webnovel

We’d Like Your Help

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 1162: Kailangan Namin Ng Tulong Mo

Punyeta! Kinabahan siya ng maisip ang mga balita tungkol kay Han Xiao, kaya nagtype siya sa takot at namali niyang ilagaya ang "ma" na dapat ay "me".

"[Bro Han Xiao, ang ibig kong sabihin, naaalala mo ba ako? Ako si David, kaibigan ni Jill. Nagkita na tayo noon sa Italya!]

Maraming bese niyang inulit ang mensahe, at pumili ng isa na sa tingin niya ay pinakabagay ipadala.

[Oh, David, hindi kita kilala.]

Hindi mapakali si David nang makita ang sagot. Nagkita talaga sila noon sa Italya. Sa katunayan, umupo pa siya sa tabi ni Jill.

[Haha, Bro Han Xiao, abala ka siguro. Nagkita tayo noon. Magkapareho kayo ng kurso ni Jill, hindi ba? Kaibigan niya ako.]

Kahit na nakalimutan siya nito, hinding-hindi niya magagawang kalimutan si Jill.

[Ano ang problema?] ang sagot ni Han Xiao.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者