo? Mahiya ka naman sa sarili mo. Be a man enough and move on!" Bulalas ko. Tiningnan niya pa rin ako ng seryoso.

"How can I move on if I am still inlove with you?" Grabe naman toh. Salita na nga lang, kinuha pa sa kanta.

"Wow. In love with me huh? You're still in love with me? Really. Yung lalaking sinasabi mo noon na nasa picture, may pamilya na. Yung lalaking yun na tinanggap ka. Pero anong ginawa mo? Pinagbintangan mo kami!"

"Because I saw you two in that picture." He reason out.

"No. It is because you didn't trust me enough!" I shouted at him. "You didn't trust me dahilan kung bakit tayo naghiwalay! Just one picture. Imagine? One picture. Isa lang yun pero nasira ang ating relasyon!"

"Because I am so damn jealous of him! Siya na laging nasa tabi mo. Siya na laging may alam tungkol sayo. Kung ikaw ang nasa posisyon ko ------"

"Kung ako nasa posisyon mo nun, aalis ako pero di kita tatawaging malandi, Condeza!" Malamig kong sabi. Mula sa liwanag ng buwan, kita ko kung paano tumulo ang kanyang luha.

"Nycil please." Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harap ko." Please, I'm so sorry. "Pero wala ng makakaalis sa galit na nararamdaman ko.

"The day you broke up with me,nawala si lola sakin. Ikaw yun dapat nandun sa tabi ko. Pero anong ginawa mo? Mas pinili mong mas saktan ako." Mas pinalamig ko pa ang aking boses.

"Kaya hinding-hindi mo ko madadala sa paawa mo. I maybe sound heartless but you deserve all of this shits. You should accept the consequences on what you did."

Iniwan ko siya dun sa gitna ng kalsada na nakaluhod. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto, di ko na mapigilan ang luhang lumabas. Because I am still in pain.

avataravatar
Next chapter