webnovel

His Slave for 100 Days

enlightenedwriter · 青春言情
分數不夠
14 Chs

Chapter 4

Bigla akong nanlumo dahil sa pagpipilian. Hindi ko kayang mawala ang scholarship ko dahil yun nalang ang inaasahan nang mga magulang ko. Bat kasi kailangan pang maging slave niya, at 100 days pa talaga.

"Natulala ka diyan? Ano na?" masungit na tanong nito at pasimple lang ako umirap. "Excuse me pero kailangan talaga maging slave? Uh, I can buy that kind of shirt for you wag mo lang gawing slave si Angela" biglang sabi ni Arra at pinigilan ko ito "Arra wag na" pero tiningnan niya lang ako saglit at ibinalik kay Jake ang tingin.

"Excuse me, pero hindi ka kasali dito kaya wag ka maki epal." masungit na sabi ni Jake at halata ang pagkairita sa mukha nito. "Ano na Miss?" medyo nauubos na ang pasensya niyang sabi.

"Oo, tatanggapin ko na" sabi ko at nagbaba nang tingin habang si Arra naman at mukhang gulat sa pagpayag ko. "NO! Hindi ka magpapaalipin sa lalaking iyan Angela!" galit na saad nito at tiningnan ako na may galit sa mukha.

"Umalis ka nga, pumayag na siya kaya wala ka nang magagawa" sabi nito at bahagya pang tumawa, bat napaka sama niya. "Here, pirmahan mo iyan at bukas ang simula nang pagiging slave mo" sabi nito at itinuro nito kung saan ako pipirma.

Kumuha ako nang ballpen pero nung akmang pipirma na ako bigla akong nagdalawang isip.

Gagawin ko ba talaga ang nais nang lalaking ito? Magiging slave ba talaga ako sa loob nang 100 na araw?

Napabuntong hininga nalang ako at napailing nalang upang mawaglit iyon sa aking isipan. Tiningnan ko ito ulit at walang alinlangang pinirmahan ito at ibinigay pabalik kay Jake. Dahil pinirmahan ko ito, isa lang ang ibig sabihin nun. Wala na akong kawala sa kaniya.

"So bukas ka na magsisimula slave. Give me your number, para kapag kailangan kita matatawagan lang kita agad" sabi nito at inilahad sa akin ang kaniyang mamahaling cellphone. Tinype ko agad doon ang number ko at sinave ito.

"Tapos na ata ito diba? Pwede naba ako umuwi?" tanong ko, tumango lang ito at walang pasabi na sumakay sa sasakyan niya at umalis. Napaka walang modo talaga, hayst.

"Angela naman, bakit ka pumayag don? Pwede ko naman siya bilhan nang ganun para ipalit. Walang problema sa akin iyon" maktol ni Arra nang makaalis na nang tuluyan si Jake.

"Hayaan mo na Arra, ako naman ang may kasalanan doon kaya ako dapat ang managot. Tsaka hindi naman ata ganun ka harsh si Jake, baka madali lang ang mga utos niya. Kayang kaya ko yun!" sabi ko at ngumiti kay Arra. Napabuntong hininga siya at napailing nalang. Alam niya kasing hindi niya ako mapipilit sa gusto niya.

"Oo na pero kapag pinahirapan ka niya sabihan mo ako ha? Ako ang bubugbog sa kaniya! Makikita niya talaga!" pahabol pa nito habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya, nag offer rin kasi siya ulit na ihatid ako. Pumayag na rin ako para madagdag ko sa ipon ko ang pamasahe sana.

"Opo sasabihan agad kita" natatawa kong sabi at nakita ko lang itong nag pout. "Wag ka mag pout diyan, hindi ka cute" dagdag ko pa at hinampas lang ako nito sa braso.

Tatawa-tawa lang ako habang siya naman ay sobrang irita na. Natagpuan na namin ang sasakyan niya at agad ding pumasok. Pinaandar na niya ito at umalis na kami.

"Kanina inimbita ako ni JC sa birthday niya sa Thursday. Sama tayo?" yaya ko dito at bigla lang itong sumigla "Inimbita niya rin ako, sinabihan niya ako kanina nung hinahanap ka niya" sabi nito na sobrang saya pa.

Alam ko naman na matagal na itong may gusto kay JC pero ayaw umamin. Kung ako siya hindi rin ako aamin, ayokong masira ang pagkakaibigan namin kung sakaling malaman niya na may gusto ako sa kaniya.

"Hanggang ngayon ba at may gusto ka pa rin kay JC? Kahit sinabi na nitong may nagugustuhan na siya?" tukso ko at namula naman ito agad. Tama nga, hindi pa ito naka move on kay JC

"Oo! Sino bang hindi magkakagusto sa lalaking yun eh ang gwapo, ang gentleman, ang bait, mayaman pa. Hay nako JC, sana ako nalang ang nagustuhan mo." sabi nito na halatang malungkot doon sa huling sinabi.

Matagal na kasi naming kaibigan si JC at matagal na ring may gusto si Arra sa kaniya. Nang isang araw magkakasama kami bigla nalang sinabi ni JC na may nagugustuhan na siya. Ayaw niya sabihin sa amin kung sino pero batid kong hindi iyon si Arra o ako. Para kasing kapatid na ang turing nito sa amin. Sa sinabing iyon ni JC, halos hindi na ako makatulog kagabihan dahil katawag ko pa si Arra at inaalo ito dahil nasaktan. Hindi ko naman siya masisisi, hindi naman ginusto ni JC na saktan siya at hindi naman alam ni JC na may gusto ito sa kaniya.

"Masasaktan ka lang ulit Arra. Tsaka ayoko na matulog nang 1 AM kakaalo sayo." sinamaan ako bigla ng tingin ni Arra dahil sa sinabi ko . "Joke lang, syempre dadamayan kita kahit anong oras pa tayo matulog" bawi ko at natawa nalang kaming dalawa.

Nandito na kami sa tapat ng bahay at lumabas na ako ng sasakyan. Si Arra hindi na lumabas dahil hinahanap na raw siya sa kanila. "Bye Angela! Muah!" paalam nito at kumaway. "Bye din! Salamat sa pag hatid Arra" sabi ko naman at gaya noon tinanaw ko muna ito hanggang sa makalayo bago pumasok.

Nandito na ako sa kwarto at hindi parin makalimutan ang deal. Ano pa ba ang magagawa ko, scholarship ko nalang ang inaasahan ko para makapag aral. Ayokong ibalewala ang paghihirap ko para makuha ang scholarship na iyon.

Bukas na ako magsisimula sa pagiging slave, sana naman hindi niya ako pahirapan.