webnovel

His Slave for 100 Days

enlightenedwriter · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 5

Umaga na, gumising na ako at naligo para pagkatapos ay makapag handa nang umagahan. Nakapagbihis na ako at ngayon ay nagluluto na nang almusal. Medyo kinakabahan din ako sa mangyayari mamaya sa school. Ngayon kasi ang unang araw nang pagiging slave ko kay Jake.

Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip kung ano ano ang iuutos niya sa akin.

"Nay, bunso. Gising na kayo para makapag almusal na habang mainit pa ang kanin at ulam." Pag gising ko sa kanila at bumalik sa kusina para makapag handa sa mesa. "Ang aga mo ata anak?" bungad ni nanay sa akin pagkapasok nito sa kusina.

"Namiss ko kasi mag luto nang umagahan nay eh kaya ayan" sabi ko at ngumiti sa kaniya. Halata naman sa mukha ni nanay na excited ito, minsan nalang kasi ako makapagluto dito sa bahay dahil sa sobrang busy.

"Ate, ate, nagri-ring po cellphone mo. May text ata yun" sabi ni bunso at nagtaka naman ako kung sino ang magte-text sa akin nang ganito kaaga. Pumunta muna ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko at nakita na galing sa hindi naka register ang text.

From: 092761*****

Slave, magdala ka ng pagkain, sa school ako kakain at ihatid mo iyan dito sa lugar na tinatambayan namin. First building second floor, may isang pinto na kulay blue doon mo ihatid.

- Pogi mong Master

Ang aga aga nab-bwisit ako sa lalaking ito. Hayst, dadalhan ko nalang siya nang niluto ko. Siguro okay na ito para ipakain sa kaniya, wala namang lason ito. Ang kapal pa hindi naman siya pogi.

"Kain na tayo nay." sabi ko at umupo na para kumuha nang kanin. "Sino nag text anak?" tanong ni nanay at ayoko naman sabihin na si Jake ang nag text dahil napapadala nang pagkain. Ayoko rin sabihin na nagpapa slave ako sa anak nang may ari nang unibersidad na pinapasukan ko.

"Si Arra lang nay nagtatanong kung nasa school na ba ako" sabi ko at kumain na. Hindi na rin nagtanong si nanay, mukhang naniwala sa sinabi ko. AYoko kasing magalala siya pag nalaman niya nagpapaalipin ako kaya nagsinungaling ako.

Natapos na akong kumain at nandito na ako sa labas para mag commute, malapit lang din naman ang skwelahan kaya hindi masyadong malaki ang pamasahe ko. Dala ko na rin dito ang inihanda kong pagkain para kay Jake.

---

Nandito na ako at papunta na sa pinakaunang building, kung saan siya nagtatambay. Hindi ko naman alam na may sariling tambayan pala ito sila. Wala kasi akong masyadong pakealam sa mga nasa paligid ko kaya ganito nalang ang pagtataka ko.

Habang paakyat ako sa second floor pinagtitinginan ako nang ibang estudyante, actually unang beses ko itong pumunta dito sa building na ito at dahil lang ito kay Jake!

"Saan kaya siya pupunta?"

"Don't tell me pupuntahan niya si Jake?"

"Ang kapal naman nang mukha niya kung pupunta siya sa tambayan nila Jake"

Magbubulungan na nga lang ang lakas pa. Hindi ko alam kung nananadya ba sila na iparinig sa akin ang mga sinasabi nila. Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nandito na ako sa second floor at hinahanap na ang blue na pinto at ayun nakita ko sa gitna. Kumatok na ako at bigla na lang itong bumukas.

"Bat ang tagal mo slave?" maktol nito at hindi man lang ako pinapasok, napaka ungentle man talaga! "Pasensiya na po, nag commute pa kasi ako at medyo malayo rin ang building na ito sa gate" sabi ko nalang at inilabas na ang pagkain na dinala ko para sa kaniya.

"Eto na po ang pagkaing pinadala mo master, ako po nagluto niyan. Way ka magalala may konsensiya pa naman ako para hindi yan lagyan nang lason" sabi ko at umalis na pagkabigay ko agad doon.

"Saan ka na pupunta? Hindi pa ako tapos sa iuutos ko!" sabi nito na ikinalingon ko. Marami nang nakatingin sa amin bagaman hindi narinig ang sinabi ni Jake.

"Ano na naman iyon master?" sabi ko sabay buntong hininga. Buti at maaga pa at maya maya pa magsisimula ang unang subject. Pumasok ito at narinig ko itong tinawag ako at sabing papasukin raw. Ano kayang ipapagawa nang masungit na ito. Tsk!

"Ayan, linisin mo lahat nang kalat dito sa tambayan namin. Ako nang bahala na magsabi sa teacher mo kung sakaling hindi ka matapos agad. Takot naman yun sila sa akin" pagmamalaki pa nito at napairap nalang ako.

Paanong hindi matatakot eh sa inyo itong paaralan. Kaya niyong patalsikin kahit sino man

Gusto ko iyon sabihin sa kaniya pero ayoko na nang gulo kaya tumahimik nalang ako. Tiningnan ko ang kalat at sobrang dami nun. May mga shirts, shorts pati na rin boxers! Gosh, hindi ba sila nahihiya sa kalat nila ditto!

Nagsimula na akong maglinis at ang magaling kong master ay ayun naglalaro nang PS4 ata. Napaka tamad, kaya naman ata niyang linisin itong mag-isa, sadyang ang arte niya lang porket mayaman.

"Anong tinitingin tingin mo diyan slave? Mag trabaho kana at bilisan mo" pagalit na sabi nito pero hindi naman nakakatakot. "Opo, eto na po master." sarkastiko kong sabi at ayun itinuon na naman ang mga mata sa nilalaro.

Pulot, walis, arrange. Yun lang ang ginawa ko dito. Pero Infairness ang ganda nang tambayan niya. Mas malaki pa ata ito sa bahay namin at mas sosyal. Mas kompleto pa nga dito kesa sa amin.

"Master tapos na po ako" sabi ko at kinuha ang face towel ko at pinunasan ang butil nang pawis na tumutulo galing sa noo ko. Lumapit ako at tiningnan ko ito,nakitang tulog kay di ko nalang ito ginambala at akmang lalabas nang hawakan nito ang kamay ko. Mukhang nananaginip.

"I love you Bianca" sabi nito habang tulog at doon nakompirma na nananaginip nga ito. Sino kaya itong Bianca na tinutukoy niya? Baka ex niya. Kinuha ko na ang kamay ko nang bigla itong magising.

"What are you staring at?" masungit na tanong nito habang nakakunot ang noo. Grabe to siya nga itong may pa hawak sa kamay ko hindi nga ako nagreklamo!

"Tapos na po ako master. Gigisingin sana kita pero ang himbing nang tulog mo. Aalis na sana ako nang bigla mong kunin ang kamay ko." sabi ko at tumalim ang tingin nito sa akin. Mukhang ayaw maniwala na hinawakan niya ang kamay ko. "May sinabi ka pa nga eh, di ko nalang sasabihin" pang aasar ko dito at tinalikuran na siya.

"Bye na master. Papasok na ako sa klase ko po" sabi ko at umalis na sa lugar na iyon.