Chapter 1087: Hindi Makilala ang Totoong Master
"Tsk, walang kahihiyan! NAgpunta siya para kuni ang ari-arian mula sa kanila bilang isang ampon..."
"Tama! Walang hiya talaga!"
"Iba na ang babaeng ito ngayon. Nakita mo ba ang kanyang suot? Sikat ang brand na iyon at mahal din ito. Tsaka, ang minamaneho niya ay BMW! Nang may malanding mukha, hindi natin alam baka kabit na pala siya ng matanda?!"
"Ano ba ang iniisip ng matandang Master? Mayroon na siyang Miss Xueluo, ngunit gusto pa rin niyang mag-ampon ng isa pang babae mula sa kanayunan!"
…
"Ang saya ng chikahan ninyo, ano?! Sino ang babae? Hmm?"
Habang nag-uusap ang grupo ng mga tauhan, isang malamig na boses ang nagmula sa likuran. Nagulat ang lahat at umikot silang lahat.
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者