webnovel

I Am Gay

"I am Gay. My name's Gay." Hindi ako Bakla. Anong unique about sa buhay ko? Hindi lang sa dahil Gay ang pangalan ko. That dare changed my life. Everything in my life. Ang alam ko lang, starting from that day, my life will never be the same. New Chapters every Tuesdays and Thursdays

eydriyan · 青春言情
分數不夠
6 Chs

Chapter 1

Isang napakainit na tanghali. Kumakaway ang araw sa aming mga balat kasabay ang paghalik nito sa lupa.

"I am Gay. My name's Gay. Marcus Gay Aguirre." nakatitig sa akin lahat ng aking kaklase matapos kong sabihin ang mga katagang palagi kong binabanggit sa tuwing ako'y nagpapakilala.

"Gay? Bakla ka ba?"

"Pambakla iyang pangalan mo, sigurado ikaw din!"

"Gay daw pre, Gay!"

Mga bulong-bulungan na naririnig ko at mga tawanang umiikot sa buong kuwarto. Iniyuko ko ang aking ulo gaya ng lagi kong ginagawa.

"Lalaki siya!" narinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Carl. Kaagad akong napatingala nang marinig ang tinig ng kaniyang pandedepensa sa akin. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at dahan-dahan akong nilapitan sa harapan ng klase.

"I am Carl Vincent Trinidad! 18 years old and I am from Pampanga." pagpapakilala niya habang nakaakbay sa akin.

"Well I assume that the both of you are... Friends I guess?" pangungusisang tinanong ng aming guro sa aming dalawa.

"Yes sir. Lifetime best friends." matapang na isinagot ni Carl.

"Friends lang ba talaga? Mamaya may nangyari na sainyo eh?" Isinigaw ng isang hindi ko kilala ngunit nakaka-putanginang tao mula sa likuran ng classroom.

"Meron nga? Gusto mo sumama?" masungit na isinagot ni Carl. Tumaas ang tensyon sa loob ng classroom at natahimik ang lahat. Namula ako at hinayaan na ang katawan ko ang gumalaw...

"CARL VINCENT TRINIDAD! HINAYUPAK KA TALAGANG ASKAL KA!" sinipa ko ang kaniyang likuran habang tahimik parin ang buong klase.

"Ang landi niyo naman!" sumigaw ang isa pang animal sa harap ng classroom. Nahagip ng mata ko ang pagtayo ni Althea at unti-unti siyang lumapit sa amin. Akala mo ipagtatanggol niya kami? No. Dahil pinigil siya ng teacher namin na pumunta sa harap. Palagi naman siyang nakagagawa ng mga kahihiyan, kaya sanay na siya.

Natapos ang lahat ng 35 students sa pagpapakilala.

"Okay, we will now begin the election of officers. The nomination for our Class President is now open." Sinabi ni sir. Bawat grupo sa aming klase ay nagnomina ng kani-kanilang class president. At dahil nga walang magkakakilala saamin, ay hindi namin alam ang tunay na ugali ng mga ninonomina nila.

"I nominate myself as the Class President of 4th Year - Class A sir!" Itinaas ni Carl ang kaniyang kanang kamay at sinabi nang puno ng kompiyansa ang mga salitang iyon. Sa buong klase, siya lamang ang naglakas loob na magnomina sa kaniyang sarili.

Dalawa sa apat na ninomina ang dikit ang laban. Si Carl, at si Ashley. Marahil nagtatanong ka na "Wtf is Ashley?" Well, siya lang naman ang isang estudyanteng nagmula sa ibang bansa. Mukang mabait at crush ng bayan. Pero para sa akin. Hindi maganda ang ugali niya. Oo, hindi ko pa siya nakikilala. Pero, alam mo yung feeling na kahit maganda sya at mukang mabait eh, spoiled at gusto niya lagi siyang tama? Ganoon ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Jacob - 5

Carl - 13

Samantha - 3

Ashley -13"

Ang resulta ng botohan. Akala ng lahat ay sobrang lapit at walang nanalo sa dalawang kandidato. Pero kung susumahin, 34 lang ang bumoto. Sino iyong isa? Si Andrei. Andrei Aaron Setosa. Sino siya? Ang pinakatahimik sa buong klase. Hindi naman siya mahiyain, sadyang hindi lang siya pala-salita. Nang tanungin siya kung sino ang balak niyang iboto. Umiling muna siya at sinabing, kung sino ang may pinakamarami. At dahil nga may-tie, nagdesisiyon si sir.

"Jacob, Samantha, you can now take your seat. However, Carl and Ashley. Remain standing." kinabahan ang lahat sa kung ano ang ipapagawa ni sir sa kanilang dalawa.

"Among the two of you, whoever loses this title will be our Class Vice President..." Paliwanag ni sir. "Pero you have to prove yourself. Kailangan ninyong makumbinsi si Andrei na iboto kayo upang malaman na natin kung sino talaga ang Class President. Alright?" Shit! Nagtatagalog pala si sir! All this time pinadudugo mo yung ilong ko kaka-english mo sir! Hayup!

"Pano naman namin gagawin yun sir?" tanong ni Carl.

"Well... you have to-" natigil si sir nang biglang itaas ni Andrei ang kaniyang kamay.

"Boboto ka na ba Andrei?" tanong ni sir.

"May I Go Out po?" mapagkumbabang sinabi ni Andrei. Natahimik ang lahat. Ang awkward mo naman Andrei.

"Yes you may." Sagot naman ni sir. Nang nasa may pintuan na si Andrei ay saka niya sinabi ang mga katagang "Si Carl po" sa kalagitnaan ng katahimikan. Kaagad na nagsigawan kaming lahat ng manalo si Carl. Halo halo ang reaksyon namin lalo't karamihan ng boys ay binoto si Ashley. Siyempre kami ni Althea ay napatayo sa sobrang saya na nanalo si Carl.

Yes. Oo. Nanalo si Carl. Si Carl na ang official President ng 4th Year - Class A. At si Ashley naman ang Official Class Vice President ng klase namin.

Akalain mo yun? Ang loko loko kong best friend ay nanalo bilang Class President? How? Hindi ko din alam. Ang mahalaga, alam ko na magiging maayos ang school year na to dahil kampante ako na kaya kaming pangunahan ni Carl.

At dahil mayroon nang President at Vice President, siyempre hindi dapat mawala ang iba pang officers. Ang nanalong Secretary ng klase namin ay si Christine. At siyempre hindi kami magpapatalo kay Carl na naging President. Ako ang Auditor at si Althea ang Treasurer. P.R.O. ay si Brian. Ang mga Sergeant-at-arms naman namin ay sina Gabriel at Jacob. Muse namin ay si Samantha. At ang pinaka-unexpected sa lahat, ang escort namin ay si Andrei.

Lunch na namin. Natapos na ang tensyon sa pagitanng mga nominado para sa mga Class Officers. Sa wakas, naideklara na ang bagong Batch ng Class Officers.

Gaya ng dati, sabay sabay kaming kumain nina Carl at Althea ng lunch. Kung anu-ano lang ang pinagusapan namin. Mga kalokohan. Puro kami tawanan. Sa kalagitnaan ng usapan namin ay nakita kong papalapit sa amin ang lahat ng officers ng classroom, puwera kay Andrei.

"Ah, Carl." Sabi ni Samantha.

"Oh bakit?" tanong naman ni Carl.

"Huwag ka nang pabebe Sam. Itanong mo na para matapos na tayo." naiiritang sinabi ni Jacob.

"Ahh.. ehh..." pautal-utal na sinabi ni Samantha.

"Ay jusko. Gay, bakit Gay ang gusto mong itawag namin sayo? Gay ba talaga ang gusto mo?" mabilis na sinabi ni Althea.

Shit! Ayan na sila. Nanlata ako at hindi nakasagot sakanila. Sa sobrang pagkagulat ko ay ang nasabi ko nalang ay...

"HINDI AKO BAKLA!"