Chapter 476: Walang Kwentang Boss
Baril na walang bala?! Inatake at pinagmumura ni Lou si Bardy ng walang tigil.
"Lou, ako pa rin ang lider ng grupo natin at may pride ako bilang lider. Paano ako rerespetuhin ng mga tauhan ko kung palagi mo akong sinisigawan!" Nakatitig si Bardy kay Lou habang nakasimagot.
"Punyetang pride 'yan!" Sinipa ni Lou si Bardy.
Umatras si Bardy at pumuormang parang aatake. Bago pa makapag-react si Lou, sinuntok na nito ang kanyang panga, "'Di na kita matiis, Lou! Tingnan mo kung anong kaya kong gawin!"
Nang makita na aatake na rin si Bardy, agad na tumayo ang matanga at inatake na rin si Lou.
Gustong tulungan ng iba si Lou pero natalo na sila ni Ning Xi gamit ang kanyang armadong kamay.
"Hoy, Lou! Tignan mo 'tong combo kong suntok!" Mabilis ang mga suntok ni Bardy, parang ulan na pumapatak sa mukha ni Lou.
Ilang oras ang nakalipas, magang maga at puro pasa na ang mukha ni Lou.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者