webnovel

Just Be Friends

Maraming nagsasabi na kapag mag best friends the other one is in love secretly. At first I never believe that kase I never felt any form of affection for my super best friend Dylan. None at all. Until nagkagirlfriend siya, everything changed. I started noticing those smiles of him. Yung mata niya kapag nakikiusap siyang tulungan ko siya sa mga surpresa niya sa girlfriend niya. How can I resist those brown eyes? And every word sinks in. Why? Why now? Why him? Tsk. Sasabihin ko ba? O itatago ko nalang ba tong kung ano mang nararamdaman ko alang ala sa pagkakaibigan namin? O hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya at maranasan ang ganito kahit minsan lang? I thought I'll never be one of them but, I hate to admit it.  Yeah, I'M SECRETLY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND.

TheArcher19 · LGBT+
分數不夠
26 Chs

Chapter 12: Shattered Feelings

Justin Klyde's POV

'This night won't be perfect without you. <3'

Caption ni Dylan sa picture nila ni Mira nung second monthsary nila. Special mention naman ako since ako ang kumuha ng picture and of course ang nasa likod ng successful date nila. Hays.

"Something wrong bes?" Nakakaagaw pansin pala ang pageemote ko dito sa may bintana ng room. Tinago ko naman pansamantala yung phone ko. Malaman pa neto kung anong ineemote ko.

"Wala Bry, iniisip ko lang yung paparating na exams natin." Ang pagsisinungaling ko. Tumango tango naman siya.

"Balita ko ikaw daw ang nag ayos sa date ng bespren mo at saka nung girlfriend niya. Infairness bes ikaw talaga ang the best sa ganyan." To naman si ateng inopen up pa. Haha.

"Yeah. Makulit yung mokong eh." Sagot ko.

"Dylan is really lucky to have you as his bestfriend." Yeah. Bestfriend. Binigyan ko lang siya ng matamlay na ngiti.

"Swerte din naman ako dun kase andyan siya lagi para sa akin. You know, Dylan is the only guy who's been there for me since highschool. Never siyang nawala sa tabi ko even in my worst days. To me he's my super bestfriend. Kaya parang pasasalamat na lang din yung mga tulong ko sa kanya." Ang nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sabagay. Bibihira yung mga lalake kaseng nakakaappreciate sa ganda natin no?" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Alam ko namang may tinatago dyan." Pointing to my heart. "Pero hahayaan muna kita. I'm always here to cheer you up okay?"

"Pag talaga kapederasyon no nakakakutob din. Haha. But, thanks anyway."

"Sus wala yun. Oh siya puntahan ko lang si Benedicto dun at mukhang may pinagkakaabalahan sila ni Paul. Baka nanunuod ng mga SPG na palabas."

"Hahaha sige sige upakan mo kapag tama hinala mo bes." Natawa naman siya sa isinagot ko saka pinuntahan sila Benedict sa dulong part ng room.

Syempre dahil di ko feel makipag socialize ngayon eh minabuti ko na munang tumunganga ulit sa may bintana. Kung itatanong niyo kung anong ineemote ko dito eh siguro naman halata niyo na.

I did not noticed that I began to have feelings towards him. To my bestfriend.

Hays. Bakit di ko man lang nahalata? Akala ko naman nung una normal lang yun. Hindi na pala. Of all people why him? As of now ako palang ang nakakaalam. I don't want anybody to know. Kase once that happened at nalaman ni Dylan, hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka yun na din ang katapusan ng pagkakaibigan namin. Hindi ko maimagine ang magiging reaction niya.

Nafigure out ko lang to nung tinutulungan niya akong magayos sa date nila. Tsk.

※Flashback※

"Magugustuhan niya kayo tong ginawa natin ha Justin?" Tanong ni Dylan sa akin.

Andito kame ngayon sa isang tagong lugar malapit lang sa village namin. Kung idedescribe ko yung lugar ganito yun. May garden malapit sa isang mini bridge tapos may river eklabu. 

Naglatag kame ng malaking blanket sa may damuhan. Naglagay kame ng mga stich plushies sa tabi nun since favorite daw ni Mira si Stich. After nun yung mga food para sa dinner date nila nakaset na rin. Simpleng date kung maituturing pero effort is what makes this date extra special. Kanina pa nga parang natatae tong kasama ko kala mo naman first time niya makipagdate sa jowa niya.

"Pwede kumalma ka Dylan Rafael? Wala pa yung date mo oh pawis ka na?!" saway ko sa kanya.

"Kinakabahan kase ako eh."

"Sus. OA ka. Perstaym?"

"Eh sa nakakakaba pa din eh. Ikaw kaya sa sitwasyon ko." Napailing nalang ako saka natatawang lumapit sa kanya para punasan yung pawis niya.

"Yuko konti." Yumuko naman siya para maabot ko noo niya. " Alam mo chong masanay ka na dapat. Hindi ka na nga dapat kinakabahan kase every month mo na tong gagawin."

"Ay syempre! Mahal na mahal ko yang girlfriend ko! Lahat gagawin ko para sa kanya." After he said that words I felt something. Hindi ko alam kung bakit. All I know hindi to yung gusto kong feeling. Nginitian ko lang siya saka bumalik sa ginagawa ko.

"Shet papunta na daw siya!" 

"Wait hindi mo man lang sinundo?! Anong klase kang lalake!"

"Uhm gwapo?" Napairap naman ako bigla sa sagot niya. "Okay look bago ka nga magtaray dyan eh baka pwedeng pakinggan mo muna ako? I was about to pick her up kaso sabi niya dadaan pa daw siyang mall. She insisted na magtataxi nalang siya papunta dito. And besides malapit lang naman village nila sa atin." 

"Okay fine." saka ko siya tinalikuran. Minutes later ng magsalita ulit si Dylan.

"She's here." Ikinalingon ko naman ulit ang sinabi niya. 

May taxing pumarada and right there came out a very lovely girl. Mira is really the girl I will entrust my bestfriend. Hindi maarte, mabait and at the same time kalog din gaya ko. Di tulad ng iba na kung may date hala sige sa make up at magdedress pa samantalang siya, just a white shirt with simple prints, ripped jeans and sneakers ayos na. No wonder Dylan can't take his eyes off her.

"She is so beautiful." ang halos pabulong pa niyang sabi.

"Yeah." dugtong ko pa. Nagwave naman sa amin si Mira.

"Hi baby!" bungad ni Dylan kay Mira. "Ba't ang ganda ganda mo na naman ngayon?"

"Sus. Bolero! Tong bespren mo talaga Justin no sinungaling?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ay oo bolero talaga yan but he's right ang ganda mo ngayon."

"Nako nahawa ka na din. Haha salamat."

"Oh siya maiwan ko na muna kayo ha? Enjoy." saka ako naglakad palayo.

"Tin!" tawag ni Dylan sa akin. Nilingon ko lang siya. "Salamat ulit! You're the best!" Ngumiti ako bago ako sumagot sa kanya.

"Ay walang sala-salamat. Maya mo na iabot yung bayad." pagbibiro ko na ikinatawa ni Mira.

"Ay grabe siya parang wala naman tayong pinagsamahan!"

"HAHA joke lang. Sige na alis na muna ako. Text mo nalang ako pag may kailangan kayo." Tinanguhan niya lang ako bilang sagot.

Habang naglalakad ako palayo sa kanila ay siya namang biglang bago ng mood ko. Biglang bumigat ang nararamdaman ko at tila tumahimik ang lugar sa bawat hakbang na ginagawa ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Why do I have this feeling? Masaya naman ako para sa bespren ko eh kase nakahanap na siya ng bagong mamahalin. Pero bakit? Bakit parang feeling ko hindi ang ganitong kasiyahan ang hinahangad ko para sa akin? Ang weird ko na. Tsk.

Nang marating ko ang bahay namin ay dumiretso ako agad sa kwarto ko. Mula dun ay tanaw ko yung lugar kung saan sila nagdedate. Naksalampak lang yung baba ko sa kamay ko habang nakatitig sa diresyon na yon.

"Hay buhay. Dati rati kame lang magkasama ngayon may jowa na ang unggoy kong kaibigan." ang nasabi ko na lamang. Habang nagmumuni muni ako bigla ko nalang naalala yung mga time na lagi kameng magkasama ni Dylan sa bahay.

***

"Hoy akin na nga yan!" pang aagaw ko sa pagkain ko.

"Kiss mo muna ako." pang aasar niya.

"Ulul. Bakit ko naman gagawin yun?"

"Eh di ba crush mo naman ako?"

"Nek nek mo Dylan wag nga ako." Saka siya natawa.

---

"Oh bakit ka umiiyak dyan?" 

"Eh kase si Lance may syota na!"

"Muntanga naman to! Eh hayaan mo na dami dami mo pa namang crush dyan! Isama mo na ako." Agad namang tumaas yung kilay ko sa sinabi niya.

"At kelan pa nangyari yon?" 

"Simula ng highschool tayo di ba?"

"Alam mo ikaw panira ka ng moment eh. Umuwi ka na nga!" irita kong sabi.

"HAHAHA. Ikaw naman niloloko ka lang eh. Pinapagaan ko lang yung nararamdaman mo. Kaya nga andito ako bilang bespren mo di ba?" Saglit ko pa siyang tinitigan saka ako naluha.

"King inang yan bakit ka na naman umiiyak?!!" 

"Eh kase andrama ng sinasabi mo eh!"

"Ay nako Justin para kang bata!" saka niya ako niyakap para patahanin.  

---

"Dylan wag ka ngang magulo! Kapag to namali tatamaan ka sa akin!" Paano ba naman ang sabi niya bored na daw siya manuod sa baba kaya eto nanggugulo sa kwarto ko!

Bigla naman niyang hinila ang isang upuan at lumapit sa akin.

"Tinamaan na nga ako sayo eh." Bulong niya. Tinignan ko ng masama saka ko pinahid paint brush sa mukha niya.

"Pakyu ka Justin Bieber ha!!! Burahin mo to!" Nako kapag ganyan na yan magalit bumabait na ako.

"Ikaw tong asar ng asar tapos magagalit ka kapag gumanti ako! Konyatan kita eh." Sagot ko habang pinapahid ng tissue yung pintura sa mukha niya.

"Okay lang gumanti ka pero wag yung mukha ko. Tsk. Baka mabawasan kagwapuhan ko."

"Ewan ko sayo."

"Pero Justin, di ka ba nagkagusto man lang sa gwapong bespren mo?" Ito na naman kame. Paulit ulit. Minsan kase tinatanong niya ako ng ganyan.

"Kulit mo no? Ilang beses ka bang inire? Hindi nga." Sagot ko.

"Sus. Sige hahayaan muna kita. Nasa denial stage ka pa."

"Ulul. Dami mong alam." Saka ko sinubsob sa mukha niya ang tissue saka nagfocus ulit sa ginagawa ko.

***

And with those thoughts my head aches. Putek na yan parang wala na ako sa denial stage. Hindi ko matanggap! Bakit? Nangyayari ba talaga to?  May gusto ako kay Dylan?! 

"No hindi to pwede. This is not happening!" sabi ko sa sarili ko.

"Wala kang gusto sa kanya Justin. Wala wala. Itigil mo to."

"Ang alin? Kanino ka walang gusto?" Nagitla naman ako sa boses ng taong biglang nagsalita. Lalo pang kumabog yung puso ko ng makita si Dylan sa pintuan.

"Ha? Ah eh wala wala." taranta kong sagot.

"Sus wala daw! Ako nga wag mong pinaglilihiman Justin Klyde. Sino na naman yang lalakeng tinutukoy mo?" Paano pag nalaman mong ikaw?

"Wala nga kulit. Bakit ka ba nandito?" pag iiba ko sa usapan as I try to calm myself.

"Ah kase papapicture sana kame sayo."

"Luh yun lang? Di uso selfie? Di ka nalang nagtext para pinuntahan ko nalang kayo."

"Por your inpormeysyon tumawag pa ako hindi ka sumasagot. Anyare ba sayo?" Tumawag siya? hindi ko narinig. Lutang ata talaga ako. "Saka mas okay pa din yung may kumukuha ng maayos. Saka photographer ka din naman kaya tiwala ako sayo, Lika na bilis!" saka niya ako kinalakadkad palabas. 

Heto na naman tong puso ko. Lalo pang bumilis ang pagtibok. Hawak hawak pa din ni Dylan ang kamay ko habang tinutungo namin yung park. Bumitaw lang siya nung malapit na kame. Dun lang din kahit papano ay bumalik sa normal yung pagtibok ng puso ko.

Pagdating namin dun agad namang inabot sa akin ni Dylan yung phone niya.

"Ang kulit niyan sabi ko pwede naman selfie nalang inabala ka pa." Sabi ni Mira sa akin.

"Yaan mo na yan girl hindi niya ata alam yun." nakatangap naman ako ng konyat after kong sabihin yun. "Try ko kaya ituktok sayo tong phone mo no? Oh pwesto na dun."

Tinabihan niya naman agad si Mira saka inakbayan. Mula sa screen ng phone niya ay makikita mo yung sweet vibes. Makikita mo kung gaano sila ka compatible. 

"Huy ano na Justin tulala ka dyan. Poging pogi ka na naman sa akin. Magagalit sayo si Mira sige ka." Inirapan ko lang siya.

"Oh game na nagkakalokohan na tayo dito wala namang pogi." bahagya naman natawa si Mira. " Okay guys 1,2,3!" 

Nakailang shots din kame. Pabago bago din sila ng pose. Merong nakaakbay, merong nakataas yung kamay nila tapos finoform ng paheart at may pose na nakakiss si Mira sa cheeks ni Dylan. Gosh torture sa mata ko. Hahaha. Sakit.

"Oh ayan okay na. Alis na ako." Inabot agad ni Dylan yung phone niya at iniscan bawat picture.

"Yun oh! Galing talaga! Salamat!" Tumango tango lang ako habang naglakad ulit palayo sa kanila.

"Tama siya. Ang galing ko talaga. Ang galing kong magtago ng feelings." Ang nasabi ko nalang sa sarili ko bago makapasok ng bahay.

※END OF FLASHBACK※

Oh ayan ha alam niyo na. Ayoko ng ulitin pa. Bahala kayo dyan.

"Hay nako Justin Klyde gulo tong pinapasok mo eh." Inis kong sabi sa sarili ko. Ano ng gagawin ko? Matatago ko pa ba to? Nak ng tokwang buhay to.

Nang bumalik na ako sa realidad npansin kong wala na sina Ben, Bry at Paul. Uwian na pala. Baka napansin siguro nila na kailangan kong mapag isa kaya hinayaan na lamang nila ako dito.

Palakad na ako ng magring ang phone ko. Alarm. May note.

MEET PAUL AT THE ROOFTOP. BLDG. 5. 4:30 PM.

Oh shocks. I almost forgot. Mapuntahan na nga lang. Baka nadun na rin yun. Mabuti ng maaga kesa late. Ano kayang sasabihin nung kumag na yun?

Paul Adrian's POV

This day is not productive as I thought. Lalo na ng makita kong matamlay si Justin. Busy kame ni Ben kanina kakapanuod ng series ng Naruto ng makuha ng aking pansin si Justin. I act as if it didn't affect me though throughout the time we are watching, siya ang iniisip ko. Ano kayang problema nun?

Nag uwian na nga at lahat lahat kanina pero parang hindi niya pansin. Sabi nga ni Bry mukha daw may problema kaya hayaan nalang namin. Kung gaano ko man kagustong damayan siya ay minabuti ko na lang din sundin ang sinabi ni Bry. Baka nga kailangan niyang mapag isa.

Paikot ikot lang ako sa higaan ko ng maisipan kong magkalkal sa cellphone ko. A note got my attention.

AAMIN NA KAY JUSTIN. ROOFTOP. 5PM.

"Awts pusang gala!" Ang tangi kong naibulalas nang makita ko yung note. Napamura pa ako ulit ng makita ko ang oras. It's already 5:47 PM. Shit. Shit.

Agad agad akong nagbihis saka bumaba. Sakay ng aking motor ay minadali ko ng bumalik sa school.

Nang marating ko ang school ay agad kong pinark ang motor ko. Since may night shift sa school ay di ako nahirapang pumasok. Agad kong tinungo yung building kung saan kame magkikita.

Time check. 6:15.

Agad ko namang hinanap ang pinakamalapit na elevator at sa kasamaang palad ay under maintenance. Kung minamalas ka nga  naman! Para di masayang ang oras ay tinakbo ko na paakyat ang rooftop.

When I reached the rooftop I saw the door opened. Siguro andito na siya. Shit Paul.

Kahit hingal na hingal ako ay minadali ko ang paglalakad papunta sa pintuan. I don't know if I'm hearing things or guni guni ko lang. Pero habang papalapit ako ay nasisiguro ko ngang may naririnig akong nagsasalita. It was Justin's voice to confirm it.

"Dylan bakit? Pakiexplain naman oh."

Huh? Andito din si Dylan? Nang marating ko na yung rooftop eh siya lang pala mag isa. Kinakausap lang sarili niya. Nag away ba sila?

"Kase kung ako tatanungin hindi ko din kayang sagutin. Hindi ko din maexplain eh. Trip ata ako ng tadhana."

Hinayaan ko lang muna siyang magsalita. Mukha ngang may pinagdadaan siya.

"Bakit sayo pa? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan may mahal ka na?"

And with that, my heart starts to beat heavily and I began to feel the cold breeze of sadness.

"Ang weird no? Of all people. Sayo pa pinatibok ng todo yung puso ko. Iba to sa crush crush lang eh. Ano ng gagawin ko? Paano ko to itatago?"

And another dagger stabbed my heart.  It strucked deeply. Enough for me to feel it.

Tanging mga hikbi nalang niya ang naririnig ko. Saglit pang katahimikan ng magsalita siyang muli.

"Asan na ba tong si Paul! Usapan 5 PM eh anong oras na. Lagi nalang akong nag aantay. Humanda yun sa akin bukas." Iritang sabi niya.

Then I heard footsteps heading to were I was standing. Bago pa man niya ako makita ay nauna na akong bumaba. As I reached the ground floor I ran. Ran as fast as I could.

I'm standing near my motor bike as I follow him through my eyes exiting the school.

"Justin bakit? Huli na pala ako." Talk about timing when suddenly I felt some raindrops. Nangyayari pala talaga ang mga ganitong scenario.

"Akala ko naman pwede pa. Tanga mo Paul. Yan kasi. Katorpehan mo." Saka ako natawa at napailing.

Tumingala ako sa kalangitan para mapigilan ang nagbabadyang luha. Hindi man maganda sa paningin na makita ang isang lalake na umiyak, Screw that. Wala akong pake. Nasaktan ako eh.

"Sana hindi nalang to nangyari. Sana panaginip lang lahat." I said before leaving the school with a heavy heart with me. I hope this will heal instantly.