webnovel

Vicious

Marceline's Point of View

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Bigla akong nakaramdam ng gutom at saka ako bumangon, isinuot ko ang aking open-heel slippers.

Bumaba ako, pumunta sa kitchen at humarap sa refrigerator saka ito binuksan. Kinuha ko ang isang bote ng gatas. Nilabas ko ito. Kumuha rin ako ng isang baso at nagsalin ng gatas doon.

I took one sip while heading in my bedroom. Antok na antok ako to the point kusang pumipikit ang aking mata.

Nang buksan ko ang pintuan ng aking kwarto nanlaki ang mata ko. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong baso dahil sa gulat sa kaniya, kung hindi ko nakita ang mukha niya baka nagsisigaw na ako ng tulong dahil aakalain mo siyang akyat bahay. It's Malcolm annoying De Vere. Papasok na siya sa aking kwarto. Ibinaba na niya ang kaniyang paa pagkatapos pumasok gamit ang bintana ng kwarto ko na naiislide.

When he saw me he half-smiled and waved his hand. "Hi!" aniya dahilan para takpan ko ang kaniyang bibig.

"Anong ginagawa mo dito?" mahina kong tanong sa kaniya.

"Remove your一 hands off me," aniya at alis ng aking palad sa kaniyang bibig.

"Lower your voice, please. Katabi lang ng kwarto ko ang kwarto ni Seer." I said.

He nodded. Naglakad siya papapuntang bintana, una siyang lumabas doon at inanyayaan akong sumunod na.

"Tara na," aniya. Umiling ako. "We really have to go, Ave."

"Stop calling me names, please." I hissed.

He's so damn annoying.

Nang makalabas na ako sa aking kwarto. He started going down using the stairs he have--- wait he have?

After his feet landed on the ground I started going down too. Hindi ako takot sa heights at kung titingnan napakababa lang ng taas ng 2nd floor sa 1st floor. So there is no need to use the word scared.

Nang makababa na ako ay nag simula na siyang maglakad.

He led the way. Naglalakad siya habang nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa pockets.

There's something I want to ask him and why he lied about it.

"Hey," panimula ko. Nilingon niya akong nasa likod niya at saka tinaasan ng kilay. "About the thing you told me, yung, 'Say 'I am the marked, you mark---" hindi ako nagkaroon ng tyansang tapusin ang sasabihin ko dahil sumabat agad siya.

"Don't mention it, I know how thankful you are," aniya na nagpalaglag ng panga ko. He's too full of it. "Did you punched him on the face, huh?" ngayon ay nakaharap na siya sa akin, facing me directly, paunti-uti pa rin naman siyang humahakbang papatalikod.

"I did not," sambit ko at una na sa kaniya. Umirap ako habang inaalala kung gaano kataas ang confidence niya.

"You should have grab the opportunity, Marcy," nilingon ko siya sa sinabi niya. I gave him a death glare. Avory? Ave? And now Marcy? Sino hindi maiinis sa kaniya. Itinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay. "Okay, hindi na kita tatawagin ng names, Avo--- Celine." he said and showed his signature half-smile on me.

Celine is better than the annoying three.

The whole road we're about to walk is dark. Wala ka na sanang makikita ngunit salamat sa sinag ng buwan nagbigay ito ng ilaw para kahit papaano ay makita ang iyong madadaanan. Napagawi ang tingin ko sa kalangitan, bilog ang buwan at nakakasilaw ang ilaw na ibinibigay nito.

"Anyway, maglalakad lang ba tayo papapunta sa pupuntahan natin? I'm just curious," I asked.

Tumango siya. We're still walking. "Ganon kacheap si Thorn," Cheap? Si Thorn? I frowned. Siya nga pala ang nagmarka sa akin

Akala ko ako lang ang may alam na si Thorn Casimir Acheron ay isang bampira--- at ang vampire prince. But I just remembered Acheron told me that Malcolm would be coming for me, that means they know each other.

Remembering how he looked at me makes me throw up in fear, tingin niyang nakakamatay, kinilabutan ako bigla.

Nasilaw ako sa headlights ng kotseng paparating sa gawi namin dahilan para iharang ko ang aking kamay. Hindi ko makita kung sino ang driver dahil sa nakakasilaw na hatid nito.

I heard Malcolm's smirk. "Speaking of, buti na isipan niya sunduin ka man lang. He has conscience after all," bulong niya na narinig ko naman.

Tumigil ang kotseng pula sa aming harapan, I saw a guy on the driver's seat, si Acheron ito. It looks like a sports car on my eyes.

So it's Thorn's, is he that rich?

Thorn, Acheron, hindi ko alam kung ano ang mas bagay sa kaniya. But whatever happens kung ano gustuhin ng isipan ko dun ako, who cares if gusto ko ay Acheron or Thorn ang itawag sa kaniya.

Walang hiyang pumasok si Malcolm sa backseat. This guy's really unbelievable.

Binuksan ko rin ang pinasukan niyang pinto. Nang papapasok na ako. Nagsalita si Thorn.

"What am I? A driver?" sabay sarkastikong smirk.

Tiningnan ko si Malcolm na nagkibit balikat lang. So, what is he trying to say? I have to freaking sit on the passenger seat where beside me Thorn Casimir sits? What the heck.

Umirap akong sinaraduhan ang pinto ng backseat. Nagmartsa ako papapuntang harap at binuksan ito. Nakatingin siya daan sa daanan na parang walang pakialam sa akin. Ano rin bang pakialam ko sa kaniya?

Komportable akong umupo. Tiningnan ko si Malcolm, he smiled at me. Inirapan ko lang siya. How dare he! Da't nag-insist siyang siya na lang ang umupo dito sa harapan. Napaka-ungentleman! Napakunot ako, hindi pa rin niya inaadar akong kotse lahit na nakabukas na ang makina at nakahawak na ang kaliwang kamay niya sa manibela.

"Your seatbelt, don't expect me to put that on you." nanlaki ang mata ko nang marealize ang sinabi niya. I haven't putted my seatbelt! He should've told me atleast. Hindi yung tatahimik-tahimik lang siya.

Agad niyang pinaharurot ang kaniyang kotse pagkatapos tumunog ang pag-kakalock ng seatbelt ko.

Napaka-bilis niyang mag-drive, honestly.

Tinitingnan ko ang bawat dinadaanan namin, at isa lang ang sigurado hindi ako pamilyar sa lugar na dinadaanan namin. Kahit na kinain ng madilim na kalangitan ang lugar ay makikita mo pa rin ang kaunti nito. Hindi ko pa napupubtahan kung saan man kami pupunta.

Malakas ang hatak ng pag-tigil ni Thorn ng kaniyang kotse sa harap ng isang mansyon. Prente niyang ipinark ito sa harap ng gate. Agad naman niyang binuksan ang pintuan at lumabas.

"Where are we? What's this place?" tanong ko kay Malcolm.

"Thorn's place." at first I did not get it. Not after we enter the house, itself. Kung hindi ko siguro kasama ang dalawa ay nalaglag na ang aking panga. I saw a picture of Thorn with a mask and an older man. Alam kong siya iyon. Mata pa lang. Naka-upo ang matandang lalaki habang nakatayo naman si Thorn na walang ka-emo-emosyon, I can see it in his eyes and he's not smiling.

Para akong nasa setting ng isang kastila ng disney prince. May chandelier sa pinakagitna ng mansyon at may grand staircase. Wow.

May mga paintings. Iba-iba ito. May isa pang nakaagaw ng pansin ko ang malawak na dapat ay living room na wala si isang furniture. Napailing-iling ako sa ganda nito kahit walang kahit ano. Isa lamang ang mayroon ito, isang clock. Tiningnan ko ang oras. 11:25PM. Malapit ng mag-alas dose.

"Wear these. Doon ka mag-bihis." pagising sa akin ni Thorn sa aking pagkamangha ng place niya. Sa kaniya ba talaga ito? Or it's his dad? He's the vampire prince, anyway. Kinuha ko ang box na ibinigay niya.

Naglakad ako papapunta sa itinuro niya. Binuksan ko ang pinto at nalaglag ang aking panga.

It's a damn dressing room! A huge one. Napailing-iling ako sa ganda. If kasama ko si Seer, I'm pretty sure she'll love this. Sinaraduhan ko ang pinto at tiningnan ang sarili sa salamin. Ibinaba ko ang dala kong box kanina. Tiningnan ko ang laman nito. Una kong tiningnan ang isang masquerade mask. Kulay itim ito na may shade ng silver. Pangalawa naman ay ang isang classic pumps na kulay silver.

Kinuha ko ang isang itim na damit sa box. Ibinagsak ko ito habang hawak-hawak ang itaas na bahagi nito. Napakunot ako.

It's a dress, a lace dress to be specific, mayroong ganito si Seer kaya alam ko. How can I supposed to wear this kind clothing? Napairap ako. Ang design nito ay pa-heartline. Kung susumahin ay mataas ito sa aking tuhod ng ilang inch.

I am not going to wear this!

"Wear these." alala ko ng sinabi ni Thorn. I shook my head. Pumikit ako at tumingin sa salamin.

Fine. Isang gabi---- madaling araw lang naman ito.

Isinuot ko ang lace dress. It's fitted. Sinunod ko naman ang classic pumps sa aking paa. Kinuha ko na ang masquerade mask para lumabas pero tumingin muna ako sa salamin ang itinry ilagay ang maskara sa aking mukha. Napa-buntong hininga ako.

Nang lumabas ako. Naka-upo sa isang hakbang ng hagdan si Malcolm habang Thorn naman ay nakatingin sa kaniyang relo. Napatayo si Malcolm sa kaniyang pagkakaupo habang nakalaglag ang panga. What does that mean? Habang si Thorn. Tinititigan lang ako.

Napansin kong nakatuxedo sa silang dalawa. Pero mas binigyang pansin ko si Thorn. Hindi maalis ang mata ko sa kaniya.

"Isuot mo na ang maskara mo, napakatagal magbihis," aniya sabay kunot ng noo. Inirapan ko lamang siya. Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Ano bang magagawa ko?

Habang papalabas kami. Nakatingin lang sa akin si Malcolm.

"Stop looking at me," I said.

"How can I stop looking at you when it's my own eyes who wants to look at you. Kusang tinitingnan ang kagandahan mo, wow, Marceline... you're so gorgeous."

Nginitian ko lang ang bola niya.

"We don't have time for this sumakay na kayo," ekstra ni Thorn sabay pasok ng kotse.

Pumasok na ako rin ako at si Malcolm.

Hindi ko kinalimutang mag-seatbelt.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa pupuntahan dahil sa pag-tigil niya sa pagdrive na hudyat na ng nandito na kami. Mas mabilis ang byahe kumpara sa pagbyahe namin kanina.

Una siyang lumabas, as usual pati si Malcolm ay lumabas na rin, binuksan ko na rin ang pintuan ko at unang inilabas ang aking kanang paa nang matapakan ko na ang ground ay inilabas ko na ang isa pa at saka sinunod ang buong ako. Pagkasara ko ng pinto ay, wala ako makitang espesyal sa lugar.

May mga puno lang sa paligid at wala ng kahit ano pa.

I saw Thorn walked towards somewhere. Sumunod naman si Malcolm at inaya na akong sumunod na rin. Napakunot ako ng may makitang underground stairs. May lalaking papapunta sa amin. Ibinigay ni Thorn ang kaniyang susi ng kotse doon at tuluyan ng bumaba sa hagdan. Narinig ko ang pagtunog ng makina ng kotse niya. Mayroon rin bang underground garage para sa kotse? I'm curious. This is unbelievable.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan, nanlaki ang mata ko sa nakita. Maraming tao. Sa round table may mga nakaupo roon. Mostly, red at black ang suot nila. The theme itself, kulay itim at pula ang iyong makikita. May red carpet papasok. Nangunguna si Thorn at sabay tayo ang lahat. Tumigil si Thorn at inilahad ang kaniyang kamay sa akin. Hindi ko alam ang ipinahihiwatig niya pero inibot ko pa rin iyon. Ipinasok niya ang aking braso sa kaniyang braso. Nagsimula ng magbulungan ang lahat at alam ko na kung para saan ang gesture ni Thorn na iyon.

Umakyat kami sa parang isang entablado. Mayroon doong dalawang upuan at isang maliit na bilog na lamesa na pinaggigitnaan ng dalawa.

Si Thorn ay umupo sa mas malaking upuan at ako naman sa isa. Pagkaupo namin ay umupo na rin ang lahat.

I don't get what's happening.

"Isigaw mo kung ano ang sasabihin ko."

Kininutan ko siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"

"Stand up, shout what I will say. I'm her. I'm his. The marked, I say in my name. Let's cheers with blood." aniya at abot sa akin ng isang baso ng wine. Na may pulang liquid. No way, don't tell me, it's a blood? "Do it!" utos niya.

I stood up. I cleared my throat. "I'm her! I'm his! The marked, I say in my name. Let's cheers with blood!" sigaw ko na nagpatayo sa lahat. They raised their glass of blood and drank it. Ininom ko rin ang akin.

Nginitian ako ni Thorn. I thought I am hallucinating but he really did. Itinaas niya ang kaniyang baso at sabay inom ng dugo.

Natigil ako sa pagtitig kay Thorn nang bumukas ang pinto sa side ng aking kaliwa. May lumabas ditong mga lalaking nakamaskara din ngunit may kakaiba. May hawak silang mga patalim.

Gumulo ang mga tao ng simulang manaksak ang mga ito. Tinitingnan ko lamang silang mga naglalaban. Hindi ko maigalaw ang aking paa para tumakbo at tumakas sa madugong nangyayari.

Ako ay naliwanagan ng makita ko ang likod ni Thorn. Hinarap niya ako. Namumula siya.

"Let's go." aniya. Tinitigan ko lamang siya dahil sa pagkagulat sa mga nangyayari. "I said let's go!" sigaw niya at higit niya sa aking kamay.

Lumabas kami sa kung saan kami pumasok pero imbis na dumiretso ay sa other side kami dumaan at doon nakita namin ang pulang kotse. Binuksan niya ito gamit ang kaniyang susi. Hindi ko alam kung paano at kailan niya nakuha muli ang susi pero hindi ko na iyon pinag-isipan pa.

Pinaharurot niya ang sasakyan bago namin malagpasan ang underground stairs ay nakita ko may humabol na sundan kami pero dahil sa bilis ng takbo ng kotse hindi na niya kami naabutan ba.

Si Malcolm. "Si--- Malcolm." ani ko kay Thorn.

"He can handle it, don't worry."

Tumigil kami sa isang tahimik na lugar. Bilog pa rin buwan.

Lumabas si Thorn at umupo sa cover ng kaniyang sa sasakyan.

"Those are inquisitive?" tanong ko.

Umiling siya. "They're worse, they're the vicious vampires," sabi niya. "Magpaumaga muna tayo dito, delikado." tinabihan ko siya. I looked at him. Namumutla siya at namamawis. Hawak niya ang kaniyang t'yan. Nihawi ko ang kaniyang tuxedo and there I saw, a lot of blood. He's hurt.

"M-May saksak ka."

"This is nothing, don't mind me."

"Nothing?" my sarcasm hitted.

Tumango siya habang kita pa rin ang kirot sa mukha niya.

I gulped. "That day, are they the one who stabbed you to death too?" tanong ko sa kaniya. Ito na ang pangalawang beses na makita ko siyang nay saksak, hindi gaano kasing lala noong una pero yung fact na may saksak siya, hindi ko iyon maalis sa isipan ko.

Malalim ang paghinga niya. "Yes, sila rin iyong sumasak sa akin. Vicious vampires, they will never stop until they kill us, my father and I."

"W-Why would一" I couldn't continue what I am about to say because he cutted me in.

Bumuntong-hininga muna siya. "I have a question," lumalalim na lalo ang kaniyang paghinga. I know he's a vampire but that doesn't make sense. Wala lang daw iyung saksak sa kaniya? He's too proud of himself. "Why did you trust me, after what I did?" tanong niya na dahilan ng pagtingin ko ulit sa kaniya.

"Because I just did," sambit ko sa kaniya. Actually, the fact na iyong iniisip kong dahilan ng pagmarka niya sa akin ang nag-udyok na sumama sa kaniya at pagkatiwalaan siya, that's why I trusted him.

Tiningnan ko ang buwan at humiga sa cover ng kaniyang kotse.