Kinabukasan.
Nagising si Issay sa malakas at sunod sunod na katok ng kasera. nya.
"Issay, (tok,tok,tok) gising ka na dyan! Asan na ang upa mo? Sabi mo ngayon ka magbabayad diba?"
Sigaw nito para marinig ni Issay.
Naalimpungatan si Issay sa nadidinig na ingay ng kasera nya.
"Jusmiyo ang aga naman maningil ni Madam Zhen. Pwede bang 5 minutes pa?"
Hirit ni Issay na nagtalukbong pa ng kumot.
"Issay, Issay! Ano ba? Sabi mo magbabayad ka ngayon? Tatlong buwan ka ng delay ah!"
Sigaw ulit ng kasera nya.
"Haaaist! Goodbye tulog!"
Iritang bumangon si Issay.
Ala itong nagawa kundi bumangon. Pupungas pungas itong bumaba ng hagdan saka nagtungo sa pinto para pagbuksan ang kasera nito.
"Good morning din po, Madam Zhen!"
Bati ni Issay na nakapikit ng kalahati ang mga mata.
"Good morning ka dyan! Aber, asan na ang upa ng apartment? Kailangan ko ng pera ngayon at bayaran ng tuition. Baka hindi makapagexam ang anak ko kapag di sya nakabayad!"
Sabi ni Madam Zhen na inimbitahan na ang sarili papasok sa apartment ni Issay.
"Eh, Madam Zhen, hehe, pwede po bang dalawang buwan muna ang bayaran ko at medyo matumal po kasi ang benta ko?"
Pakiusap ni Issay.
"Haaay naku naman, Issay! Oh, sya sige! Basta sa susunod na buwan dalawa ulit ang babayaran mo, ha!"
Sabi ni Madam Zhen.
Napangiti si Issay.
"Marami pong salamat, Madam Zhen! Ang bait nyo po talaga!"
"Asus, inuuto mo na naman ako!"
Sabay kuha ng pera sa kamay ni Issay, hindi na nya inantay na iabot sa kanya.
"Basta mamaya, umuwi ka ng maaga ha, at turuan mo ang mga anak ko!
Exam week nila sa isang linggo!"
Pahabol ni Madam Zhen.
Napangiti na lang si Issay.
'Ay grabe, kaya pala ambilis pumayag.'
'Ewan ko ba naman ba't naging problema ko ang pagtuturo sa mga anak nya, eh hindi naman ako ang nanay!'
'At saka hindi man lang ako tinanong kung libre ba ako.'
'Baka busy ako, nuh? ... marunong din naman akong maging busy ah!'
'Porke ba't wala akong lablyf hindi na ako busy?'
Pero hindi kayang sabihin ni Issay ang mga saloobin nyang ito.
Mabait kasi si Madam Zhen sa kanya kahit na pumapalya sya ng upa at saka hindi tama ang sumagot sa mas nakakatanda sabi ng nanay nya.
"Madam Zhen pag dipo ba ako nakabayad sa inyo ng upa paaalisin nyo po ba ako agad agad? Nadinig ko po kasi na andaming nagkakainteres dito sa inuupahan ko."
Tanong ni Issay.
"Oo, marami ngang nagkakainteres, pero nakatira ka na, kahit minsan nadedelay ka hindi naman madalas. Ba't pa ako hahanap ng iba?!"
Sagot ni Madam Zhen.
Pero hindi lang yun ang dahilan kaya ayaw nyang umalis si Issay.
'Saka, ano pa ba ang hahanapin ko dito kay Issay, e libre nyang tinuturuan ang mga anak ko.'
'Mahal kayang magpa tutor. Hehe!'
"Kahit na po may mag alok sa inyo ng malaking halaga?"
Tanong pa ni Issay.
"Oo naman, pangako yan! Bakit naman kita paalisin kung pwede ko naman taasan ang upa mo? O sya, sya! busy ako, marami pa akong sisingilin! Basta, mamya wag mo kalilimutang umuwi ng maaga at turuan ang mga anak ko ha!"
Sabi ni Madam Zhen na tumayo na para umalis.
Issay: "Opo, Madam Zhen, salamat po!"
Pagalis ng kasera nag handa na rin si Issay, kailangan maaga sya ngayon at maraming mamimili.
Habang nasa daan ito, tumawag si Atty. Felipe Calderon.
Atty. Calderon: "Hello po Ms. Isabel. Maari po ba kayong pumunta sa opisina, ngayon?"
Isabel: "Sorry po Attorney, pero busy po ako! Hindi kasi ako nakapagtinda kahapon kaya kailangan kong bumawi ngayon."
Atty. Calderon: "Pero Ms. Isabel, kailangan pong iproseso ang mga iniwan ni Mr. Luis Perdigoñez, sa inyo at kailangan po ng pirma nyo."
Isabel: "Attorney, sinabi ko na po kahapon diba, wala po akong planong tanggapin ang Sampung Milyon Piso!"
Atty. Calderon: "Ngunit Ms. Isabel, ito po ang huling habilin ng namatay, mas mainam po na ..."
Pero hindi na nya natapos ang sasabihin at nagsalita agad si Issay sa kabilang linya.
Isabel: "Teka po Attorney, wala po ba akong karapatang tumanggi?"
Atty. Calderon: "Hindi naman po sa ganun Ms. Isabel, pero para po sa ikatatahimik ng namatay hindi po ba mas mainam na tanggapin ninyo?"
Napataas ang kilay ni Issay.
'Para sa ikatatahimik ng namatay? Paano naman ang katahimikan ko? Pag tinanggap ko ang perang yun tyak simula na ito ng matinding bangungot ko!'
'Hindi ba nya nakita ang mga mukha ng kamaganak ni Kuya Luis kahapon? Parang gusto akong lulunin ng buhay?'
Kilala ni Issay ang ugali ng mga kamaganak ni Luis sa motherside nya dahil lagi itong naikukwento ni Luis sa kanya nung mga bata pa sila.
Si Issay kasi ang sabihan ni Luis pag may problema at ang madalas nyang problema ay ang mga bwisit na kamaganak nyang yun.
Puro sakit at sama ng loob na lang ang ibinibigay nila sa ina ni Luis.
Isabel: "Attorney, alam ko pong ginagawa nyo lang ang trabaho nyo pero sana po maintindihan nyo, wala po talaga akong interes sa mga bagay na hindi ko po pinaghihirapan, lalo na ang mga bagay na magdudulot sa akin ng kapahamakan!
Paalam po Attorney!"
(tut, tut, tut)
At ibinaba na nya ang phone.
*****
Sa di kalayuan, ay may nakamasid na dalawang mata. Kanina pa nito pinagmamasdan ang kilos ng isang tindera ng prutas.
Ang mga kilos nitong puno ng sigla ay sadyang nakakahawa sa pakiramdam ng mga kustomer nya.
At ang nakakabighani nitong mga ngiti na abo't hanggang tenga ay kay sarap pagmasdan. Tyak na mapapabili ang sino mang nakakakita.
"Totoo pala, isa lamang syang tindera ng prutas! Pero bakit nya tinanggihan ang iniwan ng Papa na Sampung Milyon sa kanya? Ano ang dahilan nya?"
Sambit ng binata.
Nagulat sya ng tawagan sya ni Atty. Calderon para sabihing ayaw tanggapin ni Issay ang Sampung Milyong iniwan ng Papa nya. Kaya kailangan sya ang gumawa ng paraan para tanggapin ito ni Issay.
Isa ito sa utos ng kanyang ama.
Simula pagkabata nasaksihan na ni Edmund ang respetong binibigay ng mga tao sa kanyang ama, lalo na sa mga inaabutan nito ng tulong. Pwera lang sa mga kamaganak nila.
Kaya naman, hindi nya talaga maintindihan kung ano ba talaga ang problema ng babaeng ito?
'Sinong TANGA na aayaw sa Sampung Milyon?'
Hindi nya maubos maisip kung bakit nito tinanggihan ang iniwan ng kanyang ama.
'Nagpapaimportante ba sya?'
"Hindi ba nya naintindihan kung ano ang idudulot na problema pag hindi nya tinanggap ang iniwan sa kanya ng Papa?"
'Saka, wala ba syang respeto sa tatay ko?'
'....at bakit ganun sya kung ngumiti?'