webnovel

Awareness

Marceline's Point of View

Nakakatakot ang titig niya, hindi ko rin mabasa ang ipinahihiwatig nito kaya umiwas agad ako nang makaramdam ng pagkalamig sa katawan, those eyes sended shiver down my spine.

Titig pa lang niya kinikilabutan na ako. No wonder he's the so-called "prince".

"Why?" I asked.

Tiningnan niya lamang ako na para bang walang balak na sagutin. Napakawalang puso ng nilalang na 'to. How come nagagawa niyang tingnan ako ng wala lang? Tingin na para bang wala siyang ginawa sa akin.

He sighed. Anong ikabubuntong-hininga niya?

"Sabihin na nating uhaw na uhaw ka. Anong gagawin mo sa tubig na nasa harapan mo, tititigan mo lang?" Napakunot ako sa sinabi niya pero makaraan ng ilang segundo ay naintindihan ko rin ito.

Nag-init bigla ang dugo ko sa kaniya. "Ang ibig mo bang sabihin ay wala kang choice dahil uhaw na uhaw ka na? You're so heartless to think it that way. At isa pa wala ni isang sorry akong naririnig sa iyo parang minamiliit mo pa ako at kasalanan ko pang ako yung nagpatibong sa sarili ko sa uhaw na uhaw na bampirang tulad mo!" sigaw ko sa kaniya. Prenteng-prente lang siya.

Nagulat ako sa sunod na kaniyang ginawa. Hinawakan niya ang dalawang braso ko at isinandal ko sa pader.

"Yes, you're correct. Wala akong choice. And..." aniya habang nakatingin sa aking mga mata. Nanlambot ang tuhod ko nang ikinulong niya ako.

I frowned again. Bakit bigla akong nakaramdam ng kung ano man sa aking sistema? Iyong titig niya... sincere.

Umalis ako sa pagkakakulong niya sa akin saka ako bumuntong-hininga.

"Ibalik mo ako sa dati," nakatingin ako sa sahig habang sinasabi iyon dahil hindi ko siya matingnan may nararamdaman kasi akong nakakapangamba.

"I am afraid that won't work," aniya. "Kalahating bampira kana."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, gusto ko siyang kamuhian pero I'm at fault too. Naiinis ako dahil binigyan ko pa siya ng pansin kagabi at alam kong kasalanan ko kung bakit ako naging ganito. Kung hindi ko sana siya pinuntahan, sana... sana normal pa ako.

Tiningnan ko siya, nakatingin lang rin siya sa akin. Hindi ko magawang hindi depinahin ang pagkatao niya, kung tititigan mo siyang mabuti para lang siyang normal na badboy college student. It will also never come into your mind that he is a vampire because we all assume vampires aren't real, they are just fictional but we're all wrong, they are real.

I looked away, I can't look at him that long. Hindi ko rin maipaliwanag ang dahilan.

Gusto kong tanungin kung iyong bang sinabi sa akin ni Malcolm about sa pagpapakilala sa marked sa likod ng isang maskara ay totoo ngunit hindi ko kaya.

"Pupuntahan ka ni Malcolm sa bahay mo bago mag-alas dose. Siguraduhin mo na walang makakakita sa iyong kapamilya mo, masyadong delikado," he said. I looked at him. Nakatitig pa rin siya sa akin rason para mapaiwas ulit ako.

I can't explain why my heart's beating fast. If I'm just scared then that's good but if not... it's not.

Tumalikod ako dahil iba na talaga ang nararamdaman ko.

"You can now leave and just to remind you. Don't ever took off your mask," aniya rason para maglakad na ako papalabas.

Nang marinig ko na ang tunog nang pagsarado ng pinto agad akong nagpwestong naka-upo at saka hinawakan ang aking puso.

Ang lakas ng pagtibok nito. Ganito ba talaga kapag bampira na? Mahina na ang puso?

"Ms. Haven?" napatayo ako sa puwesto ko nang marinig ang sinabi ng isang boses.

"M-Mrs. Walter," I said then bow.

"Nadala mo na ba yung pinapadala ko?" tanong niya. I'm still curious. How can I know if someone's a vampire? The curiousity's killing me.

Nagulat ako sa pagbukas ng pintuan sa aking likuran, tiningnan ko ito at iniluwal nito si Thorn. Umiwas agad ako, he's smirking, what was that?

"O-Opo, uuna na po ako," I said, I think it's better na layuan ko iyong si Thorn para iwas ako sa trahedya. There are rumors na barumbado iyon. Mas mabuti nang dumistansya ako.

Nagmartsa ako papaalis ng lugar na 'yon at dinala ako ng paa ko sa subject ko after ng lunchbreak.

Sumalubong sa akin ang mga kaklase ko. They're all busy doing their own businesses.

Umupo ako sa aking upuan at pumikit. Saka isandal ko ang aking mukha sa armchair.

My senior high life is starting to be a hell, mas malala.

But I can't stop wondering, of all people why me? Bakit sa dinami-dami ng taong pedeng maging marked niya bakit ako pa?

Hindi maalis sa isipan ko si Thorn— lalo na ang mata niyang madilim. It's so scary that even imagining will make you scared.

Nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid kaya't imininulat ko ang aking mata at itinaas ang aking ulo.

What the... bakit lahat sila'y nakatingin sa akin?

"Hello, Marceline," That voice. Nilingon ko ang aking katabi na dapat ay wala talaga at bakante.

I sighed, Malcolm.

Kaya pala tumahimik, who wouldn't be shocked? No one has ever sitted beside me unless they need something, tapos si Malcolm pa ang tatabi sa akin? Unbelievable.

"Why are you there?" I asked while looking at the floor then looks at him.

"Bakit? Masama ba?"

Napairap ako. Hindi ko na siya nasagot dahil pumasok na ang aking professor na kasama ang isang student lecturer na.

Isa pang pasakit ang isang ito.

*

Nang mag-dismissal at naglabasan na ang lahat. Ako, hindi pa rin tapos sa pagsusulat ng notes. They just took a photo of the lectures. Habang ako hindi ko nadala ang phone ko kaya struggle.

"Send ko na lang sayo yung notes, huwag ka ng mag-abalang magsulat hindi rin naman lahat 'yan ay lalabas sa exam," Lumabas na ang lahat maliban sa kaniya.

Nakakainis.

"Are you a fortune-teller to say that?" I asked him. Tiningnan ko siya ng ilang segundo then tingin muli sa whiteboard. Hindi naman pala, e.

"I'm not, but that's a fact," pahabol niya sabay kindat.

"Ms. Haven, Mr. De Vere," tiningnan nain ni Malcolm ang nagsalita.

It's our student lecturer, si Sir David Morquelez.

He smiled at us.

"Alam niyo it is not a good thing to assume na hindi lalabas sa test ang mga tinuturo ng profs niyo, dapat magbase kayo sa notes and lectures," he showed us a material, papers. "Here's the lectures from Professor Armani's last lesson, I am pretty sure that will show up on the upcoming test, be generous too, it is not bad to share your blessings," he laughed and bid goodbye to us.

"Isn't he nice?" sabi ko kay Malcolm.

"That's the same thing I was telling you, mas mahaba labg at cool lang yung sa kaniya."

I glared at Malcolm. "Whatever," sabj ko sa kaniya.

Iniinis niya ba talaga ako? Kinalma ko ang sarili ko para hindi mainis sa kaniya. He's a good person, he is, remember that Marceline.

"Pede ka ng lumabas baka malate ka pa sa next subject mo," gusto ko lang talagang tigilan na niya ako kaso ayokong itaboy siya, siya lang ang nag-iisang bampira na mapagkakatiwalaan ko... sa ngayon.

"Our. Next. Subject, and no, I'll wait for you," aniya na may bahid ng pagdiin.

Nginitian ko siya saka bumuntong-hining, napag-desisyunan ko ng papasukin siya sa buhay ko. He's trust-worthy, I guess?

My second subject after lunch wasn't that good, everyone's attention was on me, on us rather to be specific. They are all curious, confused and aroused why Malcolm de Vere is sitting beside me. Nahihiya ako sa tuwing kinakausap niya ako, hindi sila sanay at komportable doon, maski ako.

Vacant ang schedule ko after ng second subject kaya nagpagpasyahan kong pumuntang Cafeteria para magrefresh ng utak, titingnan ko rin kung normal na ba ang sikmura ko para makainom ng mga iniinom ko dati.

May mga estudyante pa ring nakain kahit mamaya pa ang afternoon break.

Umupo ako sa isang upuan, beverage lang ang binili ko at hindi na nag-abalang bumili ng pagkain kailangan ko lang ng magrerefresh sa aking sistema. Agad kong isinandal ang aking likod sa chair ng cafeteria. Tinititigan ko lamang ang aking inumin habang lumilipad ang aking utak.

What will happen next? Hindi mawala-wala sa utak ko ang tanong na 'yon. I'm not sure what will happen next. If it will be the end of my life or the end of my misery. I don't know.

"Tititigan mo lang ba 'yang bote?" ani ng isang boses na ikinagulat ko.

Napapikit ako ng makita kung sino ito. "Anong ginagawa mo dito?" I asked him, si Malcolm.

He gave me a half-smile that showed his dimple before giving me a respond. "Ano bang gagawin kapag nasa cafeteria?" nakatingin siya sa aking mata habang sinasabi iyon. "Don't assume things, Marceline," dagdag niya pa.

I disgust. "Really? Then, there's lot of vacant seat here bakit diyan ka umupo? I'm not assuming things. It's too obvious to assume."

Ngumiti na naman siya ng kalahati na litaw muli ang kaniyang dimple. "Kaya ang sarap mong kausap, e. You're straightforward."

Hindi ko na pinansin si Malcolm bagkus ay binuksan ko na ang inuming aking binili at uminom. It doesn't taste weird that's why I'm relieved.

"That's your bestfriend, right?" tanong niya habang nakatingin sa entrance ng cafeteria.

Nagpatingin ako sa kaniyang tinitingnan.

"Saoirse Forbes," aniya.

"How... How did you know?"

"Sino bang hindi makakilala sa kaibigan mo? Seer. Everyone thinks she's delicious." napakunot ako sa sinabi niya.

He's crazy.

"Dare to suck a drop of blood from her, I swear, hindi ka na sisinagan ng araw pa," banta ko sa kaniya.

He chuckled. "Woah, woah that was scary pero sino bang may sabing yung dugo niya ang tinutukoy ko? She's so damn hot that plenty of guy in this campus wants to see her naked and taste her pearl," Nabatukan ko siya ng wala sa oras. "Aray!" aniya at inda ng sakit.

"Shut up, do you even know you can be jailed with that kind of words? Someone might hear you and misunderstood you as a sexual offender," I said.

"I'm just saying what I've heard for a couple of times."

"Isa ka rin sa nagsasabi non, don't be in denial."

Nag-pout siya. Pacute, pero cute naman.

---

Natapos ang araw kong laging nakasunod sa akin si Malcolm para ko na siyang anino dahil lagi siyang nasa likod ko rason para hindi ko na matignan ng maayos ang aking dinadaan dahil nahihiya ako sa mga tao. Lagi akong nakayuko dahil sa hiya, sikat si Malcolm kaya nagtataka ang mga tao kung bakit ako sinusundan ng tulad niya.

"Kelan mo pa nakaclose 'yon?" tanong sa akin ni Seer habang kami ay naglalakad papauwi. She's talking about Malcolm, kalat na sa campus, great. Sa tingin ko may kung ano-ano na ring kakalat tungkol sa anong meron kaming dalawa.

'Ngayong araw lang' sana ang sasabihin ko kaso iba ang lumabas sa aking bibig. "Hmm, I can't remember." pagsisinungaling ko. Magiging suspicious kung sasabihin ko ang totoo, ayokong malaman niya ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Malcolm. Ayokong ni isa sa kanila ang makalam na bampira na ako 'cause it's unbelievable stupid.

Tumango-tango na lang siya. Nakapagsinungaling ulit ako sa kaniya na never ko pang ginawa. Alam lahat ni Seer ang sikreto ko at wala sa bokabolaryo ko ang magsinungalingn sa kaniya, mabilis siyang makaalam kapag nagsisinungaling ang isang tao kaya nga Humms din siya tulad ko pero kahit na alam niyang nagsisinungaling ako ayaw niyang ibring up kasi alam niya ring may dahilan ako. Ganon niya ako kakilala at ganon ko rin siya kakilala.

When we came home wala pa si Tito Gordon habang si Tita Emma naman ay sinalubong kami. Si Krei naman ay palagay ko nakakulong na naman sa kwarto niya at naglalaro ng computer games.

Tinulungan kong magluto si Tita for our dinner. Si Seer ay busy sa paggawa ng research niya raw sa taas, alam kong nang-iistalk lang naman siya.

I'm guilty for some reason, patay na patay siya sa lalaking sisira sa kinabukasan ko at sa mundong hindi namin kailan man naisip ako ang prinsesa niya. This sounds bullcrap, pero parang lumalabas na hinuli ko ang isdang matagal na niyang gustong hulihin. Or I'm just thinking stuff? Hindi naman siguro dadating sa point na kailangan kong makasama ang Thorn na iyon araw-araw.

Nang matapos si Tita Emma sa pagluluto inayos ko na ang hapagkainan. Nagmano ako ng dumating na si Tito Gordon galing sa kaniyang trabaho saka tinawag ko na rin sila Seer at Krei sa taas.

Kumain na kami pagkatapos mag-dasal.

"Kamusta ang trabaho, honey?" tanong ni Tita kay Tito.

"Stress, sa kabilang bayan may kaso. Hindi namin makita kahit saang anggulo ang dahilan ng pagkamatay ng biktima," laging ganito ang conversation kapag nasa hapagkainan kami at kakauwi lang ni Tito. Laging tatanungin ni Tita kung kamusta ang trabaho nito at sasagot naman si Tito kung ano kaya hindi na bago sa amin kung brutal ang pag-uusapan kapag kami ay nakain.

"Ano bang ikinamatay?" tanong ni Tita.

"Naubusan ng dugo," natigil ako sa aking pagkain.

"Dad, naubusan?" sali ni Seer.

"Yes, all of it." sagot ni Tito.

Hindi ko magawang makisali dahil may pumapasok sa aking isipan na vampire ang dahilan ng pagkamatay ng biktimang iyon. I thought vampires don't drink human blood anymore? Or probably meron pa rin mga umiinom because they're so thirsty that they just grabbed what's in front of them---- like what Thorn did. Naiintindihan ko na nang mas malalim ang tanong niya sa akin kanina. He doesn't want to die, ayaw niyang mamatay kaya kahit na ikasisira ng taong iyon ang buhay nito naging selfish siya dahil... he wants to live. Lahat ng tao hindi gugustuhing mamatay agad.

"That's weird," ani Seer.

"It's not. There's a lot of things we don't know in this world, ate. So many secrets untold," si Krei.

Our conversation ended and after that. After all choirs to do umakyat na ako at inihiga ang aking sarili sa kama.

Nakatingin ako sa kisame and realized--- I realized hindi niya sinasadyang ako ang naging biktima niya and he chose to mark me on my shoulder, upang hindi ako mamatay.

Naalala ko ang sinabi ni Malcolm.

"Kapag kinagat sa leeg ang isang tao, mamatay ito dahil pagkauhaw lang sa dugo ang rason. Kapag naman sa balikat, markado na. Sa iyo na. In your case, prinsipe ang nagmarka sa iyo."

Awareness awaken.

Pedeng-pede niya akong kagatin sa leeg at patayin na lang, he's not that selfish, he wants me to live too eenthough he had a choice to kill me, he chooses to be alive and also for me to live.

"He's not selfish," bulong ko sa aking sarili.