"Void Space Eye Slash!"
Habang nagtatama ang dalawang intents, isang maliit na patalim ang biglang lumabas sa ere na siyang tumusok sa anyo ni Kamatayan, at isang aura of Destruction ang kumalat sa kanyang katawan.
Parehong ang mga kakampi at mga kaaway ay nagulantang.
"Hindi kaya ang sutil na iyan ay...?"
Sa pagkakataong iyon, naunawaan na ng maitim na elder ang katotohanan. Sa kabilang banda, namamangha siya sa nakasisindak na eye-bloodline ni Zhao Feng, pero ganoon pa man, nahihiya siya sapagkat ginamit lamang siya nito.
Hmph!
Isang malamig at mapangutyang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng.
Parehong ang maitim na Elder at ang anyo ni Kamatayan ay mga taong lagpas-lagpasan na sa limitasyon ng kanyang kayang labanan.
Ang mga bagay-bagay ay lumagpas na talaga sa kanyang ekspektasyon kung kaya kahit ang isang Half-Step Void God Realm ay umatake na rin.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者