webnovel

Ang Nakakatakot na Anyo ni Kamatayan

Editor: LiberReverieGroup

"Tulong?"

Ang ekspresyon ng maitim na elder ay nagbago nang may naramdaman siya.

Whoosh~~~~

Isang guhit na itim ang tumutungo sa direksyon nila.

70-80% ang paniniwala niya sa sinabi ni Zhao Feng

"Katakot-takot na aura of Death! Malamang ay nasa peak stage Great Origin Core Realm na ang cultivation ng bagong dating na ito."

Nagulat ang maitim na elder. Naisip niya na isang malaking kalaban ang anyong ito, pero hindi siya nagpakita ng senyales na siya'y susuko.

Shua!

Umalis ang maitim na elder sa kasalukuyan niyang laban at lumipad ito sa langit. Naglabas siya ng aura of Fire habang tumungo siya sa anyo ng Kamatayan.

"Siya'y…!"

Nakaramdam ng pag-init ng katawan sina Zhao Feng at ang mga kasama niya at nanuyo ang kanilang mga bibig.

"Scarlet Cloud Sky Explosion!"

Naglabas ng nagliliyab na ulap ng apoy ang maitim na elder na siyang sumunog ng lahat ng nasa loob ng dose-dosenang milya. Ang kagulat-gulat na lakas ng maitim na elder ay ginulat pati ang malayong labanan.

"Nakakatakot na Fire Bloodline!"

Napahinto sina Zhao Feng at ang kaniyang mga kasama. Naramdaman niyang kahit magsama-sama pa ang Ghost Corpse Cursed Array at ang Skeletal Division Leader ay hindi pa rin nila mahaharangan ang atakeng iyon.

Kasabay pa nito na hindi niya mapigilang humanga sa bilis umatake ng maitim na elder sa kung anong anyo.

"Scarlet Cloud Sky Explosion~~~~~!"

Sumabog abf scarlet sun at nilamon nito ang planeta at saka bumagsak sa anyo ng Kamatayan.

"Hmph! Ano ang karapatan ng matandang ito para atakihin ang Representative of Death?"

Ngumisi ang matangkad na anyo at lalo pa itong bumilis.

Whoosh! Boom~~~~

Nagtalo ang pula at itim na anyo. Kuminang ang kalangitan at ang earth habang nilalamon ng dilim, ng air of Death, at ang mga apoy ay kumalat. Ang tunog ng mga pagsabog ay lumagpas na sa limit ng pandinig ng tao.

Natunaw ng shockwave ang mga bundok at mga ilog sa ilalim.

Boom! Boom! Boom!

Yumugyog ang Blue Lightning Sky Ship at ang Ghost Corpse Cursed Array naman ay nagsimulang mawala.

Wah!

Dumura si Li Yunya ng dugo. Iyon ay pagkatapos pang bumaba ng lakas ng array ng 30-40%.

Nagsimulang matakot sina Zhao Feng at ang Skeletal Division Leader.

Bo~~~

May isang alon ang dumaloy kay Zhao Feng na nagpahina sa lakas ng shockwave.

"Nasa peak of Origin Great Core Realm siguro ang lakas ng maitim na elder…."

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye habang siya'y nanood mula sa malayo.

"Scarlet Cloud Sky Explosion? Hindi ito maganda! Nakakita siguro ng malakas na kalaban si Elder Wei kung kaya't ginamit niya ang secret technique na iyon."

Naramdaman ito ng mga eksperto ng Six Ring Palace mula sa malayo.

Ding! Ding! Boom!

Nagtalo muli ang figure of Death at ang maitim na elder. Para bang bulkang sumisira ng lahat ang mga atake ng maitim na elder, samantalang ang sa figure of Death naman ay sa isang misteryosong paraan ito nakipaglaban.

"Maganda ang lakas mo, tanda. Pero nakakagulo ka sa misyon ko."

Isang malabong itim na patalim ang lumitaw sa kamay ng figure of Death at napapagiliran ito ng itim na usok.

Fwoosh!

Pumunit ang patalim na ito sa hangin at humiwa patagos sa pulang apoy at papunta sa maitim na elder.

"Ikaw…!"

Napatigil ang maitim na elder. Kahit sinubukan niyang umilag ay nasaksak pa rin siya ng patalim na ito sa kanan niyang balikat.

Kumalat agad sa katawan niya ang cold intent of Death. Sobra pa ito para makapatay ng normal Great Origin Core Real Sovereign Lords, pero hindi simple ang maitim na elder. Maikukumpara kay Zhao Feng ang ranggo ng bloodline niya.

Crack!

Pinaikot ng maitim na elder ang kaniyang bloodline power at pinwersa niyang putulin ang kanan niyang braso gamit ang liwanag ng pulang apoy.

Naligtas niya ang buhay niya sa halaga ng isang braso.

"Mamatay ka na!"

Puno ng lamig ang boses ng figure of Death habang sumusugod ito sa maitim na elder.

"Dito na matatapos ang buhay ko…."

Nanginig ang dibdib ng maitim na elder. Mas mabilis pa ang kalaban niya kaysa sa kaniya.

Base sa opensa, malakas ang Fire bloodline niya ay bihasa ito sa pag-atake, at hindi pa ito mas mahina kaysa sa kalaban. Ang problema lamang ay mayroon noong malabong maitim na patalim ang kalaban niya, at naglalaman ito ng intent of Death. Lumagpas na ito sa Origin Core Realm at kaya nitong takutin ang mga nasa Void God Realms.

Bakit nasa isang two-star battlefield ang ganito kalakas na kalaban?

"Masyadong mala-halimaw ang tulong mo. Hindi man lang kinaya ng overseer ang mga atake nito."

Huminga ng malamig si Li Yunya. Ang ekspertong ito ay maikukumpara sa lahat ng nasa ilalim ng Void God Realm.

"Eye of Ice Soul."

Umungol si Zhao Feng at naging nagyeyelong panubigan ang kaliwa niyang mata.

May isang kakaibang nagyeyelong aura ang pumuntirya sa figure of Death.

Tanging ang God's Spiritual Eye lamang ni Zhao Feng ang may kakayanang pumuntirya sa galaw ng figure of Death, at kaunti lamang ang kaya nitong gawin doon.

Sa nakalipas na kalahating taon, tumaas nang sobra ang kaniyang cultivation at state of existence, at ang tubig-tubigan sa kaliwa niyang mata ay sumobra pa sa 30 yarda ang nilaki.

Shuuu!

Bumagal lamang ng 10-20% ang bilis ng anyo sa ilalim ng Eye of Ice Soul.

"Ganoon lamang ang kayang ibawas sa bilis noon gamit ang eye-bloodline ko at ang aking God's Spiritual Eye?"

Nalaglag ang puso ni Zhao Feng.

Ang Eye of Ice Soul niya ang pinakamalakas niyang controlling technique, at kaya nitong gawing 'sing bilis ng pagong ang bilis ng mga Normal Sovereigns. Miski ang bilis ng normal Great Origin Core Realm ay kalahati ang maibabawas nito sa bilis.

Swerte lamang na sakto na ang 10-20% na bawas ang kinakailangan para medyo bumagal ang killing move ng figure of Death.

Shua!

May lumitaw na madugong sugat sa likod ng maitim na elder na siyang nagpa-ungol sa kaniya.

"Anong nangyayari?"

Nakita niyang si Zhao Feng ang lumigtas sa kaniya.

"Hindi ba siya ang tulong mo?"

Nalito si Li Yunya.

Boom!

Kaya lamang ay sa ganitong kritikal na oras, pina-ikot ng maitim na elder ang kaniyang True Yuan at bloodline power. Naglabas siya ng katakot-takot na ulap ng apoy habang sumugod siya sa figure of Death.

"Masyadong mabilis ang kalaban. Mamamatay ako kug tatakbo ako. Baka maantala ko lamang siya hanggang sa dumating ang tulong."

Malinis at kalmado ang isipan ng maitim na elder.

Hindi nasa isang lebel ang dalawang magkalaban kahit pa ang lakas ng elder ay isa sa pinakamagaling na Great Origin Core Realm.

"Darating lagi ang kamatayan kahit ano pa ang gawin mo."

Ang patalim ng figure of Death nay naglabas nanaman ng aura of Death.

Whoosh!

Sumigaw muli ang elder, Lumipad ang mga dugo nito sa ilang dosenang yarda.

Kung hindi dahil sa Eye of Soul ni Zhao Feng na nagpapabagal sa bilis at liksi ng anyo ay baka napatay na siya ng patalim.

"Tatlo o apat na beses ko na lamang magagamit ang aking Void Space Eye Slash."

Nag-iipon ng lakas ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng habang nakatutok ito sa figure of Death.

Masyadong mabilis at kakaiba ang galaw ng anyo. Masyadong mababa ang tiyansa ng Void Space Eye Slash na gumana.

Ang dahilan kung bakit hindi niya agad napatay ang black-armored Sovereign Lord kanina ay dahil sugatan siya.

Shua!

Lumapit ang figuer of Death at humiwa mula ng pangatlong patalim.

Pumasok na sa katawan ng elder ang aura of Death, at sobrang sugatan na rin siya – hindi na siya makakaligtas pa sa pangatlong patalim na ito.

Sa oras na iyon ay tumaas ang tibok ng puso ni Zhao Feng. Siya na ang susunod sa maitim na elder.

"Stop~~~!"

Isang boses ang nagpayanig sa kaluluwa ng lahat ay pra bang nanggaling sa impyerno, at mayroon din itong halong hindi nagbabagong intensyon. Sa oras na iyon ay pra bang natigil ang Heaven Earth Yuan Qi at may presyon ng lakas ang tumulak sa kaluluwa ng lahat.

"Half-step Void God Realm…. Void God intent…."

Huminto ang atake ng figure of Death.

Nasa ilang daang milya pa ang layo ng hald-step Void God Realm pero pinalabas niya ang Void God Realm intent niya patungo sa figure of Death.

Baka napatay na ang isang normal Sovereign sa intent na ito, at kahit pa ang normal Great Origin Core Realm ay masasaktan dito at matatakot doon.

Hu!

Nagawang makatakas ng maitim na elder sa ngipin ng kamatayan, at tumingin siya ng masama kay Zhao feng.

Nakaramdam siya ng galit at swerte. Kung hindi dahil kay Zhao Feng ay hindi siya makakatakas nang buhay.

"Hmph! Tingin mo ang intent ng isang half-step Void God Realm ay sapat na para pahintuin ako?"

Ang patalim ng figure of Death sa kamay nito ay naglabas ng intent of Death na siyang lumaban sa intent ng half-step Void God Realm.

Boom!

Nagtalo ang lakas ng kaluluwa nila, at ang mahihinang mga tao sa loob ng isang libong milyang ikot ay agad na napatay.

Agad na nahimaay ang mga mandaragat pati si Loulan Zhishui.

"Hindi mapipigilan ang Void God Spiritual Realm. Ang simpleng pag-isip lang ng isang Void God Realm King ay sapat na para gumawa ng desisyon kung mamamatay ba ang lahat ng nasa True Spirit Realm at Origin Core Eralm. Lahat ng nasa ilalim ng Kings ay langgam lamang."

May along umihip sa kaliwang mata ni Zhao Feng. Buti na lang ay malakas ang kaluluwa niya at malakas laban sa mental energy ito."

Pinakaswerte si Zhao Feng sa loob ng laban ng dalawang intents.

"Ang intent of Death…. Sino ka!?"

Nagbago ang ekspresyon ng half-steo Void God Realm mula sa Six Ring Palace.

Naharangan ng simpleng sandata ang kaniyang intent. Dagdag pa roon ang intent of Eath ay unti-tunting nag-aagnas sa kaniyang kaluluwa.

"Hindi ito maganda! Ang Void God intent ko!"

Nagsimulang maramdaman niyang pumasok ang aura sa kaniyang mental energy, at dahil dito ay nagbago ang kaniyang ekspresyon.

Habang nag-iisip siya kung aatake siya o hindi:

Whoosh!

Isang patalim ang sumaksak sa figure of Death.

Si!

Nangining nang kaunti ang figure of Death, at tumingin ito sa patalim na naglalabas ng aura of Destruction na puno ng gulat at walang kapaniwalaan.

Void Space Eye Slash! Nagamit ni Zhao Feng ang kaniyang pinaka-malakas ng eye-bloodline technique, at matagumpay nitong nasugatan ang kalaban.

Shu!

May lumabas na itim na usok sa dibdib ng figure of Death. Doon nanggaling ang aura of Destruction. Kahit pa may katawan ng Kamatayan ang anyo ay sobrang mapanggulo pa rin nito.