webnovel

Prologue

Hindi lahat ng tao ay tanggap ang mga miyembro ng LGBT, minsan itinataboy sila. Minsan pinandidirian. Pero ako? Hindi ako member ng LGBT, hindi ko sila kinamumuhian, as long na wala naman silang ginagawa sakin, wala akong dahilan para awayin at pandirian sila. Sa lahat ng school at klase na pinasukan ko, isa lang ang naririnig nila galing sa bibig ko tuwing unang araw ng klase...

"I Am Gay. My name is Marcus Gay Aguirre. You can call me Gay for short."

Lahat ng mga kaklase ko, kinagugulat ang mga sinasabi ko. Siyempre, dahil nga sa pangalan ko, mula elementary hanggang ngayon, tuwing unang araw ng klase, lagi akong napagtitripan. Pero siyempre throughout the years magkakaroon ka ng mga kaibigan. Kaya kahit san ako mapuntang school, kasama ko sila. Sila Carl, at Althea.

Nagkakilala kami bandang mga August noong Grade 2, as expected, at gaya ng lahat ng mga teleseryeng mapapanood mo, sila yung lumapit saakin noong umiiyak ako sa may garden ng school. Ano pa nga ba? Siyempre na-bully ako. Transferee ako ng mga panahong iyon, at silang dalawa lang ang naglakas-loob na kaibiganin ang batang may kakaibang pangalan.

At gaya nga ng sinabi ko, hindi ako Bakla! Pangalan ko lang yun. Kasalanan ko bang hindi pa ko inilalabas ng nanay ko eh... patay na ang tatay ko? Ayun, nung pinanganak ako, bigla nalang pumasok sa utak ng nanay ko ang salitang "gay."

"Aba, magandang pangalan yung Gay ah? isusunod ko 'to sa pangalan ng daddy nya. Kaya baby ko, ikaw na ngayon si Marcus Gay."

Oo, noong una ay napakahirap mag-adjust. Pero kalaunan nasanay na ko.

"Hi Gay!"

"Uy Gay!"

"Gay? Gay!"

At ngayon? Panibagong pagsubok na naman. Lilipat na naman ako ng school. At hulaan nyo, sinong kasama ko? Siyempre si Carl at Althea parin.

"Marcus... Marcus... Marcus anak gising na" isang malambing at pamilyar na boses ang narinig ko sa panaginip ko.

"Marcus... Marcus..." palakas ng palakas iyong boses.

"Marcus... MARCUS TANGINA GUMISING KA NA!" At iyon na nga, ginambala na naman ni Mama ang mahimbing kong tulog. Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga ko dahil sa lakas ng talak ni Mama.

"Ma? Bakit ba? Ang aga aga pa eh..." pagrereklamo ko. Binigyan ako ni Mama ng isang matalim na tingin habang nakataas ang isang kilay niya... Unti unti akong lumingon at kinuha ang aking cellphone.

"6:45... Si.... si.... six forty five?!" Kaagad akong tumalon mula sa kama at tumakbo ng pagkabilis-bilis papunta sa banyo.

"Ma naman! Ba't hindi mo ako ginising?!" pagrereklamo ko kahit alam ko na ako ang hindi gumising.

"Aba'y napapraning ka na ba? Kaninang alas-6 pa kita ginigisng diyan! 5 minutes ka ng 5 minutes diyan tapos ngayon? Ano? Portypayb minits ka nang nakahilata parin?" mataray ngunit pabirong sinagot ni Mama.

At ayun, dahil alam kong late na ako sa unang araw ko sa bago kong school, nakalimutan kong hindi ko pa naibobotones ang aking polo at hindi ko pa naisasara ang zipper ng pantalon ko.

Kaagad kong kinuha ang aking gamit at pumitas ng isang saging mula sa piling na nasa aming lamesa.

"Bye Ma! Mauuna na ko!" pamamaalam ko sa aking ina.

Pumara ako ng isang tricycle at saka pinaharurot ito papuntang school. 6:59 na, malapit na magbell. Tumakbo ako nang pagkabilis-bilis at pumasok sa isang kuwarto na may nakalagay na "1st Year-Class A." Pagpasok ko ay nagtinginan sakin ang lahat sa loob ng classroom.

"Bakit ang babata ng mga tao dito? Masyado na ba akong mukang lolo? Anong skin care Products nyo?" tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa blackboard ng makita ko ang mga nakasulat dito... "Welcome 1st Year-Class A Batch 2020-2021!"

Nanlaki ang mga mata ko. Shit, 4th year na nga pala ako. Dahan-dahan akong umatras at isinara ang pintuan ng classroom. Tumakbo ako ng mabilis papalayo sa klaseng iyon buhat ng kahihiyan ko.

Sa wakas, nakarating din ako sa tamang klase ko. Pag pasok ko ay wala paring teacher na nagbabantay. Gaya ng normal na High school, lahat ay magulo, maingay at lahat ay may kani-kaniyang grupo. Sa bandang dulo ay may nakita akong mga pamilyar na muka. Si Carl at si Althea.

Kumaway ako at sabay isinigaw ang mga katagang... "Carl! Althea! Ako to! Si Gay!" nagtinginan sakin ang lahat na para bang may mali na naman akong ginawa.

"Ay shit! Ba't ko sinabing Gay?" sabi ng konsensya ko.

"Gay? GAY!" Kaagad na tumakbo papalapit sakin si Althea at saka ako niyakap. kasunod niya naman si Carl na gaya ng dati, mukang laging mabango at malinis.

"Late ka na naman." Pabirong sinabi ni Carl sa akin.

Kakaiba ang pakiramdam ko dahil nakatingin sa amin ang lahat ng tao.

"Huwag mo silang pansinin" Ngumiti si Carl at inakbayan niya ako. Nagulat ako nang bigla niyang isigaw na... "Siya si Gay! Lalaki siya!" Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na sinipa ang likuran niya.

"Hayop ka talaga Carl Vincent Trinidad!" sigaw ko. Tinawanan lamang kami ng aming mga kaklase at bumalik na lahat sa paguusap ng grupo-grupo.

Dumating na din sa wakas ang Teacher namin. Muka siyang mabait at may mahabang pasensya. Hay. ang daming nangyari para sa First day ano?

Ayan na, Introduce yourself na at turn ko na. Gay ng lagi kong sinasabi...

"I Am Gay! My name's Gay..."

Next chapter