webnovel

Just Be Friends

Maraming nagsasabi na kapag mag best friends the other one is in love secretly. At first I never believe that kase I never felt any form of affection for my super best friend Dylan. None at all. Until nagkagirlfriend siya, everything changed. I started noticing those smiles of him. Yung mata niya kapag nakikiusap siyang tulungan ko siya sa mga surpresa niya sa girlfriend niya. How can I resist those brown eyes? And every word sinks in. Why? Why now? Why him? Tsk. Sasabihin ko ba? O itatago ko nalang ba tong kung ano mang nararamdaman ko alang ala sa pagkakaibigan namin? O hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya at maranasan ang ganito kahit minsan lang? I thought I'll never be one of them but, I hate to admit it.  Yeah, I'M SECRETLY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND.

TheArcher19 · LGBT+
Not enough ratings
26 Chs

Chapter 13: Cold Treatment

Justin Klyde's POV

Nitong mga nakaraang araw I noticed how Paul treated me. Whenever I'm around he leaves or sometimes distances himself from me and I don't know why. One time nasa cafeteria kame I asked him if may notes siya sa nakaraang lecture namin sa math but somehow he managed not to notice me. I even repeated myself but it's useless. Hindi pa rin niya ako pinansin.

Nung una binalewala ko lang yun since I thought Paul is just being weird. But then, day after day time pass away charot. He seems not to give a shit about me as if I don't exist and it really makes me think each night like what did I do wrong?

"Bes, sino na naman yang nasa utak mo at gustong gusto mo ng patayin?" Basag ni Bry sa aking pagmumuni.

"Too late kanina ko pa siya pinatay." Inis kong sagot. Natawa naman si Bry sa sagot ko.

"Over  ka. Haha. So,da who nga?" To answer his question, I pointed Paul with my knife who is now entering the cafeteria.

"Oh bakit?" Tanong ni Bry. I just shrugged my shoulders.

Soon as our eyes met, he immediately look the other way.

"Uy Paulito!" Pagtatawag ni Bry sa atensyon niya.

"Oh Bry! San si Benedicto?"

"Ayun oh umoorder. Antagal mo kase magsulat kanina kaya nauna na kame. Alam mo naman tong si Justin mabilis magutom." Ngumiti lang siya pero hindi lumilingon sa direksyon ko.

"Ah ganun ba?" Sagot niya. Tss.

"Oh umorder ka na din tapos diyan ka na sa tabi ni Justin maupo since yung baby ko ang uupo dito."

"Ah hinde okay lang busog pa ako. Dumaan lang ako para bumili ng iinumin. Sige bye una na ako." Saka siya umalis.

"Told you." Sagot ko.

"Hmm. Nag away ba kayo?"

"Nope. Bigla nalang siyang nagkakaganyan."

"May ginawa ka bang kasalanan?"

"Wala no! Siya nga tong may kasalanan! Inantay antay ko siya sa rooftop nung friday tapos hindi naman pala siya dadating!" And yun nga hindi ko na napigilan yung inis ko.

"Oww. So dapat pala magmimeet kayo nung friday? Bakit? Kayo ha hindi kayo nagkukwento sa amin." Pang aasar pa ni Bry which is not helping at this moment.

"Ewan ko dun. Basta sabi lang niya meet him there kase may sasabihin siya tapos bigla namang hindi siya sumipot. Nabasa pa tuloy ako ng ulan pauwi."

"Ay loko nga no. Eh baka may rason siya kung bakit di siya sumipot."

"Kung ano man yung rason niya he should've atleast told me para alam ko hindi yung bigla bigla siyang nagkakaganyan."

"Hayaan mo na muna baka may problema lang." Pagpapaunawa ni Bry. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Maya maya pa ay dumating na si Benedict.

"Oh bakit nakasimangot ka dyan Jus--" Hindi na natuloy ni Ben yung sasabihin niya dahil sinaksakan ni Bry ng isang kutsarang kanin yung bunganga niya.

"Kain ka lang ng kain Benedicto ha? Mamaya ka na magtanong." Bahagya naman akong natawa saka tinapos ang pananghalian ko.

***

Andito kame ngayon sa may soccer field para magpalipas ng oras dahil ang butihin namin prof sa math subject namin ay di pumasok. Nagpuyat puyat pa ako kagabe para lang tapusin ang assignment namin na minamadali niyang matapos tapos ngayon di siya papasok? Wag niya akong ginaganito baka gusto niyang unahin ko siyang paslangin bago si Paul.

"Oh Justin kalma na. Kakausapin ko na si Paul wag mo na siyang murderin sa utak mo." Binigyan ko siya agad ng masamang tingin.

"Gusto mong unahin kita? Bahala siya sa buhay niya. Basta wala akong kasalanan sa kanya." Nabanggit na din kase namin sa kanya yung naging actions ni Paulito this past few days kaya alam niya na kapag nagkasalubong ang kilay ko eh si Paul ang dahilan. Hays. Hindi pa naman ako sanay na iniiwasan ako ng isang tao tapos wala pa akong ka idi-idea kung bakit.

Para madivert sa ibang bagay yung inis ko ay naisip ko nalang magsketch. Habang nagdodrawing ako ay napansin kong wala din patutunguhan yung ginagawa ko kaya tinigil ko na din. Maya maya pa naramdaman ko nalang na may tumakip sa mata ko. Ang inis na kanina'y nararamdaman ko ay nagbago. Bigla akong kinabahan. Alam ko ang mga ganyang trip. Sa kanya lang din yung ganung amoy ng pabango. Tama nga ako. Sa pag alis ko ng mga kamay na yon nakita ko si Dylan.

"Huy! Para ka namang nakakita ng multo dyan." Pagsisimula niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Wala akong kahit anong emosyon na pinapakita. Blanko lang.

"May problema ba?" Umiling lang ako.

"Sus. Di nga?"

"Wala nga." Sa wakas nakapagsalita din ako. Iba kabog ng puso ko. Nadivert ko nga yung inis ko kaso paano ko naman ngayon haharapin tong isa gayong iba na ang nararamdaman ko para sa kanya. Buhay nga naman.

"Lika nga samahan mo nalang ako sa mall." Saka niya ako hinatak patayo. "Hiramin ko muna tong bespren ko ha?" Tumango lang sina Ben at Bry bilang sagot.

Tahimik ko lang siyang sinusundan habang nasa hallway kame palabas ng school.

"Huy, ano bang problema ha?" Saka siya umakbay sa akin. Dati kahit umakbay siya buong araw wala lang sa akin. Ngayon iba na. Nakakapanibago. Hay nako Justin.

"Wala nga. Haha." Ang pilit kong tawa.

"Hmmm. Okay. Andito lang ako ha? Lagi akong makikinig sa problema mo." Saka niya ginulo buhok ko. Matutulungan mo kaya ako sa problema ko kung ikaw ang rason?

***

"Malapit na birthday mo ha? Anong gusto mong regalo?"

Andito kame ngayon sa may Bench. Namimili ng polo shirt. Mahilig kase tong unggoy na to sa ganun. Bihira mo siyang makikita ng nakatshirt lang palabas.

"Isang factory ng chuckie." Sagot ko. December 20 kase ang birthday ko. Malapit na nga kung tutuusin dahil November 28 na ngayon. Ang bilis lang ng panahon.

"Eh kung itali ko kaya sayo tong belt na hawak ko?" Natawa naman ako ng bahagya.

"Yan ngumiti ka din. Hindi ako sanay na nakapokerface ka eh. Lalo kang pumapangit." Inapakan ko lang siya sa paa bilang sagot. Saka ako tumingin sa mga perfumes nila.

"Alam mo para sa bansot na gaya mo ang bigat ng paa mo. Pinaglihi ka ba ni Tita sa elepante?"

"Oo ata. Gusto mo din matry yung sapak ko?" Saka ko pinatunog tunog yung buto sa mga daliri ko. Umiling naman siya bilang sagot.

"So maiba tayo, alin sa mga to ang bagay sa akin?" Tanong niya habang winawagayway yung tatlong polo shirt.

"Wala."

"King inang sagot yan. Ano nga kase?" Inis niyang sabi.

"Tinatanong mo pa kase ako eh alam mo naman na ang sagot ko dyan. Lahat naman bagay sayo."

"Yan ang gusto ko sayo eh. Honest ka. Hahahaha." Saka siya dumiretso sa counter para bayaran na yung pinamili niya. Honest? I guess not.

Matapos niyang bayaran ang mga pinamili niya eh nag ikot ikot muna kame sa mall. Medyo namamanage ko na ring umarte na parang wala akong gusto dito sa katabi ko. Na parang normal lang lahat. Fake it till you make it.

"Huy, tulala ka na naman. Nagdadrugs ka ba?"

"Oo. Actually madami akong stock sa bahay. Bigyan kita gusto mo?" Sagot ko. Right after I said that nakatanggap ako ng pambabatok sa unggoy na to.

"Sira ka ba?! Kelan ka pa nag aadik? Alam ba nina Tito at Tita yan?!" Jusko tong bespren ko.

"Ikaw ata ang nakadrugs."

"Hindi ah. Ba't ko naman gagawin yun?"

"Eh lakas ng tama mo eh. Naniwala ka namang nagdadrugs ako ha Dylan???"

"Oh? So hindi nga?" Napairap nalang ako.

"You are hopeless Dylan Rafael. Umuwi na nga tayo." Saka ako naunang maglakad palabas ng mall.

Narating ko na yung exit ng mall ng mapansin kong walang ungta na nakasunod sa akin.

"Pusang gala nasaan yung lalakeng yun?"

Maya maya pa, mula sa itaas ay may ice cream na tumapat sa mukha ko. Sinundan ko naman yung kamay na nakahawak sa cup ng ice cream. Galing pala kay Dylan.

"Oh. Hindi ko alam kung ano yang problema mo na ayaw mong sabihin sa akin. So I hope this one will do para gumaan yung pakiramdam mo. Favorite mo to di ba?" Saka siya ngumiti.

Inabot ko naman yung ice cream sa kanya. Hindi ko alam kung paano nangyari basta naramdaman ko nalang na umiiyak na ako.

"Oh oh teka teka bakit ka umiiyak?" Taranta niyang tanong. Hindi ako sumagot pero mas lumakas pa ang pagtulo ng luha ko.

"Shit! Halika nga dito." Saka niya ako hinatak sa may parking area ng mall.

"Ano ba talagang problema Justin? Pinag aalala mo ako."

"Wala to."

"Wala daw pero kung makaiyak ka akala mo inagawan ka ng pagkain."

"Hindi ko pa kayang ishare eh." Ang naiiyak ko pa ding sagot. Somehow he was relieved with my answer. Lumapit siya saka ako niyakap.

"Shhh. Tahan na. Okay sige pag kaya mo ng sabihin tawagan mo lang ako o pumunta ka nalang sa bahay. Lapit lapit eh. Kahit di ka welcome papapasukin kita." Natawa naman ako sa sinabi niya. Saka ako yumakap pabalik.

"Salamat at naiintindihan mo ako."

"Asus. Halika na nga uwi na tayo. Teka lang." Pinahid niya saglit yung mga luha ko. "Oh ayan. Baka kase isipin ni Tita inaway kita."

"Lagi mo naman talaga akong inaaway." Ang nakangiti kong sagot.

"Luh. Imbento. Sino kaya sa atin?"

"Hahahaha inosente ako no."

"Inosente my face. Elepanteng bansot." Pang aasar niya.

"Anong sabi mo????!!!!!" Nanlaki naman agad yung mata niya saka nagtatatakbo.

"Tulong hinahabol ako ng bading! Hahahaha."

Hays. Sana ganito nalang kame lagi.

"Hoy bumalik ka dito!" Saka ko siya hinabol.

Paul Adrian's POV

"So ano ng balak mo ngayon?" Andito kame ni Ben sa isang billiards hall. Maaga kameng umuwi ngayon dahil nga wala kameng Math kanina. Well actually nauna talaga ako sa kanila umuwi since may iniiwasan nga ako.

"Di ko alam." Tipid kong sagot at nagfocus sa laro.

"Luh. Alangan namang hanggang matapos ang sem di mo papansinin si Justin?" Saglit akong tumigil sa ginagawa ko bago ko siya hinarap.

"Dude akala mo ba madali din sa akin tong ginagawa ko? I'm avoiding him because I want to forget this feelings towards him. Kase habang napapalapit ako sa kanya lalo lang lumalalim to. At saka ano pa bang saysay na kausapin siya? May gusto na siyang iba, at sa bestfriend pa niya. Wala akong laban dun. Wala." Sagot ko saka naupo. Mabuti nalang at kokonti lang yung tao sa hall kase they might think I'm insane.

Lumapit naman si Ben and gave me a tap on the back.

"Naiintindihan naman kita pre. Masakit oo pero hahayaan mo nalang ba si Justin na maghula sa actions mo? He needs an answer. Saka hindi ka pa naman talo." Napatingala ako sa sinabi niya.

"Huh?"

"May gusto si Justin sa bespren niya oo pero it doesn't mean na talo ka. As long as hindi mo naaamin yang nararamdaman mo sa kanya then hindi natin malalaman kung may chance ka pa. C'mon bro, you need to step up your game."

I took a deep breathe.

"Okay. If this won't work I give up but not our friendship."

"Yown. Tama yan! Oh lika na tuloy na natin yung laro talo ka na naman oh."

"Ulols. Ikaw tong di pa nakakashoot eh." Asar ko.

It's all or nothing Justin. Please be mine.

***

After dinner I decided to pay a visit to Justin. I think I owe him an apology. Soon as I arrived on their village I immediately called him. Matagal bago niya sinagot.

"Oh bakit?" Halata mo sa boses niya yung pagkainis.

"Uhm, can we talk?"

"We're already talking." Ayan na naman siya sa pagiging sarcastic niya.

"I mean personally. I'm here outside."

"What???! Teka lang bababa ako." Shock niyang sagot. Maya maya pa lumabas na siya.

I don't know if mainit lang or the view is distracting. Justin is walking towards me with his 'pantulog'. He's wearing a large size shirt and boxers.

"Huy mata mo."

"Oh andyan ka na pala."

"Hindi wala pa ako. Actually nauna lang anino ko." Mataray niyang sagot.

"So anong atin?" Habol pa niyang sabi.

"I just want to say sorry. "

"Tapos?"

"I know I know. Mali na umiwas ako ng walang dahilan. I really am sorry."

Saglit na katahimikan bago siya nagsalita.

"Okay fine. Apology accepted."

"Really? Salamat!"

"Lucky you I don't hold grudges to people that long."

"I'm really glad you don't. That's why you got my attention."

"Ha? Ano yon?"

"Oh nothing." Sagot ko na lamang.

"So Paul..."

"Hmm?"

"May I know the reason kung bakit di ka sumipot nung Friday?"

"Oh that day?" Sasabihin ko na ba? Hays. "You know on that day I saw my love."

I did not get any reaction so I continued.

"He's not that normal. Not physically but the other way." I heard him chuckle. "So ayun nga nakita ko siya, from afar. And as I took a step towards him I found out something. He is in love with someone and that really made me feel sad on that day. My heart crumbled to pieces. Good thing I managed to pull myself together and went home that's why I am not able to meet you at the rooftop." Yeah right. I lied again. And believe me or not he really is clueless.

"Well that really is tragic. Yaan mo madami pa naman dyan." Pagkocomfort niya. How am I suppose to find someone when that someone is you Justin?

"Nag iisa lang siya eh." Sagot ko.

"Yun lang. Eh teka nga alam na ba niya na gusto mo siya?" I shooked my head as an answer.

"Eh sira ulo ka pala eh dapat pinapaalam mo."

"Akala mo naman ganun kadali." Napabuntong hininga naman siya sa sagot ko.

"Sabagay."

I took a glance on my watch. It's already 9:43pm.

"You should go inside. It's already late."

"Okay fine. Ay teka." Saka siya napatigil sa paglalakad.

"Oh?"

"Hindi mo pa pala nasasabi yung rason kung bakit mo ko iniwasan nung mga nakaraang araw." Shit. Here we go.

"About that, can you give me more time for me to tell you?" Napapaisip man siya sa naging sagot ko pero tumango siya. He was about to leave when I grab his hand.

"Well I just want you to know that you're special to me." Saglit pa siyang tumitig saka natawa.

"Ako ha tigil tigilan mo na naman ako sa mga banat mong yan."

"I'm being real right now. And I mean what I said."

"O-okay."

"I hope you're ready on the time I..."

"Time na ano?"

"Basta. Be prepared." Saka ako kumindat sa kanya. "Oh siya pasok ka na."

"H-ha??" Lumapit naman ako sa kanya saka ko ginulo buhok niya.

"Sabi ko goodnight na. Go inside it's getting cold here."

"Okay. Goodnight din."

Bago pa siya makapasok I grabbed his hands once again.

"Hmm?"

"Here. Take this as an apology gift. I know it's your favorite." Saka ko pinakita isang box ng Chuckie na binili ko kanina sa supermarket before I head here.

"Yey! Chuckieee!!!! Salamat!!!"

"Parang bata." Saka ako tumawa ng mahina.

"Anong sabi mo?!!!" Jeez. Beastmode na naman yumg babe ko.

"Wala. Sabi ko buti nagustuhan mo sige na una na ako."

"Sige bye ingat." Saka siya unti unting naglakad papasok.

'Tsup'

"Goodnight babe." Saka ako sumakay nang motor ko leaving him there like a statue.