Chapter 268: Kung Gayon, Hahalikan Mo Ba Ako O Hindi?
Nang walang karagdagang pagka-antala, ang pangalawang take ay nagsimula.
Tinapik ni Meng Changge ang kanyang balikat mula sa likod, sinasabi, " Aking pinakamamahal na asawa, hinahanap mo ba ako?"
Humarap si Sun Huanqing at niyakap siya, " Changge…"
Guo Qisheng, " Cut! Ning Xi, tignan mo ang iyong ekspresyon, bakit biglaan kang nawawalan ng pokus?"
Niyuko ni Ning Xi ang kanyang ulo nang may hiya at sinabi, " Patawad!"
Nagsimula ang pangatlong take.
Meng Changge, "Aking pinakamamahal na asawa, hinahahanap mo ba ako?"
Sun Huanqing, "Changge…"
Biglaang sinabi ni Gui Qisheng, " Cut! Ning Xi, masyado mo siyang matagal na tinitigan. Marami na ang tatlong segundo bago mo siya halikan, okay?"
Bumulong si Ning Xi, " Okay."
Ang pang-apat na take…
Sumigaw si Guo Qisheng, " Ning Xi, masyado kang matigas at walang ekspresyon! Ano ang tinitignan mo?"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者