Nang matapos si JM sa kanyang sketch ay pumunta na siya sa table namin para makipag-inuman na rin. "How was it?" he asked us.
"It was very entertaining," Vaughn answered before he chugged on his beer. "Hindi namin alam na magaling ka pala sa pambabanat," he added right after.
Kiko kissed JM torridly and told him that he was so proud of his boyfriend. Natuwa naman kaming tatlo nina Mathias at Vaughn sa kanilang dalawa.
"Kainggit naman. Tayong dalawa na lang dito ang walang jowa. Magpatulan na lang kaya tayo?" pabirong sabi ni Vaughn kay Mathias. Itinulak naman siya ni Mathias as he responded, "Kadiri ka! Friends are friends, not food."
Nagsitawanan na lang kami sa kanilang dalawa.
Isang oras pa ang lumipas bago kami tuluyang umalis sa comedy bar na iyon. Naglakad-lakad kaming lima para pumunta sa pinakamalapit na fast food restaurant na 24/7. Hindi maiwasang itanong ulit ni Kiko kung okay lang ba talaga ako, and because of the alcohol, I said everything that I wanted to share to them na bumabagabag talaga sa isipan ko simula pa kaninang hapon.
"I don't actually have a boyfriend," I started to say. "Nasa pretend-relationship lang ako with someone para makatakas sa isang taong gusto kong layuan sa school natin," I added while we were walking. Nagsi-tinginan lang silang apat sa isa't isa habang naka-kunot ang kanilang mga noo.
"Ayoko munang sabihin ang pangalan niya, but she's too influential in Liesel University that going against her might be a dumb move to do," I uttered. "Anyway, there's something more that I needed to tell you," I added before I paused.
"Ano iyon?" nagtatakang tanong ni Vaughn sa akin.
"Because of what I had witnessed today, I discerned something, and that was the realization that I'm starting to fall in love with my pretend boyfriend," I answered bago ako yumuko dahil ayokong makita ang judgments nila sa akin dahil sa sinabi ko.
Hinawakan ni Mathias ang kamay ko. "There's nothing to be ashamed of, Grey. Kaibigan mo kaming lahat dito, and besides, naiintindihan ka namin."
"Welcome sa samahan ng mga marurupok," sabat naman ni Kiko habang kinakandong niya si JM na napasobra yata sa pag-inom. "So, who's this lucky guy?" he asked right after.
I looked at Mathias. "Hindi mo pa sinabi sa kanila?"
"Hindi pa. That's your story to tell, Grey, not mine."
I smiled. Mathias may be a complex character, but now I found out that he's a friend who's worth keeping for.
I looked at Vaughn, Kiko, and JM. "It's Sang Woo Lee."
As what I had expected, the three of them were surprised while Mathias was just smiling beside Vaughn.
"The one without personality? 'Yong habulin ng mga kababaihan at kabaklaan sa campus?" tanong ni Kiko. Si JM naman na kinakandong niya pa rin ay 'di pa rin makapaniwala sa sinabi ko.
I laughed it off. "May personality naman siya, ah. Actually he's very funny and smart as well. And yes, that's him."
Vaughn then asked Mathias if alam ni Lee ang nangyari sa kanila ni Cobi. "Yes, alam niya," sagot naman ni Mathias nang naka-kunot ang kanyang noo. Kahit siya ay naku-confuse na rin dahil kay Vaughn.
"Shit," pagmumura ni Vaughn upon thinking on something, then Mathias nudged his arm and asked him on why he was acting weird.
"This is just a hypothetical question, Greyson, pero nang nalaman ba ni Lee about sa pag-trick ni Mathias kay Cobi, nag-iba ang treatment niya sa'yo?"
I nodded. "Why?" I asked him in return.
"Shit," pagmumura niya ulit.
"Ano ba, Vaughn? Puro tae iyang laman ng bunganga mo. Kaya siguro ang baho kapag nagsasalita ka kasi puro ka shit," galit na ugong naman ni Mathias sa kanya. "Oh, bakit nga raw sabi ni Grey?"
Vaughn looked at me in the eyes na parang nababahala siya. "I think you need to talk to Lee about it. Sabihin mo sa kanya na iba ka kay Mathias and what he did was not to exploit his friend, Cobi. May pinagdadaanan 'yong kaibigan mo regarding sa baiting at luring kaya siya nagkakaganyan," he said.
"I . . . don't understand you," I answered him in confusion. Narinig kong sumagot din si Kiko ng, "Ako rin," sa tabi niya pero masyado akong naguguluhan kaya hindi ko na lang siya pinagtuunan pa ng pansin.
"Basta. You need to talk to him about that. Fix your issue with him. Tell him that Mathias is not what he thought he is. Kasalanan ko ito, eh. Masyado akong naging optimistic regarding kina Mathias at Cobi. Akala ko magwo-work. Ginulo ko lang pala ang buhay ninyong dalawa. Sorry," he said before he closed his eyes and let out a loud sigh.
"I think I will," I told him kahit na naguguluhan pa rin ako.
"Tangina, lumiko na tayo," wika ni Kiko habang hawak hawak ang bewang ni JM na naka-drag outfit pa rin. Akmang iiwas na kami sa kanila pero huli na ang lahat nang may makita pa kaming dalawang mga lalaki sa kabilang kalsada.
"Bakit ba kasi hindi pa kayo maubos-ubos sa mundo? Mga salot kayong mga bakla kayo!" galit na sabi ng lalaking bigotilyo sa amin. Naramdaman kong uminit ang mga tenga ko sa sinabi niya kaya lumapit ako ng kaunti sa kanya. Kung hindi ako pinigilan ni Mathias ay baka nasuntok ko na ang lalaking iyon.
"Aba, parang may matapang sa inyo riyan, ah," nakangising sabi naman ng lalaking naka-itim na denim jacket bago niya pinakita sa amin ang hawak-hawak niyang Swiss knife.
"Greyson, huwag mo nang patulan ang mga iyan," Mathias whispered to my ear from behind. I nodded as I stepped back. Hinawakan na lang ni Mathias ang kamay ko at hinimas-himas ito para siguro kumalma ako kahit papaano.
"Mga sir, wala naman po kaming ginagawa sa inyo. At kung akala po ninyo na mga bakla po kami, kakagaling lang po namin sa costume party at 'di na po nakapagpalit ang kasama namin dito," alibi naman ni Vaughn sa kanila. Halatang nanginginig ang boses niya habang siya'y nagsasalita kaya tumawa ng malakas ang limang mga lalaki sa harap namin.
"Iyan ang alibi mo, ha? Ang hina," sagot naman ng lalaki bako siya tumalikod at kumendeng-kendeng at tumawa. Tumawa na rin ang ibang kasamahan niya at may narinig pa kaming nagsabi ng, "Mga lampa. Sanay lang kasi sa luhuran."
Uminit ang batok ko dahil sa kanila pero hawak-hawak pa rin ni Mathias ang kamay ko para kumalma ako.
"Kami na po ang humihingi ng paumanhin, mga pare," wika ni Vaughn. Lumapit siya sa isang lalaki sa hindi kalayuan at may iniabot siya sa kanila. Sa nakita ko, kinuha naman ng lalaki ang ibinigay ni Vaughn sa kanya at sumenyas siya sa ibang mga lalaki. Doon ay nag-umpisa na silang magsi-alisan sa dinadaanan namin. Nagulat na lang kami nang bumalik pa ang bigotilyong lalaki at sinuntok si Vaughn sa tiyan bago siya tuluyang lumayo na.
Tumakbo kaming dalawa ni Mathias kay Vaughn para alalayan si Vaughn dahil kitang-kita namin na nasaktan talaga siya sa ginawa ng lalaki sa kanya. Nakaluhod na siya sa gilid ng kalsada habang hinahawakan ang tiyan niya. Akmang susugod na sana ako pero pinigilan pa rin ako ni Mathias. "Kumalma ka lang," wika niya.
"Paano ako kakalma, e, sinaktan ng lalaking iyon ang kaibigan natin?" galit na tanong ko sa kanya.
"Sa ating estado sa lipunan, if you have the choice between being right and being kind, always choose kindness," mahinahon niya namang sagot.
Not long after when I found out na hindi na raw bago rito ang ganyang mga tao. "It's a common thing, and do you think the five of us can change tonight?" asked Mathias.
"Not for now, but we can somehow change this someday," I answered while we were walking.
*****
"Lee?" Umupo ako sa sahig para marinig niya ako. Kinalabit ko na rin siya dahil hindi pa rin siya gumigising. Nakayuko lamang siya habang nakaupo at suot-suot pa rin niya ang damit niya kanina.
"Damn," I whispered to myself when I realized that I didn't tell him that I was going to hang out with my friends.
"But he was the reason behind it after all," the devil in my head hushed.
"Lee, andito na ako," pag-uulit ko; nagbabakasakaling marinig niya ako this time.
He woke up right after, but I never expected him to throw a tantrum in me. "Grey, alam mo bang ilang oras na ako ritong naghihintay sa'yo? Tapos amoy alak ka pa ngayon? 'Di ba ang sabi ko sa'yo huwag kang uminom hangga't hindi mo ako kasama kasi delikado? Nakinig ka ba?!" he yelled as we stood up.
I laughed at him. "Look who's concerned. Ang kapal ng mukha mo para maging concerned ngayon sa akin. You are baffling me, Lee. If you don't like me as your roommate, pwede mo naman akong palayasin diyan sa kwarto mo kagaya ng pagpapalayas mo sa dati mong roommates!"
Tinitigan niya ako ng masama bago niya ako itinulak sa pader ng kaharap na kwarto. "Greyson, you do not know what you are talking about! Palagi akong concerned sa'yo pero ikaw itong tatanga-tanga na hindi naa-appreciate ang efforts ko! Lahat naman ginawa ko even though helping you could ruin my life as well. Sinuway ko na nga ang taong may malaking utang na loob dapat ako!" pag-aamok niya. Nakita kong tumulo ang mga luha sa mga mata niya. "Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang?!"
Tinulak ko rin siya hanggang sa mauntog ang kanyang likod sa pader ng aming kwarto. "Oo na! Tanga na ako! Tanga ako kasi hinayaan kitang sirain ang buhay ko. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. I really appreciated your effort regarding sa lintek na Venus na iyon. Pero pare-pareho lang kayong dalawa. Tanungin mo nga ang sarili mo, ha?! Nakatulong ka ba talaga o nakadagdag ka lang sa problema ko?!"
After I said that, there was only silence between us. He was still crying while he was looking at the floor. "Bukas aalis na ako sa kwartong iyan. Maghahanap na ako ng ibang room o ibang dormitoryo. You don't need to hurt me if you don't want me as your roommate anymore," I told him.
"What the fuck are you talking about?" he asked me.
"Alam mo ba 'yong rason kung bakit ako nagwalwal? Alam mo ba na ang baba ng tingin ko sa sarili ko kasi nag-assume ako na gusto mo ako pero malabo palang mangyari iyon kasi may babae ka? Alam mo ba kung gaano kasakit na marinig kong kaibigan ang pagpapakilala mo sa akin kanina sa babae mo? Oo, hindi nga tayo," I said before I bitterly laughed. "Walang tayo. Hindi tayo nag-umpisa at siguro matatapos na iyong ugnayan natin ngayon, pero sa tatlong linggong nakasama kita, pinahulog mo ang gagong kaharap mo ngayon. Sana masaya ka na," I told him.
"Grey!" he exclaimed as he held my hand. "Hindi ko inakalang mahuhulog ka sa akin. I never assumed that."
I bitterly laughed again. "But at least you know now that you won against me. Naging marupok ako sa'yo. Do you know that I never believed in love until I met you?"
I saw him cried harder.
To my surprise, he hugged me tightly right after. "Grey, you just don't know how remarkable this moment is," he said.
I raised my left eyebrow. "What do you mean?"
"To know that you are loved by someone you truly yearn, this is special," he worded.
I stepped back at inialis ang pagyakap niya sa akin. "You know what, Lee? Enough with this gameplay. I saw you kissing that girl this afternoon. Ano ito, marami kang minamahal? At sa C.R. pa talaga kayo naghahalikan? If there's a person here who doesn't know the concept of love, it should be you," galit kong sabi sa kanya.
"I never loved that woman. I only kissed her to leave me alone because I have you now. Also, I tried to find someone who can distract me from thinking about you. Alam mo ba na sinaktan mo ako kanina nang wala kang sinabing matino tungkol sa tulang pinagpuyatan ko para sa iyo?" Because of how his voice quivered, I can tell that he was truly hurt.
"Greyson, sa tatlong linggong magkasama tayo, pinakita ko sa'yo na gusto kita. Gusto kita kahit na tatanga-tanga ka paminsan-minsan. Gusto kita kahit na gumagawa ka ng mga desisyon na hindi tama para sa'yo. Gusto kita kahit na nalaman ko ang ginawa ng kaibigan mo sa kaibigan ko. I've been proving that to you. Ikaw lang itong nagbubulag-bulagan," he explained before he wiped off his tears using his wrists.
"But what about Mathias? Why does that matter to you?"
"Ayokong magaya sa akin ang kaibigan ko. Hindi lang ikaw ang nakaranas ng sexual assault, Grey. Testigo ang Twitter at x-rated websites kung gaano ako ginago dati. Ayokong may tao na namang mapapahamak kagaya ko," he confessed as he cried harder. "Ayoko nang balikan ang nangyaring iyon sa buhay ko, but now that you know it, mahal mo pa rin ba ako?" he asked me.
"Itigil na natin ito, Lee," mahinahon kong utos sa kanya. Naiiyak na rin ako dahil sa nalaman ko.
"Sure. If that's what you want. Salamat sa tatlong linggong nakasama kita," he responded before he faked a smile.
"Itigil na natin itong pagkukunwari. Totohanin na natin ito from this moment forward."
I grabbed his shirt with my hand and pushed his head on mine using the other one. Naramdaman ko ang init galing sa kanyang bibig dahil sa sobrang lapit namin.
"Be my mistake, Sang Woo Lee," I told him before I kissed him passionately.