webnovel

Who’s Going To Win?

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 1535: Sino Ang Mananalo?

Kahit na minsan nakakainis ang lalaking iyon, may malasakit siya sa mga alagad niya.

Napansin ni Ning Xi na itinuturing pa rin siya na isa sa kanila.

Nawala ang company ni Meng Shiyi at naglaho rin ang kapangyarihan niya sa isang gabi. Isang karaniwan na artista lang siya sa industry. Mabuti na lang na hindi siya nabaliw pagkatapos ng dinanas niya. Hindi na niya kayang magplano ng masama ulit.

Hindi naawa si Ning Xi sa kanya. Ganoon lang gumagana ang mundo ni Meng Shiyi, parang survival of the fittest.

Kailangan niyang harapin ang resulta ng mga ginawa niya. Kung karaniwang babae ang ipinadakip ni Meng Shiyi, patay na siguro ang babaeng iyon ngayon.

...

Sa sumunod na araw, ibinalita ang nomination list para sa 53rd Golden Film Awards.

Dahil isa ito sa pinakamalaking kaganapan sa industriya, nakuha agad nito ang atensyon ng lahat, at nagkaroon ng gulo noong nakita ng mga tao ang listahan.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者